Decided

2.3K 57 5
                                    

Charmaine

"E kung hindi ka ba naman isang malaking tanga di ko sana naiwan iyong overnight bag ko."

"Stop it Ana!" Saway ni Irvin sa kapatid.

Kanina pa nag-aangilan sina Rowell at Ana sa passenger seat. Napagod na ngang manaway si Charmaine sa pinsan at hipag niya.

"Kuya...It's not my fault." Nagpo-protesta pa rin ito.

"Hon, are you okay?" Baling sa kanya ni Vin. Di pinansin ang kapatid. Salubong tuloy ang kilay. Marahil ay sa inis na rin kina Ana.

"Oo naman. Ikaw, ayos ka lang? Kaya mo bang mag-drive?" Tanong niya sa asawa dahil sa pag-aalalang baka lalong sumakit ang ulo nito. Matapos kasi nitong pagalitan si Ana nang dumating ang mga ito kahapon ay tinawagan ito ng kanyang ama para ipaalam na nawawala ang kapatid. Inutusan ito ng biyenan niyang pabalikin sa Maynila kaagad dahil nag-aalala sa kondisyon ni Ana. Umalis daw kasi ng walang paalam. Kaya heto, first thing in the morning kinabukasan ay pabalik na sila ng Maynila.

Tumango siya. Halatang iritado pa rin si Vin dahil sa naputol nilang bakasyon. May dalawang araw pa dapat silang titigil sa Batangas pero dahil nag-aalala si Vin na baka kung saan pa pumunta ang kapatid ay nagpasya na itong bumalik na sila ng Maynila.

Napagalitan rin niya si Rowell kahapon. Takang-taka siya kung paano ito napapayag ni Ana na isama sa probinsiya. Ayon sa kwento ng pinsan niya, pinuntahan daw nito ang apartment nila kahapon ng umaga. Nagkataong papasok na sana ito ng part-time job at palabas na ng bahay. Nang itanong daw ni Ana kung naroroon ba si Charmaine at Vin ay sinabi niyang wala dahil nasa Batangas. Nagpakilala itong nakababatang kapatid ni Vin at nakiusap daw itong papasukin muna dahil gustong makigamit ng banyo. Pumayag naman daw siya. Nang paalis na raw sila ay nagpatulong naman ito kung paano pumunta ng bus station. Dahil malapit lang naman iyon at doon din ang daan ni a Rowell ay sinamahan na daw ito out of good deed at sa hiya na rin kay Irvin. Nang maihatid na ni Rowell doon sa bus na sasakyan ay may umagaw ng bag na bitbit ni Ana at nagtatakbo iyong dalawang lalaking snatcher. Sinubukan nitong habulin pero mabilis ang mga gago at natangay na ang gamit ni Ana. Iyon malamang ang pinagtatalunan ng dalawa sa likod. Di na niya sinabi kay Irvin ang pagkaka-snatch ng bag ng kapatid dahil siguradong mas mapapagalitan pa. Mabuti na lang din at di binanggit ni Rowell iyong tungkol doon kay Irvin.

"Tumigil na nga kayong dalawa," saway niya. Di na rin siya nakatiis sa angilan ng mga ito.

"Kuya, hindi ko akalain na may kapatid ka palang palengkera." Si Rowell.

"Rowell, tama na iyan. Iinisin mo pa si Ana e lumalaki na nga ang butas ng ilong." Natatawang sabi niya.

"Ate Charmaine, hindi ko rin akalain na may pinsan ka palang lampa."

"Hindi ako lampa ano. Kung gusto mo, mag-marathon pa tayong dalawa," hamon ni Rowell.

Walang idea si Rowell tungkol sa kalagayan ni Ana. Naisip niyang baka na-offend ang dalagita. "Tama na iyan Rowell, pag di ka pa tumahimik, isusumbong na kita kay Papa."

"Ate naman!"

"Tumawag ako kay Papa kagabi at nabanggit niyang nakitulog ka raw sa mga barkada mo kagabi. Iyon pa talaga ang idinahilan mo. Sana sinabi mo na lang na sumunod ka dito sa Batangas."

"Baka lalong magalit si Uncle pag nalaman niyang nag-absent ako sa trabaho. Baka di na pumayag iyon na maiwan ako sa Maynila."

"Hon, wala ka na bang nakalimutan sa loob?" Sabat ni Irvin.

"Wala na. Kaunti lang naman ang gamit ko."

"Okay. Nagpaalam na ako kay Manong Elvis kanina kaya tara na." Bumaling ito sa likod. "Please guys huwag na kayong magtalo at baka ma-stress pa si Ate Charmaine n'yo. Kawawa naman ang pamangkin n'yo kung aburido ang nanay niya."

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon