Charmaine
Mumunting halik sa balikat ni Char ang gumising sa kanya. Ayaw pa sana niyang imulat ang mga mata pero iyong mga halik ni Vin na lumalakad patungo sa kanyang leeg ay nangingiliti at mukhang ayaw paawat.
"Uhm...Vin.. Ano ba? Patulugin mo pa ako." Kinapa niya ang comforter para sana mas maibalot sa kanyang walang saplot na katawan.
Mukhang nakapag-recharge na ang kanyang asawa kung kaya't buhay na naman ang dugo nito. Ano bang oras sila tumigil? Di na niya maalala. Hindi talaga pumayag si Vin na hindi i-consume ang kanilang honeymoon. Considering na nagmaneho pa ito, parang di yata napapagod si Vin. Samantalang siya ay napapikit na nga sa pagod pagkatapos ng second round.
"Gising ka na... Let's have lunch." Napaka-sensual ng pagkakasabi nito sa kanyang tainga habang kinikiliti naman nito ang kanyang tagiliran.
"Lunch?" Sabay panlalaki ng kanyang mata. "Anong oras na ba?"
"It's 12:15." Kita niyang sumalyap ito sa wall clock. "Kumain ka na please, baka nagugutom na si Jan Isaac." He's trying to remove the comforter covering her.
"SIno si Jan Isaac?" Inagaw niya ang parte ng comforter na nahawakan na nito. Napansin niyang bagong ligo na si Vin at nakapagpalit na rin ng damit na light blue plain shirt at sweat pants. Fresh na fresh at ang bango-bango habang siya ay may tuyong laway pa yata sa mukha.
Bigla naman siyang na-conscious sa guwapong nilalang sa harap niya. Tuluyan ng nagising ang kanyang diwa.
OMG talaga!
Kung ganito araw-araw ang magigisnan niya ay baka mahirapan siyang i-comprehend kung alin ang panaginip sa totoo.
Inatake siya ng halik ni Vin sa labi. Walang nagawa ang pagtutulak na inaamba niya dahil inunahan na siya nito.
His kisses were minty. Very much evident na nag-toothbrush na.
With all her might, itinulak niya pa rin ito. "Vin... "
His hooded eyes turned to her. "What?" Nakatingin pa rin ito sa kanyang labi na sa palagay niya ay muli nitong babalikan.
She covered her mouth. "My morning breath sucks. Let me brush my teeth first."
"I don't mind..." Ambang hahalik na naman ito.
"You don't?" Takang tanong naman niya. "Di ka nabahuan sa hininga ko?" She managed herself to getup fast para tigilan muna siya ni Vin.
"I didn't smell anything." Itinukod nito ang kaliwang kamay sa ulo at nakangiting titig na titig sa kanya. "Hon, your butt is showing. Don't seduce me. Baka mag-skip na naman ng meal si Jan Isaac."
She got a portion of the comforter to cover her butt. "Jan Isaac... sino ba talaga iyon? May bisita ba tayo?"
She heard chuckle from Irvin but she's too conscious to start brushing her teeth.
He got up too and went also to her direction. Inayos nito ang pagkakabalot ng comforter sa kanyang katawan at marahang itinulak siya papuntang CR. He opened the door and gently pushed her inside. She heard a click from the door before it was closed.
Vin locked her inside. "Make it fast please. I may not able to restrain myself from getting the key duplicate at sabayan pa kitang maligo."
Is he serious?
Di na niya sinagot ang asawa at nagsimulang maghanap ng gamit sa CR. May nakita siyang naka-packed pang toothbrush set. Iyon ang ginamit niya. Humarap siya sa salamin habang nagto-toothbrush. Di niya mapigilan ang malawak na pagngiti dahil sa kakulitan ng asawa.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...