Third Person's POV
Tirik na Tirik ang araw at paunti ng paunti ang mga taong dumadaan sa karitela nito. Hindi pa sya nakakakain magmula kahapon kaya pagod na sya. Sya si Dahlia Usana Bayrose Smith. Oh mas kilala bilang Dub. 19 na taong gulang at ang magisang bumubuhay sa kanilang pamilya.
"Suki! Bili na oh! Maganda tela nito!" sigaw nya, kahit parang paos na ang boses nito ay sige parin. Mahirap makipagsabayan sa Divisoria. Gagawa ka ng paraan para mas mabenta ka kumpara sa mga kalaban mo.
Kahit pagon na ay tinuloy nya pa rin ang pagbebenta. Eto ang isa sa kanyang mga trabaho, sales lady o tindera. Pinasyusal lang. Maya maya ay aalis na ito at magtratrabaho bilang taga hugas ng plato sa karinderia malapit sa kanila.
Nakapag apply na din sya ng trabaho sa isang agency ng mga gustong maging kasambahay, sosyal yung agency na iyon kasi nakita nya dati sa poster na nakakabit sa loob ng lugar eh puro mga sikat ang kliyente nito, mabuti nga at natanggap pa ito sa kabila ng elementarya lang ang natapos. Pero wala pa syang tawag kaya ibang trabaho naman ang pinagkakaabalahan nya."Dub! Tara dito!" tawag sa kanya ni Aling Milagring, ang may ari ng pinagtratrabahuhan nya at ang nagbibigay ng karitela sa kanya para panloko ng mga telang ibinibenta nito.
"Bakit po?" tanong nito habang nagpupunas ng pawis.
"Oh eto na sweldo mo. Tutal hindi naman matao ngayong mga panahon na ito, hindi muna ulit kita kukunin ha? Bago bago magpasko tatawagan ulit kita." sabi nito. Sabagay wala naman masyado bibili ng mga paninda nila ngayon, hindi naman kasi peak season.
"O cge po, pero ako agad tatawagan nyo ha! Alam nyo namang masipas ako!" biro nya. Napatawa na lang ang ale at nagpaalam na din sya.
Tinignan nya ang sobre na naglalaman ng sweldo nya. Limang isang daan, dalawang bente at sampung piso.
"*Sigh* sakto lang ito para sa amin ng ilang linggo, ku wag lang manghihingi ng pera ang lasinggero na yun at baka wala ng mapambaon ang mga kapatid ko." Kaya imbes na mag jeep papuntang karinderya, naglakad na lang ito para makatipid. Ibibigay nya agad ang pera sa nanay nito para hindi na sya kukuhanin ng tatay tatayan nyang si Mang Jose.Malayo layo din ang lalakarin ni Dub, kasama na ang uhaw, gutom at pagod nanlalata na ito. Kaya napahinto ito sandali sa gilid ng kalsada. Kakapit na sana ito sa poste, pero hindi na nya naabot pa ito at tuluyan ng bumagsak sa kalsada. Pero bago lubos mawalan ng malay, naramdaman nyang may sumapo naman sa kanya.
ALDEN'S POV
"Anak! Gumising ka na dyan!" napabalikwas ito ng bangon ng marinig ang boses ng mommy niya.
"Ma? What are you doing in my house again?" tanong nito. Pano ba naman magugulat na lang sya lagi na andyan na pala mama nya pag ka ginising na sya nito.
"What are you doing, what are you doing ka dyan! Itong batang to kundi ako pupunta dito sino ng magaayos ng lugar nito ha? Apaka kalat mo, maski pinagkainan hinahayaan mo lang sa lababo. Di na ako magugulat kung isang araw bahay na to ng mga ipis at daga." mahabang litanya ng mommy nito habang nagpupulot ng mga damit na pinag gamitan niya nitong nakaraang dalawang linggo.
"Eh mommy, kayo naman alam ko namang love nyo ko kaya lagi kayong dumadating dito at nagliligpit. Hindi nyo naman kasi ako matiis."
"Sino naman nagsabi nyan sayo? Aba nagmana ka talaga sa tatay mo. Mgs mambobola kayo. Porke may mga nagawang kasalanan."
"No mom. Love mo naman talaga ako eh." nawala na ang kunot ng noo nito at ibinaba sandali ang mga nadampot na damit.
"Bakit hindi ka kasi mag hire ng katulong dito? I mean hindi ka naman kasi nagpapasok ng kahit na sino sa bahay na ito pati manager mo. Hindi ka ba nalulungkot kasi magisa ka dito?" tanong ni mommy.
"Ma, alam mong ayokong nagpapasok ng kung sino sinu sa bahay ko. Lalo na at hindi ko kilala." ako na nagbuhat ng mga gamit ko at ibinaba sa laundry area.
"Kasi anak alam kong makalat ka, kaya andito ako twice or thrice a month para magayos ng bahay mo, pero anak di na ako bata para mabilis na tapusin ang lahat ng bagay dito sa bahay mo." niyakap ko naman si mommy.
"Ma, bata ka pa, kayo talaga. Cge pag iisipan ko ha?" sabi ko. Tumango na lang ito at tinulungan ko ng maglaba at maglinis.Makapananghalian tinext ako ng manager ko at mag kita daw kami. Buti na lang malapit lang yung lugar sa bahay ko kaya lalakarin ko na lang. Mahal na gasulina ngayon.Mag didisguise na lang ako.
Naabutan ko si mommy na nanunuod ng eat bulaga.
" Ma, alis muna po ako."
"Ok magingat ka ha?" sabi nito at nagpaalam ulit ako at umalis.Sa paglalakad ko. Wala namang nakakapansin sa akin, kaya ineenjoy ko ang paminsan minsang pagkakataon na hindi ako dinudumog ng mga tao.
Malapit na sana ako sa lugar na pagkikitaan namin ng may mapansin akong babae, pagewang gewang na ito maglakad, at hindi nagtagal natumba na ito. Daliaan ko itong tinakbo bago tumama ang ulo nito sa semento.
"Miss!"
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...