Red

4.2K 92 5
                                    

Charmaine

Nagtatakbo na si Charmaine pagkababa pa lang sa kotse ni Irvin at dumiretso na sa ICU. Sinabi ni Rowell na naroon ang Papa niya.

"Ate!" Si Rowell. Balisang-balisa ang mukha nito. "Si Tito, kawawa naman siya."

Napatulala na lang si Charmaine nang makita ang ama mula sa glass window. Nawalan siya ng lakas nang makita ang kalagayan ng ama. Durog na durog ang kanyang puso. Napaiyak na lang siya habang nakatingin sa maputla at humpak ng mukha nito. Ang daming aparato na nakakabit sa katawan ng Papa niya. Natanaw rin niya si Dr. San Miguel sa loob na kausap ang nurse.

"Anong gagawin natin Ate?"

"Pwede bang pu-pumasok sa loob?" Wala pa rin sa sariling naibulalas niya. Gusto niyang yakapin at i-comfort ang Papa niya.

"Isa lang daw ang pwede sa loob, Ate. Di rin pwede ang magtagal. Dito lang tayo sa labas makakapaghintay. Itatanong ko kung pwede kang pumasok," sabi ni Rowell at agad namang kumatok doon sa pinto. Kinausap ito ng nurse na nagbukas ng pinto at nag-usap sila. "Pwede raw Ate." Malakas na sabi ni Rowell at sinenyasan siyang lumapit.

Kahit nanghihina ay naglakad siya para makapasok sa ICU. Inabutan siya ng hospital gown pati na rin face mask noong nurse na kausap ni Rowell kanina.

"Mag-sanitize po muna kayo bago tumuloy," saway ng nurse nang akmang lalapit na sana siya. Itinuro nito ang hand sanitizer na nasa may pinto.

Ginawa niya ang sinabi nito bago lumapit sa Papa niya.

Mas nakakapanghina at nakakalungkot nang malapitan niya ang ama. "Papa." Tumulo na naman ang kanyang luha. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Wala siyang magawa kundi ang maiyak.

"Charmaine," tawag ni Dr. San Miguel nang matapos itong kausapin yung nurse.

"Dok. Ano po bang nangyari?" Baling niya rito.

"Let's talk outside." Iminuwestra nitong sa labas sila mag-usap. Sumunod siya nang lumabas ito pero pinahubad muna ng nurse iyong gown at face mask niya.

"Ano po bang nangyari? Paano pong umabot sa ganito? Maayos naman po siya kahapon." Sunod-sunod na tanong niya nang makalabas sila.

"Things went out of our hand. He had a heart attack during the chemo session. We didn't expect it. All his vitals are okay when we started the session. But in the middle of it, his blood pressure shoot up and the next thing happened was the attack."

"Dok, ano pong mangyayari ngayon?" Takot na takot na tanong niya.

"He is still under observation. His cardiologist, Dr. Yapchangco performed several test. Mas mabuti kung makausap mo siya at ng ma-explain niya kung ano ang mga dapat gawin sa father mo. Nandito siya kanina nagra-rounds lang iyon."

"Masama ba ang lagay ni Papa?" Diretsong tanong niya kahit sa totoo lang ay ayaw niyang marinig ang isasagot ni Dr. San Miguel.

"Well, frankly speaking. He is not in a good condition. Iyong chemo niya hindi namin natapos. Dahil inatake ang pasyente kailangang unahin muna natin ang puso niya. Kapag naayos iyon at kaya na ulit ng katawan niyang tumanggap ng gamot, saka natin itutuloy ang chemo. As his oncologist, I really suggest that his heart condition be treated first. Magaling si Dr. Yapchangco. Your father is in good hands with him. Ayan na pala si Dr. Yapchangco. Joel," Tawag nito sa doktor na papalapit.

"Hi Bennidict," sabi nito.

"This is Charmaine Mondejar. Anak ni Albert, iyong patient natin ngayon na inatake kanina."

"Right. Hi Charmaine." Bati ng batang-bata pang doktor na nakakahawig ni Jackie Chan. Nakipag-kamay ito sa kanya.

"Dok, kamusta po si Papa?"

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon