Epilogue 2

3.1K 57 16
                                    


"We will be having a change of plan." Inanunsiyo agad ni Irvin ang agenda ng kanilang meeting kasama ang events coordinator team sa kanilang kasal ni Charmaine.

"What do you mean Sir?" Si Abby, ang nagpe-preside. Nawala ang kalma ng mukha nito. "We just had our plan secured yesterday. We also finalized some of our suppliers and the wedding gown and entourage outfit is being started."

"Wala naman tayong magiging problema sa mga damit. We will be needing to change the venue."

"Sir Irvin, napa-book na namin ang The Palace kahapon din. Pero --" Kinalabit ito ni Abby at nag-usap sa mata ang dalawa. "Sige po, saan na ang bagong venue?" Si Miko, isa sa miyembro ng grupo. Halatang naaburido sa ibinalita niya.

"The bride wanted to celebrate her birthday in Zamboanga."

"Zamboanga!" Nag-chorus pa iyong dalawa sa harapan ni Irvin.

"Am I late?" Si Tita Precy ang dumating doon sa conference room ng coffee shop na nirentahan nila para sa meeting.

"Tita!" Sinalubong niya ang ginang sa may pintuan. "Hindi pa naman. Nagsisimula pa lang kami."

Naupo ito sa isa sa mga silya ng pabilog na mesa. May pumasok na waiter na may dalang mga pagkain. Tinapos muna nila itong mag-serve bago nila ipinagpatuloy ang diskusyon.

"You are saying na itutuloy na ng alaga ko ang pag-uwi sa probinsiya." Si Tita Precy habang umiinom ng kape. Nakikisabay na ito sa diskusyon.

"Yes Tita. You knew her condition. After what happened, I don't what to risk their lives."

Bumuntong-hininga ito. "I understand Irvin. Mas maganda ngang doon na muna siya. Wala namang problema kay Merina. She still has the gown. Konting changes lang naman at matatapos naman iyon. So guys, what's your plan?"

Parang biyernes santo ang mga mukha ng mga events coordinator.

"Tita, we only have six days. Imagine, six days na lang and with the change of venue to Zamboanga dapat po ay pumunta na kami roon at this period and make the most of what we can get to arrange the wedding of the century," sabi ni Abby na compose pa rin kahit halata sa mukha ang pag-aalala sa kalalabasan ng kanilang trabaho.

"I'm really sorry guys. You know my wife's condition. Muntik pa siyang makunan. She has been dealing with a lot of stress. Change of environment will somehow help her. Please, huwag n'yo sanang kalimuntan iyong confidentiality ng project na ito."

"We all know that Sir Irvin. We will arrange our flights. Baka may makuha na kami this afternoon. From there, magbibigay kami ng feedback kung ano na ang bagong plano."

"Can you still do it?" Prangkang tanong niya. Kung hindi kasi magagawa ng mga ito ang trabaho ay maghahanap siya ng makaka-accommodate. Sayang naman ang tripleng bayad niya sa serbisyo ng mga ito.

------------------------

"Hindi pala totoong yumaman ang pinsan ko." Halata ang pagkadismaya sa boses ng ama ni Charmaine.

Kinausap ni Irvin si Tito Albert para ipagtapat na nga ang totoo. Ayaw naman niyang madagdagan pa ang galit nito sa kanya. Pinuntahan niya ito sa apartment habang nagpapahinga si Charmaine sa ospital.

"I'm sorry Papa. Gusto ko rin pong mailayo na si Charmaine sa lahat ng gulong ito. Ayaw kong lumayo pa siya sa akin kaya naisip kong gumawa ng ganitong hakbang."

Sandali itong nanahimik. Ina-absorb malamang ang narinig. "Gaano mo ba kamahal ang anak ko?" Walang kurap na tanong ni Albert.

"Hindi ko po masukat. Ayaw ko pong lagyan ng boundaries ang kaya kong ibigay kay Charmaine dahil mahal na mahal ko po ang anak ninyo," buong tapang niyang pahayag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon