Warning : Medyo Nakakapaso.. Pwede n'yong di basahin kung di kumportable.
Charmaine
"Char, Hon... Wake up please."
Parang nalunod na bumalik sa paghinga nang marinig ni Charmaine ang boses ni Irvin. Ang pagtapik nito sa mukha niya ang gumising sa kanya ng tuluyan.
She had a very bad dream. Kaya pala di matapos-tapos ang mga eksenang nakikita niya.
"Ang lalim ng tulog mo. Kanina pa kita ginigising pero di ka talaga gumagalaw." In-unlock nito ang seatbelt niya.
Tumingin siya sa labas at nakitang madilim na. Alas otso na ng gabi ayon sa clock na naka-display sa dashboard ng kotse. "Saan na ba tayo?"
"We're here in Tagaytay, sa resthouse."
"What?" Nag-panic si Charmaine. Naisipan niyang kuhanin ang cellphone sa kanyang bag na nasa likod na upuan. Agad niyang binuksan iyon at tiningnan kung may mga sms messages.
Walang bagong mensahe galing kay Red.
Nakakapagtaka naman yata na wala man lang pinadalang text si Red mula nang umalis sila ni Irvin sa ospital. Samantalang nang maipa-admit ang Papa niya kanina ay pinaulanan siya nito ng sunod-sunod.
Gaano katagal ba silang bumiyahe pa-Tagaytay?
Ang natatandaan niya ay napilitan silang sumakay ni Vin sa kotse nito sa basement parking nang may makakilala sa kanilang mga fans habang naroon sila sa isa sa mga waiting area ng hospital. Hinihintay nila si Dr. San Miguel para sana makausap ulit. Buti sana kung ilang fans lang iyon. May isang dosena yatang kabataang babae na nagtatakbo palapit sa kanila.
Sa pagkabigla at dahil nga guilty sa itinatagong relasyon ay napatakbo siya. Sumunod naman sa kanya si Irvin. Wala naman silang mapuntahan nang makasakay na ng kotse. Hindi pwede sa apartment niya. Lalong-lalo na sa condo ni Irvin dahil may mga taong nagbabantay doon si Red. Kaya sinabihan na lang niyang magmaneho si Vin hanggang sa makatulog siya pagkatapos nilang kumain ng drive-thru burger.
"Ang layo pala natin. Paano na si Papa? Hindi ako pwedeng umalis sa tabi niya." Puno ng pag-aalala ang isip niyang nababahala.
"Hindi ko kasi alam kung saan tayo pupunta kanina. You looked so tired so I let you sleep. But don't worry about Tito, may extra nurse akong pina-assign doon. It's about time Hon that we hire additional person for Tito's condition. Lalo pa at winelcome na niya ako sa family." He kidded. Nagkausap kasi ang dalawa kanina at pinakilala na nga niya ng pormal sa ama si Irvin.
"Tuwang-tuwa ka naman." Naiiling na sabi niya.
"Of course. It's an honor." He turned off the car engine.
"Ba't mo pinatay ang makina? Hindi pa ba tayo babalik?"
"You're tired Char. Magpahinga ka muna d'yan kahit ilang oras lang. Sleep comfartably. Tingin ko sa iyo, anytime ay babagsak ka na."
"Pero--"
"No buts. At least two hours. We'll drive by 10 PM. Come on." Binuksan ni Vin ang pinto sa tabi nito.
Napasunod naman din si Charmaine.
Agad niyang naramdaman ang malamig na haplos ng hangin sa kanyang balat. Napabilis tuloy ang lakad niya papasok sa bahay.
"Gusto mong kumain? Magpapahanda ako sa maid." Tanong ni Irvin nang makapasok na silang pareho sa bahay.
"Hindi na. Busog pa ako sa kinain natin kanina." Tanggi niya dahil wala talaga siyang appetite kumain. Iyong burger kanina ay pinilit lang niyang lunukin para matahimik si Vin sa pangungulit sa kanyang kumain.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...