Worst

3.5K 78 12
                                    

Charmaine

Makaraan ang dalawang araw ay nakatanggap agad ng tawag si Charmaine kay Red at sinabi nitong meron na siyang kliyente. Magkita raw sila ngayong gabi sa Farlux hotel sa Makati. Sinabihan siya nitong magsuot ng sexy na damit at mag-ayos din ng sarili.

Sa totoo lang, nang matanggap niya ang tawag ni Red ay gusto na niyang umurong. Labag na labag talaga ito sa kanyang prinsipyo. Kailanman, ay di niya inakalang magiging last resort ang pagbebenta ng sarili. Wala lang talaga siyang mahingan ng tulong dahil baon na baon siya sa utang.

Noong huli niyang makausap si Dr. Yapchanco kaninang umaga ay sinabi nito na kailangan ng maisagawa ang operasyon dahil bumubuti na ang kondisyon ng kanyang ama. Mas malaki raw ang success rate habang maayos ang vitals ng pasyente. Nakausap na rin niya ang ama. Nabanggit nitong gusto ng lumabas ng ospital. Napapagod na raw ito sa matagal ng gamutan at gusto ng sumuko sa karamdaman. Pero kinumbinsi niya ang ama na lumaban pa rin sa sakit. Kaya lalong sumidhi ang kagustuhan niyang matulungan ang ama sa kahit na ano mang paraan. Kaya nagbitaw siya ng pangako kay Red na darating siya.

Walang kaalam-alam ang kanyang manager sa ginagawa niya. Siguradong mapapagalitan siya ni Tita Precy pag nalaman nito ang katotohanan. Malamang pa na makasira ito sa kanyang pabangon pa lang na career. Saka na lang niya haharapin ang tinuturing na pangalawang ina pag kaya na niyang aminin ang gagawin.

Pikitmata niyang isinuot ang pinaka-seksi ngunit di naman garapal na damit sa kanyang closet. Isang black tube top dress iyon na tinernohan niya ng silver stilletos. Nag-apply siya ng konting makeup. Naroon na si Red sa coffee shop ng hotel nang dumating siya. Alas otso ng gabi ang usapan nila. Nag-taxi na siya mula sa apartment hanggang doon.

Pinasadahan siya ni Red ng tingin mula ulo hanggang paa bago sila naupo. Nang-uuri ang tinging ibinigay nito. Gusto niyang itanong kung may mali ba sa hitsura niya?

"You're gorgeous and very seductive in that outfit, Darling. Are you nervous?" Tanong nito nang makaupo silang magkaharap.

"Sobra. I think I'll faint the moment I met him." Nanlalamig ang paa at kamay ni Charmaine kanina pa. She had never felt this much uneasiness in her entire life. Pakiramdam niya ay tatalon siya sa isang mataas na bangin mayamaya lang at di na makakaahon sa lalim ng pagbabagsakan.

"Relax. Just relax." He sipped from his coffee. "Do you want anything to eat?"

"No thanks. By the way Red, is this a guarantee na pagkatapos ng gabing ito makukuha ko agad iyong dalawa at kalahating milyon?" Gusto lang niyang makasiguro.

"Half of the amount was paid. The remaining amount will be after the services." He smiled mysteriously.

"Kalahati lang? Bakit hindi pa buo?" Hindi kaya magoyo lang siya ng bading na ito?

"That's my term. May mga tumatakas kasi. Kaya wala akong choice kundi isoli ang bayad."

"Pwede ko bang malaman kung sino ang kliyente?"

"You'll meet him later. Why bother? Saka, di ko rin siya kilala. I just talked to his representative."

Sumandal ito sa upuan at humalukipkip. Titig na titig ito sa kanya.

"Is there something wrong with the way I look?" Di na niya napigil ang sarili dahil kanina pa siya nako-conscious sa kakatingin nito.

"You looked tired. Try to smile."

"I don't know. I'm anxious. Paano kung may iba pang gawin sa akin ang kliyente? Paano kung bugbugin o saktan niya ako? You'll never know Red. I'm still a low-class."

"I can't guarantee that. So far, wala pa namang nangyayaring ganyan. Usually, my clients were satisfied. Most of my girls end up as their mistresses." He smiled coyly. "If you just played your card well, you can get a hold of him after this night."

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon