Smell

2.9K 51 2
                                    

Charmaine

Dali-daling lumabas si Charmaine sa funeral parlor. Nauna na sina Joy at Wena patungo sa parking. Sumusunod siya sa dalawa nang may kamay na pumigil sa kanyang braso.

Kabado mang pumihit ay hinarap niya kung sino iyon bagamat may pakiramdam na siyang iyong taong iyon na ayaw niyang makita ang pumipigil sa kanya.

Sino pa nga ba? Si Red.

Expected niya na nga kaya nga gustong-gusto na niyang makaalis ng mabilisan. May sa pusa yata ang taong iyon dahil nakahabol agad sa kanya. Pababa na dapat siya ng hagdan sa unang palapag nang maabutan siya nito.

"Kamusta Charmaine?" Kahit na masamang tao si Red sa paningin niya ay puno pa rin ng sopistikasyon ang pagbati nito. Di pa rin nito binitiwan ang kanyang braso. "Nagmamadali ka yata. Iniiwisan mo ba ako?"

Nagpumiglas siya at nakawala naman sa hawak nito. "Bakit naman kita iiwasan? Wala naman akong utang sa iyo." Pinuno niya ng lakas ng loob ang paraan ng kanyang pagsagot. "Sadyang nagmamadali lang talaga ako. Bakit ba? May kailangan ka?"

"Alam mo kung ano ang kailangan ko matgal na. Ang tagal mong nawala. Kaya pala di kita mahagilap ay nag-out-of-the- country ka. Dito lang pala sa lamay ni Carmela kita matatagpuan." He curled his eyebrows.

"Hindi ko alam kung anong gusto mo. Diretsohin mo na ako." Iritadong sabi niya.

Ngumiti ng nakakaloko si Red. "Ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganyan. Samantalang, noong hiningi mo ang tulong ko ay halos magmakaawa ka."

"Correction, wala ka namang naitulong sa akin. Pinagkakitaan mo na ako. Kaya ano pa ba ang gusto mo?"

"Hindi pa sapat iyon Charmaine. Kung desperado ka noon ganoon din ako ngayon. Trabaho lang ito. Sana makuha ka naman sa magandang pakiusap. Pangako ko sa iyo ito na ang huling kliyente mo. Matagal ka na niyang hinihintay. Kailangan ko na ring makuha iyong bayad niya. Huwag mo na akong pahirapan, please."

"Hindi talaga pwede Red. Ayaw ko ng magpakababang muli. Tama na ang isang beses. Hanggang doon na lang iyon. Iba na lang ang lapitan mo." Nagtangka siyang iwan na sana ito pero nahagip na naman nitong muli ang braso niya.

"Ang yabang mo na ngayon Charmaine! Nagkaroon ka lang ng pelikula ay lumabas na agad iyang ere mo."

"Hindi ako mayabang Red dahil wala namang akong ipagmamayabang. Kaya please... isipin na lang natin na di tayo nagkakilala. Kalimutan na natin ang ating ugnayan."

"I tried talking to you in the best civil way that I can. But you're not listening to my plead. I badly need your help Charmaine." Hindi siya makapaniwalang may bahid ng pagmamakaawa ang mga mata nito.

Si Red nakikiusap?

Bago yata iyon.

Subalit, hindi niya papatulan iyon. Tusong tao si Red. Baka nga pinasasakay lang siya nito o ginagamitan ng ibang paraan para mapasunod.

"Look Red. I can help you sa ibang paraan, pero hindi sa ganito. If you'll excuse me." Umalis na siya at nagmadaling lumayo. Hindi siya lumingon sa takot na may gawin itong masama. Mabuti naman at hindi na siya sinundan nito hanggang sa marating niya ang parking ng sasakyan ni Irvin.

"Char, bakit sumunod ka pa? Pupuntahan ka na namin dapat doon." Sinalubong siya nito.

"Tara na. Umalis na tayo." Pumasok siya sa van. Dumiretso sa dulo at doon naupo. Tinabihan siya ni Irvin. Sina Wena at Joy naman ay magkatabing naupo sa harapan.

"What's wrong?" Tanong nito nang umaandar na sila. Iniisip mo pa rin ba iyong sinabi ni Tita Precy?"

Sa totoo lang ay pansamantalang nakalimutan niya nga iyon nang makita si Red. "I'm okay. I'm just tired." She tried to sound normal and act cool.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon