Out

3.6K 80 11
                                    

Charmaine

Sabi nila once a party goer always and will remain a party goer forever.

Iba ang kaso ni Charmaine. Kung noong teenager siya ay halos walang party na pinapalampas, nitong pumasok sa pagiging 20s ay naging allergic na sa parties lalong-lalo na sa mga clubs. Kung hindi lang kinakailangan niyang pumunta dahil event ito ng isang mens magazine na na-feature siya ay di talaga siya pupunta.

Ilang pangungumbinsi pa ang ginawa ni Tita Precy para lang pumayag siya. Pati na rin ang pagpapa-salon ay ito na rin ang umasikaso masiguro lang ang presensiya niya.

"Miss Charmaine, lipat tayo sa kabila," sabi ng attendant na nag-shampoo sa buhok niya. Ibinalot nito ang towel sa kanyang ulo at inalalayan siyang makalipat doon sa upuan sa may tapat ng salamin.

Kakaunti pa lang ang tao sa exclusive salon na iyon. Kaya nga aakalain mong pina-reserve niya ang lugar dahil siya lang ang inaasikaso.

Ipapa-trim niya ang kanyang buhok at papakulayan. Magpapa-make-up na rin siya. Pupuntahan siya ni Rowena mamaya at dala na nito ang susuotin niya.

Kilala ang salon na iyon na puntahan ng mga artista. Iyong hair designer  ay mahusay raw. Kaya siguro dito siya pina-book ni Tita Precy.

Normally, yung make-up artist ng agency ang nag-aayos sa kanila kapag ganitong may mga pupuntahang event pero di nito pinapunta si Tracy sa bahay nila. Sa halip nga ay pinapag-salon siya ni Tita Precy.

Matapos tuyuin ang buhok ay nagsimula ng lagyan ng kulay ng attendant na nagngangalang Vida ang buhok niya. Tahimik lang si Vida at seryoso sa trabaho nito kaya di na rin siya nag-attempt na makipagkuwentuhan. Dahil nga tahimik lang naman siya, sumagi na naman sa isip niya ang mga pananakot ni Red kahapon nang magpunta siya sa opisina nito.

Hanggang ngayon ay di pa rin siya nakakaisip ng paraan para makalayo sa grupo nito. Natatakot siyang may masamang gawin ito sa papa niya pati na rin kay Irvin. Pakiramdam niya tuloy ay wala siyang kalaban-laban sa mapanlinlang na tulad ni Red. Kailangang makausap niya si Carmela para makakuha siya ng impormasyon sa kanyang kalaban. Hindi niya hahayaang patakbuhin nito sa takot ang buhay niya.

Dahil sa layo na ng narating ng isipan ay di niya napansin na tapos na pala si Vida sa pagkukulay ng kanyang buhok.

"Miss Charmaine, balikan kita after 30 minutes," paalam nito. "Papupuntahin ko naman iyong magma-manicure at pedicure sa iyo."

"Okay. Salamat."

Talagang total salon make-over yata ang package na kinuha ni Tita Precy. Buti na lang at maaga siya. Habang naghihintay ay nagbasa muna siya ng mga text messages sa phone niya. May isang text galing kay Rowell na nagsasabing dumaan daw ulit si Dr. San Miguel at nag-order na nga ng CT scan para sa Papa niya. Itatago na niyang muli ang cellphone sa bag nang maramdamang may nakatayo sa harapan niya. Nang makilala kung sino iyon ay nagulat siyang makita ang salubong na kilay ni Maricar.

"Look who's here." Nakapamay-awang pang sabi nito. Pormang-porma ang babae sa suot nitong glittered black sando, red mini-skirt at boots. Parang galing lang sa pag-rampa.

"Hi Maricar! Dito ka rin pala nagpapa-salon." Masaya pang bati niya.

Ngunit iyong saya at lugod ng pagkakasabi niya ay di nasuklian ng seryoso at mataray na anyo ng sikat na model.

"Let's go Carrie." May lumapit na isang maganda, matangkad at balingkinitang babae kay Maricar. "Come on."

"Wait." Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Why are you wasting your time to that has been starlet?" Hinihila na nito si Maricar pero di ito natinag man lang.

Teka, has been starlet? Ang sakit naman noon. Sino ba itong babaeng ito at ganon na lang kung makapanlait sa kanya?

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon