Trap

3.8K 97 6
                                    

Charmaine

Kung ang pananaw, damdamin, kayamanan, kalusugan at presyo ng isda sa palengke pati na rin ang halaga ng load ay nagbabago, ang nanatiling di nagbabago ay ang pagbabago. Magulo ba? Kung naguguluhan kayo, wala ng mas gugulo pa sa utak ni Charmaine. Mula nang mangyari iyong pagkikita nila ni Paolo at iyong makapanindig balahibong paniningil ni Irvin kamakalawa ay di na siya natahimik.

"Kumain ka muna bago ka umuwi." Nagbaba si Grace ng juice at sandwich sa mesa nito sa loob ng opisina ng El Gracia.

Katatapos lang ng set ni Charmaine sa resto bar. Kahit gaano siya ka-busy ay ginagawan niya ng paraan na makagpag-perform sa bar ng kaibigan niya kahit isang beses lang sa isang linggo. Naroon siya sa opisina nito para sabihin kay Grace na dalawang linggo siyang hindi makakapag-report dahil sa conflict ng shooting.

"Ang lalim ng iniisip mo," puna nito bago naupo sa silyang kaharap ng inuupuan niya.

"Hindi kaya," tanggi niya sabay lagok sa orange juice.

"Pera ba yan o love life?"

"Ikaw talaga."

"Kung pera iyan di kita matutulungan. Alam mo namang striving pa itong negosyo ko. Nagpapasalamat nga ako at pinupuntahan mo pa rin ako kahit busy ka na ulit ngayon. Alam mo ba na mas marami ang customers pag ikaw ang singer. Mukhang nakakabangon na ulit ang career mo Char." Ngiting-ngiti pang sabi nito.

"Wala iyon Grace. Sa laki ng utang na loob ko sa iyo, kahit gumagapang ay kakanta pa rin ako dito. Kahit pa ayaw mo na."

Lalo naman itong natawa. "Salamat. So, wala ka for two weeks?"

"Oo. Critical na kasi iyong shooting days. Minamadali na talaga."

"Di bale, may makukuha naman akong sub mo."

"Siyanga pala, noong isang gabi, nandito si Irvin."

"Ano kamo?" Nagulat siya. Pagkarinig pa nga lang ng pangalan nito ay kinabahan na siya. Bakit naman pupunta sa isang maliit na bar si Irvin kung may privilege ito sa mga big time bars. Bakit kaya ito nagpunta roon?

"Iyong ka-loveteam mo nandito siya." Ulit pa ni Grace.

"Narinig ko. Kaya lang anong ginawa niya dito?"

"Hindi ko rin alam. Nag-order daw ng food at nag-chill sandali. Halos di nga raw makilala. Though, di raw sigurado iyong staff ko kung si Irvin nga iyon kasi naka-disguise. Baka naman hinahanap ka? Uy! May gusto pa ba sa iyo ang lalaking iyon?" Panunukso ni Grace.

"Wala no! May girlfriend kaya iyon. Sinong kasama niya?"

"Siya lang raw mag-isa."

"Baka naman kamukha lang niya."

"Ewan." Kumuha ito ng tissue at nagpahid sa mukha. Mukhang naiinitan na rin tulad niya. "Pasensiya ka na. Sira kasi ang aircon."

"Ayos lang. Promise, hindi si Irvin iyon. Imposible talaga." Biglang nag-ring ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa. Nabitawan tuloy niya ang baso ng juice at nabasag tuloy sa sahig.

Mula nang mangyari iyong pag-uusap nila ni Irvin, tuwing magri-ring o may magte-text sa kanya ay nate-tense siya sa pag-aakalang si Irvin iyon para sabihin ang detalye kung saan mangyayari ang pagbabayad niya. Palagi tuloy siyang kinakabahan. Di niya mawari kung ang nararamdaman ba niya ay takot o excitement.

"Sandali, ipapalinis ko lang itong bubog sa maintenance." Tumayo si Grace para tumawag ng maglilinis. "Huwag ka munang tumayo at baka mabubog ka."

Si Tita Precy ang tumatawag. Nakahinga siya ng maluwag. "Hello po Tita."

"Charmaine, hija. Tuloy ang shooting sa Friday. Dumaan ka sa spa bukas. Naka-reserve ka na roon."

Vengeful HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon