Irvin
"Same here.. I miss you too."
He saw Charmaine smiled upon hearing him said that before she went inside the hospital.
"Best actor ka talaga Irvin." He said that to himself with full of sarcasm. "A hypocrite actor."
Nakatingin pa rin siya sa papalayong si Charmaine. Kahit pa nawala na ang bulto nito ay doon pa rin siya nakatuon.
"Crap!" Hinampas niya ang manibela at ikinuyom ang mga kamay.
Kanina nang magkasama sila ay na-realize niyang may kakayahan pa rin si Charmaine na kunin ang atensyon niya. Napaka-risky ng ginawa niyang pagbaba ng sasakyan para bilhan ito ng kape, gamot at tubig. Kung nagkataong may nakakilala sa kanya ay siguradong mapapagalitan siya ni Tito P. Di rin niya maintindihan ang sarili kung bakit nagawa niya iyon. Baka naawa siya dahil ang hirap kayang bumiyahe na sira ang tiyan.
Totoong kilalang-kilala niya si Charmaine. Sa sobrang pagmamahal noon sa dalaga ay isinapuso at isipan niya ang lahat ng ayaw at gusto nito. Inalam niya ang mga pagkaing may allergy ito, ang hilig nito sa mga fashionable clothes at branded shoes and bag, mga paborito nitong music, kung kailan ito totoong masaya, kung kailan ito malungkot, pagod, iiyak o tatawa. Kulang na nga lang na pati ng brand ng sanitary pad nito ay alam niya. Truth is, alam nga niya. Tinanong niya sa dating alalay nito.
Ganon siya kahibang kay Charmaine. Kaya nang makita niyang kinakaliwa siya nito ay sobrang galit ang naramdaman niya hanggang sa ngayon. Na kung tutuusin, siya naman ang may kasalanan kung bakit naaksidente sila ni Ana noon pero di niya matanggap iyon kaya hanggang ngayon ay isinisisi niya lahat kay Charmaine.
Ang kawawa niyang kapatid. Sa halip na normal ang buhay ay naputulan pa ng paa at halos ayaw ng mabuhay.
(Flashback)
"Tita Precy, ayaw ko na talagang makipag-loveteam kay Irvin. He creeps me out."
Boses ni Charmaine ang nagpatigil sa pagpasok sana ni Irvin sa dressing room nito.
"Ano ka ba naman Charmaine!" Puno ng iritasyon ang boses nito. "Tigilan mo na iyan. Loveteam kayo. Gusto kayo ng mga tao. Ano pa ba ang ayaw mo sa kanya? Irvin is a nice guy. He has all the qualities of a perfect boyfriend. You are the envy of most girls dahil ikaw ang gusto ni Irvin kaya paano mong nasasabi iyan."
Napahawak ng mahigpit si Irvin sa can of soda na ibibigay niya dapat kay Charmaine kaya siya pumunta sa dressing room nito.
"I just don't like him. I don't like to be in a relationship yet. I want to meet other people. I want to get to know other boys. I'm young Tita Precy. Ayaw ko pang mapagtali sa isang seryosong relasyon."
"Alam mo Charmaine ang tanga mo! Grow up. Minsan lang dumating ang pagkakataong ganito. Grab it while it last. Pag nagsawa na sa inyo ang mga tao, saka mo na gawin iyang gusto mo."
"Kelan pa? Pag lola na ako?"
"Ewan ko sa iyo. Lalabas na muna ako at baka ma-highblood pa ako sa mga katwiran mo."
Agad na umalis si Irvin sa likod ng pinto. Tumakbo siya at pumasok sa dressing room niya na nasa tapat lang.
"Pare, akin na lang ito," sabay hablot ni Paolo ng soda can sa kamay niya. Natulala kasi siya sa mga narinig kay Charmaine.
Hindi pala siya gusto ng dalaga. Nakikisakay lang ito sa gusto ng mga fans nila. Pang on screen lang pala ang ginagawa nito. Sobrang disappointment ang naramdaman ni Irvin. Bakit naman ganon si Charmaine? Ang akala niya ay ayos lang sa kanila ang lahat. Kaya pala hindi ito nagrereklamo sa kanya. Kaya pala hindi man lang niya ito masolo. Kaya pala hindi ito pumapayag ng date na silang dalawa lang. Kaya pala parang ang lamig palagi nito sa kanya. Iyon pala ang kasagutan sa mga tanong niya.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...