Choices

2.4K 49 2
                                    

Charmaine

"Masyadong mapaglaro si Nila, ang nanay ni Redentor," pasimulang sabi ni Albert kay Charmaine habang patuloy silang nag-uusap sa silid. "Hindi ko alam kung ginagantihan niya pa rin ba ako dahil sa ginawa ng lolo mo sa kanila."

Nang kumalma ang kanilang mga damdamin ay magkatabing naupo ang mag-ama sa gilid ng kama at nagsimula na nga itong magkwento.

"May ginawa po si Lolo sa kanila?" Takang tanong niya. Ang napakalambing at mapagmahal niyang lolo ay may kakayahan bang manakit ng ibang tao?

"Sixteen si Nila at eighteen naman ako nang magkakilala kaming dalawa sa university. Maganda siya, makwento at palagi siyang nakabuntot sa akin. Crush niya raw kasi ako." Sumilay ang munting ngiti kay Albert.

Tahimik na nakinig si Charmaine. May mga munting imahe ang lumilitaw sa kanyang isipan habang nai-imagine ang kwento ng papa niya.

"Ayos lang sa akin ang sumunod siya. Sa totoo lang, flattered pa nga ako dahil sa dami ng manliligaw niya ay ako pa ang kanyang nagustuhan. Pero alam mo na, medyo chickboy din kasi itong papa mo kaya marami rin talagang lumalapit sa akin na mga babae. Pero si Nila ang pinaka-unique." 

Nagpakawala ng buntong-hininga si Albert. "At dahil sa mga ginawa niya ay napamahal siya sa akin. Maayos naman kami, ang aming relasyon kahit paano ay naitawid namin ng ilang buwan. Ang hindi ko alam ay may iba pa palang boyfriend si Nila." Tumingin ito sa kanya at bumuntong -hininga.  "Ito iyong lalaking pinili ng pamilya niya sa kanya.  Hindi niya sinabi iyon. Kaya nang matuklasan ko ay nagalit ako. Pinagsabay niya kami." Natatawang pag-alala nito. "Hanggang sa malaman na nga ito ng lolo mo na ang girlfriend ko ay ang anak ng nagnakaw ng formula niya doon sa naluging negosyo  kaya lalong gumulo. Syempre, ayaw niya sa pamilya nito kaya pinaghiwalay kami."

Pang wattpad pala ang ang love story nina Albert at Nila. Gustong-gusto ng  ni Charmaine itanong kung saan pumasok sa buhay ng papa niya ang mama niya pero pinigilan niya ang sarili. Baka may kuneksyon ang kwento ng love story nila ni Nila sa mga nangyari sa kanya.

"Hindi ko alam na buntis pala siya noon. Huli ko na nalaman na tinakot pala siya ng mga tauhan ni Papa para layuan ako. Ang tagal niyang dinagpakita sa akin. Siguro nga ay dahil sa pananakot na ginawa ni Papang kaya lumayo siya. Wala akong naging  balitang  sa kanya. Hanggang sa lumipas ang  limang taon ay nagtagpo ulit kami. Nakalimutan ko na siya at ikakasal na kami ng mama mo pero humingi siya ng tulong sa akin dahil maysakit daw  si Redentor. Sinabi niyang anak ko ang bata at kailangan daw niya ng pera para maipagamot ito." Umiling-iling ito. "Isipin mo naman, ang tagal niyang nawala tapos pagbalik niya may anak na kami. Dahil may ibang lalaking involve noon, syempre hindi ko inisip na akin ang bata dahil baka ginagamit niya lang ako noon lalo pa at papalugi na ang kumpanya nila."

Nagugulat si Charmaine sa mga ikinukwento ng Papa niya. "Nakilala n'yo po ba si Redentor noong bata pa siya?"

"Nagkita kami... Isang beses. Sumama ako sa ospital. Naka-confine siya. Pero anak, hindi ko maintindihan kung bakit wala akong maramdamang lukso ng  dugo sa kanya. Sabi nila di ba pag anak mo ang isang bata kahit paano may mararamdaman kang sikdo sa iyong puso. Pero wala e.. Awang-awa ako kay  Redentor. May sakit daw sa baga at kailangan ng malaking halaga para maipagamot. Nangako akong tutulong. Bumalik ako sa hospital kinabukasan at naabutan kong gising iyong bata. Dahil may oxygen siya, di kami makapag-usap. Awang-awa ako sa  kanya. Naisip ko na baka nga anak ko siya. Nagbigay ako ng pera para paunang tulong. Pero nalaman ni Papang ang pagkikita namin ni Nila. Galit na galit siya. Kapag itinuloy ko raw ang pakikipagkita kay Nila ay makakarating sa mama mo ang ginagawa ko at di na matutuloy ang kasal."

"Natakot ako. Mahal na mahal ko ang mama mo. Naisip ko na nangyari na ang nangyari kina Redentor. Susuportahan ko na lang sila nang di alam ng lolo mo. Ayaw ko ring masaktan ang mama mo kaya hindi na ako nakipagkita sa kanila. Pero bago ako tuluyang lumayo sa kanila ay ipina-DNA test ko muna si  Redentor. Syempre, gusto kong makasiguro at mapawi iyong mga agam-agam sa isip ko."

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon