Rising

3.9K 93 2
                                    

Charmaine

Para talagang si Irvin iyon.

Kanina pa lumulutang sa isipan ni Charmaine ang bagay na iyon matapos ang set niya sa El Gracia.

Di na sana niya mapapansin ang lalaki kung hindi nito nakuha ang atensyon niya.  Naka-hood ba naman at naka-shades pa. Eh, gabing-gabi na kaya tawag pansin talaga.

Naalala niya tuloy ang madalas niyang porma sa mga pagkakataong kailangan niyang mag-disguise. Kakatwa pala talaga  ang hitsura pag nakita ng mga tao. Sa halip na di mapansin ay mas tawag atensyon pa pala.

Dumagdag pa sa iniisip  ang huling sinabi ni Grace bago siya nagpaalam sa kaibigan na naroroon na naman daw sa resto ang lalaking  kamukha at kasing-katawan ni Irvin.

Lumabas siya ng bar at sa likod  dumaan papunta sa parking area ng resto. Nag-text kasi si Mang Greg na paparating na ito. Iyon ang taxi cab na nirerentahan niya kapag pauwi na galing El Gracia. Naging regular na ang pagsundo nito dahil nahihirapan na rin siyang kumuha ng taxi pag sobrang late na. Pero wala pa si Mang Greg kaya naghintay muna siya sa isang tabi.

Common parking area iyon kaya marami siyang nakikitang sasakyan at may mangilan-ngilang tao na dumaraan. Napatingala tuloy siya sa kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at ang daming mga bituin. It was a peaceful sight for her. Looking at the moon somehow pacifies her nerve.

Sa dami ba naman ng kanyang iniisip, minsan pakiramdam niya ay wala ng space sa utak niya para mag-isip pa ng iba. Pero hindi naman niya pwedeng lagyan ng lock o password ang brain cells niya. Kahit anong iwas ang kanyang gawin, at the end of the day si Irvin pa rin ang gumagawa ng malaking kalabog and always ends it with a bang.

That guy.

Hindi niya talaga ito masakyan. Nagagalit siya kay Irvin dahil sa ginawa nitong pagsisi sa kanya sa mga kamalasang nangyari sa buhay nito. Ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit ito biglang nagpaalam sa showbiz world noon nang wala man lang paabiso. Naaksidente pala ito at ang kapatid.

Her heart poured on his little sister Ana.

Kamusta na kaya ang batang iyon? Malapit silang dalawa noon. Seven years old pa lang ito nang huli niyang makita. Nakababatang kapatid na nga ang turing niya sa bata. Malambing, masayahin at magaang kausap si Ana.

Ngayong naputulan ito ng paa, ano na kaya ang kalagayan nito? Kung may pagkakataon lang ay gusto niya sana itong makita. Kaya lang siguradong dadaan pa siya kay Irvin para malaman ang detalye kung nasaan ang kapatid. Nitong mga nakaraang araw, si Irvin ang taong ayaw niyang makaharap kaya ipagpapaliban na muna niya ang pagbisita kay Ana.

Paano kaya nito nagawang ibintang na may relasyon sila ni Paolo?

Kung alam lang ni Irvin ay muhing-muhi siya kay Paolo.

Ilang araw ng naglalaro sa isip niya kung kailan, saan at paano nito nakita na magkasama silang dalawa. Wala talaga siyang matandaan. Kahit anong back track o throw back ang gawin niya ay blurred talaga ang memory na iyon. Kaya pasensiyahan na lang Irvin, ang alam niya ay malinis ang kanyang konsensiya.

Bwisit talaga itong si Paolo sa buhay niya. Kahit kailan, palagi na lang gulo ang dinudulot nito.

Ang tagal naman ni Mang Greg. Sinilip niya ang kanyang cellphone sa pagbabakasakaling may pinadala itong text message na made-delay, pero wala naman. Ibinalik niya sa dalang handbag ang cellphone.

"Charmaine," nagulatang pa siya nang biglang may humawak sa siko niya.

Iyong lalaking sinasabi nilang si Irvin daw ang nasa harap niya. Nagtanggal ito ng shades at tumambad nga si Irvin.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon