Reconsider

3.9K 73 0
                                    

Charmaine

"What's wrong?" Mabilis na naka-akyat si Irvin mula sa dulo ng tatlong baitang na hagdan na pagitan nila. Nakita nitong hawak pa rin niya ang cellphone at nanginginig ang kamay sa takot.

"May nangyari ba? May nambastos ba sa iyo?" Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata ng binata nang makalapit ito.

Gusto niya sanang humingi ng tulong o sabihin man lang ang takot na nararamdaman dahil alam naman nito ang naging ugnayan nila ni Red. Pero pinigil niya ang sarili sa pag-aalalang baka madamay pa ito.

"Wa-wala." Itinago na niya ang cellphone sa bag at mabilis na isinara iyon.

"Tell me, please." Mas lalo itong lumapit at hinawakan pa ang balikat niya para magkaharap sila.

"Nagre-rehearse lang ako para sa taping sa bago kong show. Iyon... iyon nga. Ano palang ginagawa mo dito?" She tried to smile and calmed herself. She also took a few steps away from him.

Titig na titig si Irvin. Hindi yata ito na-convince sa dahilan niya. "Are you sure your're okay Char?"

"Of course." Kinuha naman niya ang susi sa bag. "I'm sorry, di na kita patutuluyin. Gusto ko ng magpahinga. Maaga pa ako bukas." In-unlock niya ang pinto saka pinihit ang door knob at binuksan.

"Wait," sabi nito bago pa niya tuluyang maisara ang pintuan. Kabastusan man ang ginawa niya pero sa oras na iyon, ayaw niyang magtagal pa si Irvin sa pangambang masabi niya ang kinatatakutan.

Inabot ni Irvin ang isang paper bag. May dala pala ito kanina at di niya napansin. "Para kay Tito yan. Bagong released na book sa paborito niyang author. Paki-bigay sa kanya. Hindi ko naibigay kanina kasi nagmamadali ka."

She smiled. "Salamat. I'm sure matutuwa si Papa. Nakaka-inip nga sa ospital."

"Good night Char."

"Good night Vin." Isinara na niya ang pinto at ni-lock ng mabuti.

Nanghihinang ibinaba niya ang dalang bag at paper bag sa sofa at pasalampak na naupo roon.Ano bang ginagawa ni Irvin? Bakit pa ito nagpunta sa bahay niya? Imposible namang sinundan siya nito habang kasama si Fabio.

Hay naku Vin, wag mo ng dagdagan ang mga pampagulo sa utak ko. Isinandal niya ang likod at tumitig sa kisame.

Isa pa itong si Red. Panalo sa pagsira ng araw niya. The best na kontrabida.

Hanggang kailan ba siya tatakutin nito?

Ano ba ang pwede niyang gawin?

Kailangan niyang kumuha ng impormasyon tungkol kay Red. Ang unang taong naisip niyang makakatulong ay si Carmela.

Kaya kinabukasan, maaga siyang nagtungo sa condo unit ng kaibigan sa Makati. Nagpahatid siya kay Mang Greg na sakto namang palabas ang taxi nito nang paalis na siya ng apartment.

"Charmaine?" Bagong gising pa si Carmela nang pagbuksan siya nito ng pintuan. Naka-skimpy short at spaghetti strap na sando. Gulo-gulo pa ang hanggang likod na buhok.

"Friend, nagbubukas ka ng pinto nang di pa nagsusuklay." Natatawang biro niya.

"Sino kaya ang maka-doorbell na parang emergency? Nataranta tuloy ako sa iyo." Tinaasan siya nito ng kilay.

"Pasensiya ka na. Pwede ba tayong mag-usap?"

Niluwangan nito ang pintuan. "Oo naman. Pasok ka."

Itinali ni Carmela ang gulo-gulong buhok. "Upo ka."

Mabuti na lang at di pa umaalis si Carmela sa unit na iyon. Mahihirapan siyang hanapin kung saan ito lumipat kung sakali. "Pasensiya ka na kung ginulat kita at di na ako nakapagsabi." Naupo siya sa L-shape sofa na kulay pula. Walang ipinabago ang bahay nito mula noong huli siyang magpunta ilang taon na rin ang nakaraan.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon