Light

3K 60 3
                                    

Charmaine

Sabi nila oras daw na matikman mo ang bawal, hahanap-hanapin mo na.

Bakit nga ba masarap ang bawal?

Bawal ang taba, crispy pata, mamantikang ka chicharon pag mataas ang cholesterol.

Bawal ang chocolate, cakes, cookies at softdrinks kapag may diabetes.

Bawal tumawid sa Edsa, sabi ng malaking signboard, NAKAMAMATAY.

Bawal din ang ginawa nina Irvin at Charmaine kagabi kasi di pa naman sila kasal ayon sa utos ng simbahang katoliko.

Pero anong magagawa ni Char, ngayong araw na ang nakatakdang sentensya niya kay Red. Iyong mga text messages na nabasa niya kaninang umaga ang nagpapatotoo na hindi isang eksena sa sci-fi thriller ang nangyayari sa buhay niya.

Hindi na nakatulog si Char mula noon. Nalukuban na naman ng pag-aalala ang kanyang isipan. Matagal-tagal na rin siguro siyang nakatitig sa kisame habang nakahiga sa kama doon sa guestroom.

"Hon!" Bumukas ang pinto at pumasok ang nobyo. Patakbong tumalon si Vin sa kama at siniil agad  siya ng halik na akala mo ay uhaw-uhaw.

Biglang nabuhay ang boltahe ng kuryente mula sa kanyang labi pababa sa talampakan. Napakapit siya sa braso ni Vin sa di inaasahang kaparehas na intensidad ng halikan nila kagabi.

Ang akala niya ay naapula na ang apoy pagkatapos ng huli nilang pagniniig kaninang madaling araw pero heto at nabubuhay na naman ang kanyang buong nervous system.

Napasinghap si Char nang maramdman ang matigas na bagay sa tiyan niya. Naka-sweat pants lang si Vin kaya damang-dama niya ang paghe-hello ni Junior Vin.

"Uhm..." Di niya naiwasan ang mapaungol kasabay ng paghaplos niya sa leeg ni Vin.

His tongue traced the sides of her lips. Heto na naman ang nabubuong init sa kanyang katawan. Paanong nagagawa nitong pagbagahin ang kanyang kalamnan sa sandaling halik at haplos nito sa kanyang katawan? 

 Hindi maari ito. 

Kailangang bumalik ang diwa niya sa katotohanan. Sa mga oras na iyon ay dapat na silang bumiyahe pabalik. Kapag naulit na naman na may mangyari sa kanilang dalawa ay baka di na siya makabangon sa kamang iyon at sulitin na lang ang maghapon na sila'y magkasama.

Paano na ang Papa niya? Paano na rin si Tin-tin?

Pilit niyang iminulat ang mga mata at buong lakas na kumawala sa mga bisig ni Irvin.

"Hon?" Takang-taka namang tanong nito na humihingal at namumungay pa ang mata. "Something's wrong?"

Bumangon siya at naupo ng tuwid. "Hon, kailangan na nating bumalik sa ospital."

"May emergency ba?" Bakas ang pagkabahala sa mukha ni Irvin.

"Ahm....nag-text si Rowell. Hinahanap daw ako ni Papa. We really need to go back. Besides, I still need to talk to his doctor."

Tumabi si Vin sa gilid ng kamang inuupuan niya. "Of course. We'll be back in an hour." Tumitig ito sa kanya na parang binabasa ang nasa isipan.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

He formed a smile on his face before he hugged her from her waist. His head was resting on her shoulder. "Akala ko umalis ka na at iniwan mo ako matapos mong makuha ang aking puri."

Natatawang pinandilatan niya ito. "Ganon! Ikaw pa ang nanakawan ng puri?"

Nakatitig pa rin ito sa kanya. Nakangiti na ito ngayon at pakiwari pa niya ay may kinang sa mga mata habang walang kurap sa pagtingin sa kanya. "Pakasal na kaya tayo."

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon