Charmaine
Tumayo si Tita Precy mula sa tabi ni Charmaine. Lumabas ito sa malamig na silid kung saan siya naka-detain. Nasisiguro niyang maghahanap ito ng taong makakatulong sa problemang kinasasangkutan.
Dalawang oras na siyang nananatili roon mula nang makalabas sa motel kung saan siya dinala ng grupo ni Red.
Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kanyang buong katawan sa takot at sa
mga sunod-sunod na pangyayaring ni sa hinagap ay di niya pinangarap na mangyari."I don't care." Umurong si Congressman Carlo De Chavez at naupo sa gilid ng kama. Puting-puti ang suot nito mula sa long sleeve polo hanggang sa pantalon at sapatos. Akala mo ay napakalinis. Balahura naman ang pagkatao.
Dumekwatro pa at parang asong naglalaway sa katawan niya kung makatitig.
"Strip and do a sexy dance for me! I might change my mind if I'll be satisfied with
your performance."Sa tanang buhay niya, di niya inakala na aabot sa ganito ang gagawin niya. Ang magpakababa na sadsad sa lupa ay napakasakit sa kanyang dangal.
Gustong-gusto niyang magprotesta.
Gustong-gusto niyang kumontra. May magagawa ba siya para huminto na ang lahat ng ito?
Wala siyang maisip.
Na-blanko na ang utak niya.
"Ano? Di pa ba sisimulan iyan? Gusto mo, main course na agad?" Naiinip ng sabi nito.
Kailangang makaisip siya ng paraan.
Bigla niyang naalala iyong nangyari noon kay Paolo nang muntik na siya nitong ma-
rape. Nakatakas siya noon dahil di siya nagpadaig sa kanyang takot. Kung kaya't
ang nararapat ngayon ay buuin niya ang natitira pang tapang sa kanyang pagkatao at mabilis na mag-isip ng paraan para makawala na siya sa manyak na ito.Huminga siya ng malalim bago hinarap ang lalaki. "Anong sayaw ba ang gusto?"
Kitang-kita niya ang pagngisi nito. Lalo siyang kinilabutan.
"Alam mo na kung ano ang gusto ko. Iyong maharot na kayang magpatayo ng lahat ng pwedeng tumayo sa katawan ko."
Nakakadiri.
Pikit-mata niyang sinimulan ang pag- indayog ng kanyang balakang kahit walang musika.
Habang ikinekembot niya ang balakang pakaliwa't-pakanan ay pasimpleng inililigid niya ang mata sa kabuuan ng silid.
"Remove your clothes." Madiin na utos nito.
Napakuyom ang kanyang palad sa pinipigil na galit. Kung sipain na lang kaya niya ang pagkalalaki nito, ilang minuto kaya ang itatagal noon para makatakas siya?
Sinimulan niyang ibaba ang zipper ng kanyang damit sa likod. Dinahan-dahan niya iyon para lalo pang sabikin ang hayop na manyak.
Nang mapangalahati iyon ay nalaglag ang strap ng isang balikat ng bestida kung kaya't nahantad agad ang itim niyang bra.
"Take it all off and sway your hips more! I can't wait to eat you but I'm taking my time para naman masulit ko ang binayad ko sa iyo."
Halos maestatwa siya sa gustong ipagawa nito. Kapag nahulog sa sahig ang damit niya ay tanging bra at panty na lang ang maiiwang saplot sa katawan niya.
"Parang-awa mo na Tito Carlo. Itigil na natin ito." Huminto siya sa pagsasayaw. Lumuhod pa siya at baka sakaling maawa nga ito.
Mabilis na tumayo si Carlo at lumapit sa kanya. Pilit siya nitong itinayo bago hinablot ang damit niya pababa kung kaya't nahulog iyon sa sahig.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomansaFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...