In-Exchange Of

4K 98 3
                                    

Charmaine

May katagalan na ring nakatulala si Charmaine at nakatuon ang tingin sa kisame mula nang umalis si Irvin. Naubos yata lahat ng lakas niya sa digmaang nangyari sa kanilang dalawa. Kakaibang digmaan talaga iyon. Nakakapanghina ng laman at nakakatuliro ng isipan. Hanggang ngayon nga ay medyo nangiginig pa ang kanyang katawan. Hindi pa nakaka-recover sa kakaibang balitaktakan. Ramdam na ramdam pa rin niya ang mga labi ni Irvin sa parte ng katawang dinaanan nito. Halos maubusan siya ng hinihinga tuwing maglalapat ang kanilang mga labi. Ang mga haplos nito ay nagdadala ng kakaibang init.

They almost did it, if not for that call.

Di niya kailanman naisip na magkaroon ng physical contact kay Irvin bukod sa magiging mga eksena nila sa pelikula. Now that it happened, di niya maipaliwanag kung bakit tumugon din siya at nagustuhan pa ang mga pinalasap nito kanina.

He hates her daw! Sabi pa nito bago siya iniwan.

Talaga lang ha! Saang banda kaya?

Halos sambahin na nito ang buong katawan niya.

Though, nakakapagtaka pa rin kung bakit nito nasabing he hates her.

Ano bang nagawa niya para mamuhi ito sa kanya?

They were good naman bago pa sila nagkahiwalay noon. Wala nga lang silang formal breakup nang biglang umalis ito.

Napabangon tuloy siyang bigla nang maisip na baka kaya nagagalit ito sa kanya dahil iniisip nito na may relasyon pa rin sila?

Pero hello! Di nga ba't may girlfriend na ito ngayon kaya wala itong karapatang umakto ng ganon. Kung siya nga walanamang boyfriend ay ayos lang sa kanya tapos siya pa ang magagalit?

Bigla tuloy siyang kinilabutan dahil sa lamig na dumampi sa kanyang balat. Ngayon lang niya napansin na naka-panty nga lang pala siya. Napagawi ang tingin niya sa kanyang boobs at pailing na napangiti sabay sabi sa isipang, di na virgin ang boobs niya.

Dali-dali siyang bumangon. Ipinantakip niya ang comforter sa kanyang katawan at naglakad palabas ng silid. Naalala niyang naiwan sa labas ang damit niya dahil doon na sila inabutan ni Irvin ng mga pangyayari.

Nagmadaling isinuot niya ang kanyang dress at dinampot ang shawl. Ibinalik niya ang comforter sa silid. Sandaling pinagmasdan niya ang silid. Napakagarbo talaga ng disensyo nito. Kung normal lang ang sitwasyon ay nanaisin niyang matulog muna sa malambot na kama.

Bumalik siya sa sala para kunin ang bag. Dadamputin na niya iyon sa sofa nang mapatingin sa salamin na katapat nito.

Inayos ng kamay niya ang buhok na gulo-gulo na pala. Lumapit na siya ng tuluyon sa salamin at nag-retouch na rin. Nang mapadako ang tingin siya sa kanyang leeg. Napansin niya ang pamumula ng isang bahagi sa may kanan. May kissmark kasi.

Agad siyang napangiti nang maalalang pinanggigilan iyon ni Irvin.

Nang makuntento sa hitsura ay isinuot niya ang shawl para di mahalata ang kissmark sa leeg. Lumabas na siya ng unit.

Nagsuot na rin siya ng shades kahit pa gabing-gabi na. Mahirap na at baka may makakilala pa sa kanya.

Ang problema niya ngayon ay kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon?

Di naman siya pwedeng magpatawag ng taxi mula sa room dahil siguradong may makakakilala sa kanya. Di rin naman siya

pwedeng magpasundo kay Tita Precy, siguradong magtataka ito kung ano ang ginagawa niya sa mamahaling hotel.

Sumakay siya ng elevator pababa habang wala pang kasabay na naghihintay. Sakto namang wala ring laman ang loob nang bumukas iyon. Pilit niyang pinagana ang isipan kung paano siya makakauwi. Bigla niyang naisip na tanggalin ang shawl sa kanyang balikat at ipantalukbong na lang ito. Mukha nga lang siyang timang dahil may takip na ang kanyang ulo tapos naka shades pa siya.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon