Night

3.1K 52 0
                                    

Charmaine

"Sinagad mo lahat ang pasensiya ko Charmaine. Gagawin mo talaga ang lahat para makaahon sa pagka-pokpok mo!"

Napako na si Char sa kinatatayuan habang hawak pa rin ang pisnging nasampal.

Kahit umakyat ang dugo niya sa kanyang ulo ay nanatiling tahimik at mariing tinitigan ang babaeng nirerespeto pa rin kahit noon pa.

"Kinausap na kita na layuan mo ang anak ko. Wala akong pakialam kung buntis ka dahil di ko naman alam kung apo ko nga ba iyan." Humihingal at pilit ring pinapakalma ni Tita Susan ang sarili ngunit ang mga titig nito ay parang balang gustong mangitil.

"I just had a call from Belinda Altamirano." Naiiling at nang-uuyam ang mukha nito nang siya ay balingan muli. "Nagpakasal na pala kayo."

Napalunok si Charmaine. Ibinaba na niya ang kamay na nakahawak sa pisngi. Naunahan na pala silang magsabi sa mommy ni Vin.

"Tita, I'm sorry. Wala po akong masamang intensyon sa anak ninyo. Mahal ko po si Irvin at ngayon pa lang ay mahal na mahal ko na ang batang ito sa sinapupunan ko." Muli siyang lumunok at mata sa matang nakipag-usap sa ginang. "Lumaki po akong hindi kumpleto ang aking mga magulang. Alam naman po ninyo iyon. Anak po ni Vin ang batang ito. Ganito man ang tingin n'yo sa akin, pero walang ibang lalaki ang nakagalaw sa akin. Proud po akong sabihin sa inyo iyon dahil tanging si Irvin lang po ang lalaki sa buhay ko. Kahit po saang DNA test pa ang ipagawa n'yo sa akin ay bukal sa loob ko pong tatanggapin iyon. Huwag lang pong danasin ng anak ko ang panghahamak ng lipunan na dinanas ko dahil sa mga sitwasyong nasuungan ko." Hilam na hilam ang mata niya nang ipukol iyon sa nanggagalaiting ina ni Vin.

"I bet you can easily say that."

"Mom! Ano ito?" Nakabalik na si Vin at bitbit na nito ang cake na binalikan kanina. Agad nitong inilapag sa sahig ang hawak at dinaluhan si Charmaine. Mainit na yakap ang iginawad nito.

Ngunit isang matunog na sampal din ang ipinaranas kay Irvin ng kanyang ina.

Galit na galit si Tita Susan nang ang anak naman ang balingan. "I never raised you to end up with a whore!"

Nagulantang rin si Irvin pero mabilis itong naka-recover. Di siya nito pinapakawalan. "I told you Mom that I love her... Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero walang makakapigil sa akin. You can not break us anymore. She's my wife now. I hope you will learn to accept that in time." Mahinahon ang pagkakasabi ni Irvin.

"You are a disappointment." Kahit na pinapakita nito ang pagmamatigas ay sunod-sunod naman ang patak ng luha nito.

Ikinawit ni Vin ang kamay sa bewang ni Charmaine. "You know that I love you Mom.... Alam mong mahal na mahal ko si Charmaine noon pa man. Please don't make this hard for us. Kung hindi ka pa handa kaming tanggapin ay susubukan naming muli sa ibang araw. Let's go Char." Iginiya na siya nito paalis doon.

Parang gamit na nagpatangay na lang si Charmaine kay Vin habang walang tigil ang patak ng mga luha sa kanyang mga mata.

Nagising si Charmaine na parang nakakarinig ng mga alon sa paligid. Nakatulog siya sa biyahe nang umalis sila kina Tita Susan. Pinili niyang manahimik kanina hanggang sa antukin na. Ang inakalang sandaling pagkakaidlip ay tumagal pala.

Nakahinto na ang sasakyan ni Vin. Makapal na ang dilim sa labas. Halos wala nga siyang makitang poste na may ilaw maliban doon sa nanggagaling sa bahay na natatanaw sa malapit.

Nakatitig ba si Vin sa labas o nakatulog na?

"Irvin... Nasaan tayo?"

Binuksan nito ang ilaw sa loob at sumalubong sa kanya ang isang pilit na ngiti. "Ayos ka na?"

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon