Charmaine
"Tita..." Parang nanggaling sa loob ng kweba ang boses na lumabas kay Charmaine dahil sa matinding kaba na nasa dibdib niya.
Kita ang pag-aalala sa mukha nito nang harapin siya. "Ano iyon Charmaine?"
"Naaksidente yata si Irvin." Nanginginig ang mga kamay nang ibigay niya kay Tita Precy ang cellphone nito.
"Ano?" Kinuha nito ang cellphone at may idi-nial na numero.
Kailan ba matatapos ang lahat ng pagpapahirap sa kanyang dibdib? Pakiramdam niya ay umay na umay na siya sa lutong ulam ma matagal ng nakahain sa harap niya na kung tawagin ay problema.
Pati tuloy si Irvin naaksidente pa sa kakahanap sa kanya.
Hindi na yata niya alam kung paano pa iha-handle ang bagong alalahaning ito. Malapit na talaga siyang masiraan ng bait. Sa lahat ng pinagdaanan niya ngayong maghapon ay mas titindi pa palang sakit sa dulo.
"Charmaine, si Vin!" Iniabot muli ni Tita Precy ang cellphone.
"Vin? Ayos ka lang ba? Anong nangyari? Bakit biglang naputol? Ano yung malakas na kalabog na narinig ko?"
"Char, please calm down. I'm okay. May sumalpok na truck doon sa pader na malapit lang sa pwesto ko. Nabigla rin ako kaya napindot ko iyong cellphone. Mabuti na lang at di ako nahagip. Thank God."
"Totoo? Okay ka lang? Hindi ka nasaktan?" Nanghihinang lumuwag ang daloy ng hangin sa kanyang dibdib. Pabagsak na isinandal niya ang likod sa inuupuang silya. Tahimik siyang nagpasalamat sa Panginoon.
"I'm fine Honey. Nothing to worry. Papunta na ako d'yan."
"No! Go home please or stay on a very secured place. Ayaw kong madamay ka sa grupo ni Red. Please Vin, makinig ka sa akin."
"Okay.. okay. Huwag ka ng mag-alala. I'll do as you say."
Nakahinga siya ngayon ng maluwag nang tumingin kay Tita Precy na nakikinig sa tabi niya.
"Pasensiya ka na Vin. I'll tell you everything next time we see each other."
"You better be. Dahil hindi ko gusto ang ginawa mong ito Charmaine."
She hinted pain on Irvin's voice. She'll deal with him sooner.
"Charmaine!" Pumasok si Robert sa interrogation room. "I need to talk to you."
"Sino iyan?" Tanong ni Vin.
"Iyong taga-NBI. Ibababa ko na ito. Wala akong cellphone kaya si Tita Precy na lang ang tawagan mo."
"Sige... mag-iingat ka d'yan. Tawagan mo ako please kung may pagkakataon."
"Anong nangyari Chief?" Baling niya sa inspektor.
"Good news. Nahuli na si Red at iyong ilang kasamahan niya."
"Totoo!" Iyon ang pinakamagandang balitang narinig niya sa araw na iyon.
"After some questionning, we will finalize his case. You, being the witness needs to cooperate."
"Walang problema Chief."
"I came here to inform you about the developments. May pupunta dito to get your statements formally."
"Pwede na ba siyang umuwi pagkatapos noon?" Si Tita Precy.
"I'm afraid she has to stay until it is safe for her to go out."
"Nauunawaan ko Chief," sabi ng manager niya.
Ang akala ni Charmaine ay isang gabi lang siyang di makakauwi. Pero inabot na ng dalawang linggo ay hindi pa rin siya pinakakawalan ng NBI doon sa safe house.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...