Accidental

4.4K 112 8
                                    

Charmaine

"Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni Charmaine nang ihinto ni Irvin sa harap ng isang restaurant ang sasakyan nito. Wala siyang nagawa nang abangan siya ni Irvin pagkatapos ng pictorial kaya sumama na rin siya para makabayad sa utang na sinasabi nito.

"Siguro magba-badminton." Nakakalokong sagot nito.

Ngali-ngaling batukan niya ang pilosopong si Irvin. Alam naman niyang restaurant iyon at posibleng kumain sila. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit siya isinama nito sa isang pampublikong restaurant na posibleng magtawag ng atensyon sa mga fans at pagkaguluhan si Irvin. Meron ba silang imi-meet dito? May iba pa ba silang kasama na mula rin sa pictorial kanina na kakain rin doon?

"Hindi naman ako tanga. Anong pakay mo at isinama mo ako rito?"

"Wala. Kakain lang. It's already 3PM at di pa tayo nagla-lunch. Is that a bad thing?" Inalis na nito ang susi sa keyhole.

"You mean kakain lang talaga? Walang ibang hidden agenda?"

"Bakit naman kailangang may hidden agenda pa?"

"Sabi mo kasi kanina kailangang bayaran ko iyong utang ko sa iyo sa paghahatid mo sa akin last week."

"Ito na iyong kabayaran. Ikaw ang magbabayad dito."

What!

Muntik na niyang maisambulat iyon sabay tingin sa fine dining restaurant. Magkano lang ba ang laman ng wallet niya? Sapat lang iyon sa allowance niya ngayong linggo na nagkakahalaga ng isang libong piso. Sinong maniniwala na ang isang artistang kagaya niya ay iyon lang ang laman ng wallet? Wala naman siyang credit card. Iyon kasing paunang bayad sa kanya sa pelikula ay hindi niya ginagalaw dahil nga nakalaan iyon sa medical expenses ng Papa niya. Wala pa naman siyang gasinong raket ngayon except don sa gig sa bar na isang linggong di niya nasipot dahil sa shooting. Kaya kalahati lang suswelduhin niya roon. Puro x-deals naman ang nakukuha ni Tita Precy sa mga shows na naka-line-up pa. Iyong pictorial sa FHM ay wala pa namang binabayad. Kaya nga pinagpawisan tuloy siya ng malamig dahil sa nerbyos sa ipambabayad sa kakainin ni Irvin. Sa anyo at hitsura pa lang ng restaurant ay siguradong mamahalin ang mga pagkain.

"Let's go." Kumilos na si Irvin palabas ng sasakyan.

Wala naman sa sariling kinuha niya ang kanyang handbag at lumabas na rin. Isinuot muna niya ang kanyang shades. Nakita niyang binigay ni Irvin ang susi ng kotse nito sa valet. Nakasuot na ito ng shades. Ganunpaman, makikilala pa rin na ito ang sikat na artista at singer sa buong Pilipinas.

Ang mahal namang maningil ni Irvin!

Sana hindi na lang siya sumakay sa kotse nito last week. Sana hinintay na lang niya iyong van. E di sana may pera pa siya hanggang Biyernes. Lunes pa nga lang kaya kontodo tipid siya. Napilitang bumaba na rin siya ng sasakyan. Ano kaya kung magdahilan na lang siya na nasira ulit ang kanyang tiyan?

"Come on. I'm starving." Hinawakan ni Irvin ang palapulsuhan niya para mahila na papasok sa restaurant. Ang bagal kasi ng lakad niya.

"Good afternoon Sir/Ma'am. Table for two?" Salubong na tanong ng waitress. Ngiting-ngiti pa ito dahil siyempre naman makita ba naman in person si Irvin De Silva malamang ay kilig na kilig ito.

Tinanguan ito ni Irvin. Inihatid sila ng waitress doon sa mesa. Sa may gitna pa sila dinala. Di man karamihan ang kumakain nang oras na iyon pero siguradong nakatawag na ng atensyon ang pagdating nila. Kahit naman papaano ay may nakakakilala pa rin sa kanya after all the scandals she had in the past. Nag-iwan ng menu ang waitress bago ito umalis. She scanned the menu looking at the price of each food available in the restaurant. A simple olive oil pasta cost five hundred pesos.

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon