Irvin
"Nag-aaway ba kayo?" Sabay silang napalingon. Nabigla si Vin na makita ni Tito Albert ang pagtatalo nila ni Charmaine. Nakatayo ito sa may divider ng sala at kusina. Unti-unti itong lumapit sa kanila.
"Hindi po Tito. May pinagdidiskusyunan lang po kami. Alam n'yo naman itong si Charmaine ang bilis ma-high blood." Sinulyapan niya ang nobya na nabigla rin nang makita ang ama. "Ano po? Tuloy na natin iyong chess match natin kamakalawa?" Mas pinasigla pa ang kanyang boses.
Nag-aalala si Vin na baka ma-bad shot siya kay Tito Albert. Binitiwan niya si Char at sinalubong ito at nagmano.
"Wala ka bang shooting ngayon?" Nakatingin ito sa kanya na parang naninibago pa rin na nadadalas ang pagpunta niya sa mga ito.
"Nakabakasyon po ako. Konti muna iyong mga projects na pina-commit ko. Medyo exhausted na rin po ako sa showbiz." Pa-simpleng sinulyapan niya ulit si Charmaine na nakatingin sa mga pinggan na hinuhugasan.
May problema na naman bang di niya alam? Kung mababasa lang niya ang iniisip ng nobya ay kakalma ang utak niya.
Bakit ba kasi pinuntahan pa ni Maricar si Charmaine at binanggit pa ang tungkol sa pagtanggi niya sa Holywood project. He is really not interested with that. Si Maricar at si Tito P lang ang nagpupumilit.
At this point in his life, si Charmaine ang kanyang prayoridad. His career is only the third. Syempre, sunod kay Char ay ang kanyang pamilya. If he could switch to a different career, he is considering that now. Gusto niya ay iyong malaya silang nakakagalaw ni Charmaine. Tanggapin na lang kaya niya ang pamamahala ng ospital na pag-aari ng pamilya? Tapos naman siya ng BS Biology kaya pwede niya iyong gawing option kahit pa hate niya ang amoy ng ospital. Nagawa niyang mag-aral pa sa Amerika habang nagpapagaling sa aksidente noon.
Pwede rin naman na mag-branch-out na lang sa iba pang business. Aside from driving school, sumosyo siya sa isang restaurant na pag-aari ni Benjie at financial shareholder din siya sa on-line business ni Maricar. His businesses are doing good na kahit di siya ang nagma-manage ay kumikita at nagpapataba ng kanyang mga bank accounts. He can give Charmaine the life of a queen if she desires it. Hibang na nga siya siguro sa sobrang pagmamahal sa dalaga.
"Sige, ituloy na natin ang ating match. Charmaine, anak dalhan mo kami ng merienda sa salas."
Tinapunan niya uli si Charmaine ng tingin. Nakakunot naman ang noo nito bago tumango sa utos ng ama.
Now his thoughts were kocked down. What's really happening with his girl?
Pagkatapos ng chess match nila mamaya ay aalamin niya ang problema ni Charmaine.
"Doon tayo sa terasa," sabi ni Tito Albert.
Sumunod naman siya sa lalaki. Dinampot na rin niya ang chessboard na nasa ibabaw ng center table sa sala.
Katulad ng nakagawian. Doon sa dating pwesto sila naupo sa may ibabaw ng balustre.
"Okay ka ba Tito? Nakausap ko si Dr. San Miguel. Sigurado na raw ang iyong pag galing. Ingat lang daw at patuloy na pagmo-monitor sa kundisyon mo ang kailangan hanggang sa manumbalik na iyong lakas mo." Binuksan niya ang chess board at inilabas ang mga chess pieces.
"I'm getting stronger Vin." Tinulungan siya nito sa pag-aayos. "Determinado talaga akong gumaling para sa anak ko."
"Tama po iyan Tito. Matutuwa po si Charmaine siguradong-sigurado."
Nailatag na niya ang mga kulay puting chess pieces. Iyong mga itim namang chess pieces ang aayusin niya nang mapansing nakatitig sa kanya ang lalaki. "May sasabihin po ba kayo Tito?"
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...