Careless

9.8K 122 3
                                    

Charmaine 👩

Kanina pa kinakabahan si Charmaine sa likod ng stage. Magper-perform sila kasama ang ibang cast para sa promo ng kanilang pelikula ni Irvin sa bago nilang teen movie na "It has to be You." Katambal niya si Irvin De Silva, isa ring teenstar na ka-batch niya noong mga child star pa sila.

Napili silang i-launch bilang magka-loveteam dahil sobrang hit ang kanilang weekly TV teen series. Sa pelikula ngang ito pormal ng ini-launch ang kanilang loveteam. Kung tatanggapin ito ng publiko hahaba ang kanilang teamup. Kung hindi, hanap ulit ng bagong ipapareha sa kanya. Iyon ang plano sa kanya ng Shine Entertainment.

"Ready ka na ba Char?" Si Irvin, sinusundo na siya sa dressing room. Ang kabang kanina pa nararamdaman ay mas dumoble pa. Hudyat kasi ng pagsundo nito sa kanya na sila na ang sunod na isasalang.

Tinitigan niya ang kapareha. Naka-maroon pants, stripes na round neck shirt sa loob at dilaw na vest. Naka-gel pataas ang buhok nito at nakasuot ng salamin na may itim na frame. Mestizo si Irvin. Maputi ang balat, makinis ang mukha, medyo makapal ang kilay, matangos ang ilong at mapupula ang labi. Sa taas nitong 5"6' tall ay kailangan niyang magsuot ng flats dahil magkasing height sila. Awkard daw sa TV na mas mataas ang babaeng ka-loveteam kaysa sa lalaki. May kapayatan din itong si Irvin. Pero kahit ganoon ang body structure nito ay ang dami nitong fans. Mas doble pa nga sa kanya. Karamihan ay mga tweens ang followers nito. Sixteen years old na si Irvin at fifteen naman siya.

"Kinakabahan ako," sagot niya habang nakatingin sa salamin sa kanilang dressing room. Naka-ilang palit na yata siya ng kulay ng lipstick dahil sa nerbyos.

"Si Charmaine Mondejar nininerbyos!" He managed to laugh at her. Naupo rin ito sa katabing silya sa harap ng malaking salamin at inayos ang buhok.

"Tse! Ikaw na ang confident." Binato niya ito ng pinilot na tissue paper. Nag-landing ang papel sa nakatirik nitong buhok kaya natawa siya.

"Irvin, Charmaine lumabas na kayo d'yan. Opening number na!" Sigaw ng PA na nagbukas ng pinto sa dressing room.

"Opo Ate," sagot niya. Sabay pa silang tumayo ni Irvin.

"This is it Char! Pagbutihan natin." Tinanguan niya ang lalaki.

Tilian, sigawan ng mga fans ang sumalubong kina Irvin at Charmaine nang pumasok sila sa stage ng noontime show. Kaya ang kabang kanina ay nangingibabaw ay dagling naglaho.

"Ano ang aasahan ng mga fans sa pelikulang 'It has to be you'?" Tanong ni Tito Dave, ang kilalang host ng The Talk, isang showbiz-oriented talk show program na sunod nilang pinuntahan matapos ang variety show. Nandoon din ang mga devoted fans nila ni Irvin as live audience.

"Well aside po sa mae-entertain sila, kikiligin sila ng bonggang-bongga", sagot ni Charmaine.

"We heard na magagaling ang mga artistang kasama ninyo. Andito rin pala si Paolo Fuentes. Well, may nasagap lang naman ako... Charmaine, nanliligaw daw si Paolo sa iyo. Is that true?" Nakita niyang bumaling si Irvin sa kanyang tabi. Naghihintay malamang ng kanyang sasabihin.

Kailangan pa talagang full attention ha Irvin?

"Naku hindi po totoo iyan Tito Dave. Magkaibigan lang po kami ni Paolo. Kami naman pong lahat sa set ay maganda ang samahan kaya minsan nami-misinterpret ng ibang tao."

"Kung magkaibigan lang kayo ni Paolo, ano naman si Irvin sa puso mo?"

Halos magwala ang mga fans sa sigawan ng mga ito . Medyo natagalan bago niya nasagot si Tito Dave dahil sa hiyawan.

"We're close friends po," sagot niya sabay tawa at kaway sa mga fans.

"Ikaw Irvin, close friends daw kayo ni Charmaine. Friends lang ba ang turing mo sa kanya?"

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon