"The best actor for Gawad Sining this year is Irvin De Silva!"
"Hon! You made it" Ang higpit ng yakap ni Charmaine kay Vin. Tuwang-tuwa ito at di rin yata makapaniwalang tulad niya sa narinig.
Ginantihan niya ng yakap at isang mariing halik si Charmaine bago umakyat ng stage.
He did not prepared for a speech. Di rin naman kasi siya nag-expect na mananalo. Anim na buwan na rin siyang hindi tumatanggap ng kahit anong showbiz commitments. Naka-focus siya sa plantation, sa ospital at kay Charmaine.
Pero itong award giving body na Gawad Sining ay isang prestihiyosong institusyon at bibihira lang ang napapagkalooban ng ganito. Ang ma-nominate nga ay isang pribilehiyo na. Kumbaga sa Oscars ng America, ito ang local counterpart. Kaya ganon na lang ang pangungumbinsi ni Tito P na makadalo siya.
Kinakabahan tuloy siya nang umakyat sa stage. Iniabot sa kanya ang trophy na bali-balita ay may ilang carat ng ginto.
"Congratulations Irvin." Kinamayan siya ng presentor na siyang presidente ng organisasyon na si Mr. David Mc Kinley.
"Thank you.." Nanginginig pa ang kanyang kamay ng abutin ito. Sandali niyang tinitigan at ipinatong sa podium. "This is unbelievable." He's holding out for his his tears.
Nagpalakpakan ang mga audience. Nangunguna na si Charmaine.
He composed himself and faced the audience. "Alam n'yo po na napaka-memorable ng pelikulang ito. Nagpapasalamat ako sa producer ng Sweet Fairy Tale na si Tita Divina dahil ako ang napiling niyang gumanap sa role ni Patrick."
Tumingin siya kay Char. Magkadaop ang palad nito sa dibdib. Nakangiting pinapanood siya. He couldn't ask for more.
"Hon! This is for you. You know I will do anything for you even the most impossible thing.. Just for you ... and only for you!"
-----------------------
"Umalis ka na Jim!"Nagulat si Irvin nang marinig ang sigaw ni Tito Albert. Bubuksan niya sana ang pintuan ng kwarto kung saan ito naka-confine. Napaurong tuloy siya nang marinig na magsalita ang isang lalaki.
Hihintayin niya muna itong makaalis bago pumasok. Lumayo siya ng kaunti at naghintay na makalabas ang lalaki. Di rin naman nagtagal at bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang isang matangkad pero may kapayatang lalaki. Kayumanggi ang balat at nakakahawig ni Tito Albert.
Halatang nagulat ito nang makita siya. Saglit silang nagkatinginan pero umalis na rin ito na parang di siya nakita.
Pumasok siya sa kwarto. Naabutan niyang nakatulala si Tito Albert. Di nga nito naramdaman ang kanyang pagdating. Tumikhim siya para kunin ang atensyon.
Agad na ngumiti ito nang makita siya pero malungkot pa rin ang mata.
"May bisita po kayo kanina. Pasensiya na po at muntik na akong makapasok."
"Naku pasensiya na. May narinig ka ba sa aming usapan? Medyo hindi maganda ang aming usapan ng pinsan ko." Nag-aalala ang tinig nito.
"Wala naman po Tito." Sometimes lying keeps other people sane.
Dinig niya ang lalim ng buntong-hininga nito.
"Kamusta ka na? Matagal kang di nakapunta rito." Nagpilit na bumangon si Tito Albert.
-----
"Gusto ng mag-quit ni Charmaine sa showbiz Irvin." Bungad agad ni Tita Precy nang makita niya ito sa bahay ni Tito P. Dumaan siya sa bahay ng manager para kunin ang mga scripts. Nakabakasyon kasi si Spike at may iba namang ginagawa si Joy.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...