Charmaine
Unang araw pa lang ng shooting ay kissing scene agad nina Irvin at Charmaine ang kukunan. Ni hindi pa nga nagba-bond ang dalawa ay halikan na agad kaya kanina pa kabadong-kabado si Charmaine habang mini-make-up-an sa dressing room. Kinukulot naman ngayon ang buhok niya para mas mag mukha siyang seductive. Mabuti sana kung smack lang o wholesome kiss ang hinihingi ng eksena kaya lang torrid kiss ang kailangang maibigay nila.
Hindi talaga siya mapalagay. Kailan pa ba siya huling nahalikan?
Sa pagkakatanda niya, wala pa siyang nakakahalikan ng torrid. Puro smack o mga mabilisang daplis lang sa labi ang namagitan sa mga flings niya noon. Maging si Irvin ay di siya nahalikan ng higit pa sa smack kiss. Para tuloy sinisilihan ang puwet niya nang oras na iyon habang kunwari ay nagkakabisa ng kanyang linya. Hawak nga niya ang script na akala ay binabasa pero nakatulala naman siya sa papel.
Kinakabahan rin kaya si Irvin?
Naalala niya noong sila pa, na ito ang mahilig mag-initiate ng kiss kapag nagkakasarilinan sila. Pero mariin siyang tumatanggi at palaging nalulusutan ang paglalambing nito dahil sa di nga niya gusto si Irvin.
Nirentahan ang limang unit sa 15th floor ng Elysian condominium sa Pasig para doon ganapin ang shooting. Ito ang magiging unit ni Irvin sa buong pelikula. Kaya kapag sa bahay ng character ni Irvin ang location, dito sila sa Elysian.
"Ayan, ang ganda-ganda mo pa lalo Charmaine," masiglang komento ni Barbie. Ang bading niyang hair and make-up assistant. Ito ang ibinigay sa kanya ng production. Wala pa kasi siyang budget para kunin ang sebisyo ng dati niyang make-up artist.
Ngiti lang ang naisagot niya o mas ngiwi pa yata nang masipat niya ang mukha sa salamin.
"Sure na sure na mawiwindang ang mundo ni Papa Irvin pag nakita ka niya."
"Kinakabahan ako Barbie. Medyo matagal na rin akong hindi umaarte sa kamera. Baka nakalimutan ko na."
Isa pa iyon sa inaalala ni Charmaine. Pero mas lamang talaga ang worry niya sa kissing scene. Halikan pa nga lang iyon e paano na iyong mga bed scene nila? Baka matuluyan na siyang atakihin sa puso pag nagkataon.
Ang mabuti pa kaya ay maglakad-lakad muna siya habang nagse-setup pa ang production doon sa room kung saan gaganapin ang take.
Nakasuot siya ng isang yellow floral sleeveles dress at doll shoes. Medyo conservative kasi ang role niya dito. Isang probinsiyana na na-inlove sa taga-Maynilang pulis na si Patrick. Nabiyuda siya dahil napatay ang asawa sa pelikula. Si Patrick ang naatasan na mag-imbestiga sa kaso. Dahil may kinalaman siya sa pagkamatay ng asawa ay inakit niya ito para malusutan ang kaso. Ang take na kukunan ngayon ay ang paghingi niya ng tulong kay Patrick na nasa condo nito. May nagpadala sa kanya ng death threat at ito agad ang naisipan niyang puntahan hanggang sa nauwi sa pang-aakit niya kay Patrick ang eksena.
Lumabas siya ng dressing room at nasalubong si Fabio na nag-o-observe sa first shooting day.
"Hi!" Nakangiting bati nito. He looked so refresh sa suot nitong jeans at shirt. Kung tutuusin pwede itong mag-artista.
"Hi din."
"Ready ka na ba?"
"Medyo. Kaya lang kinakabahan ako," pag-amin niya.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang terrace. Abala ang lahat sa paghahanda. Namataan niya si Irvin na nagbabasa ng script sa isang sulok ng silid na nadaanan nila.
"Bakit ka naman kakabahan? Kayang-kaya mo iyan."
"Feeling ko kasi pumurol na ang acting powers ko." Tinanaw niya ang magandang view ng city sa labas.
BINABASA MO ANG
Vengeful Heartbeat
RomanceFirst shooting day nina Irvin at Charmaine ay kissing scene agad. May tatlo pang bed scene na kukunan kaya kabadong-kabado si Char lalo pa at ang sikat at magaling na aktor na si Irvin De Silva ang kapareha niya. "Di ka ba tinuruan humalik ng boyf...