Chapter 4

2.9K 122 5
                                    

DAHLIA'S POV
Nasa bahay ako namin, nagiimpake ng mga damit ko. Mabuti nga at wala si Mang Jose at ang mga kapatid ko, may pasok. Si Mang Jose naman asusual may session sa inuman. Kaya kay nanay na lang ako makakapagpaalam.
"Dub, magiingat ka doon ha? Kung may problema sa magiging amo mo, andito lang ako ha? Bibisita ka paminsan minsan, wag masyado magpaka pagod at baka magkasakit ka. Tetext mo ko ha? Binilhan pa kita ng celpon na nokia 3210. Balita ko matibay daw yan." sabi ni nanay ng pagkahabahaba.
"Nay, magtratrabaho lang po ako sa Pinas, hindi po ako mangingibambansa." biro ko dito. Sinarado ko na ang may kalakahan na bag na naglalaman ng mga gamit ko.
"Aba kahit na. Dapat alam ko kung ano nangyayari sayo dun sa lugar ng iyon." paliwanang ni nanay. Hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko na lang ito na maglitanya ng maglitanya.

Napansin ko ang orasan mag aalas nuwebe na. Kailangan ko ng umalis.
"Nay, kailangan ko na pong mauna. Nagiintay na po yung amo ko sa akin." paalam ko dito. Niyakap muna ako ni nanay. Alam kong umiiyak ito, hindi kasi ito sanay na wala ako sa bahay. Dalawa o Tatlo pede pa pero isang beses lang sa isang buwan nya ko makikita, hindi ito sanay.

"Basta magiingat ka ha?" paalam nito tumango namna ako at hinatid nya ko sa tricycle na maghahatid sa akin.

ALDEN'S POV
"Ma naman, di ba napagusapan na natin ito? Ayoko ng may ibsng tao sa bahay ko." frustrated na sabi ko. Hindi naman ako pinapansin nito at patuloy lang sa panonood ng TV. Hay eto mahirap sa nanay mong may pagkaisip bata eh.

"Ma naman!" hindi ko na napigilang sumigaw at humarap ito sa akin.
"Alam mo Alden, kailangang may katulong ka sa bahay kahit isa. Alam mo naman sa sarili mo kung gaano ka kabuburara. Dati oo pede pa kong araw araw pumunta dito pero now? Hindi ko na nga mapulot ang mga damit mo sa sahig." paliwanag naman nito. Aminado ako na pagnaghahadali ako kung saan saan ko na lang hinahagis ang nga gamit ko at si Mama na din ang nagpapalaundry.
"Pagbigyan mo na ako anak, magaling ang naibigay sa akin ni Vincelyn. Kilala ko iyon laging best ang ibinibigay noon sa akin. Kita mo si Manang Rita? Aba iyon ns halos ang nagpalaki sayo." sabi ni mama. May point ito. Mahal na mahal ko si Manang Rita para syang lola ko.
"Sige na ngayon lang tignan mo kung magugustuhan mo ang katulong, kung ayaw mo hindi ko na papakailaman ang pagbibigay sa iyo ng katulong." sabi ni Mama na halata ang determinasyon nito na mapapayag ako.
"Phew... Fine. Kailan ba ito pupubta?" sabi ko.
"Ngayon na." hindi na ko nakapagreact ng may nagdoorbell.
"Andyan na sya." sabi nito at tumayo para buksan ang pinto.

Mayamaya ay pumasok ito sa sala ng may kinakausap.
"Mabuti naman iha at nandito ka na. Ang bilis mo ha. I like it." sabi ni Mama at tumawa. Nauna itong pumasok at kasunod nito ang isang babae, simple lang ito naka faded na ripped jeans at naka minniemouse na whiteshirt na may bitbit na malaking bag. Wait. She looks familiar.

Saan ko nga ba sya nakita??? Hmmm... Never mind.

"Anak this is Dahlia Usana Bayrose Maxwell. Sya ang bago mong katulong." sabi ni Mama. Tumingin naman ako dito at nagbow ito sa akin.
"He... Hello po." nahihiyang sabi nito.
"Nakausap ko na ito pero kung may husto kang malaman sa kanya eto ang resume nito." may inabot itong envelope mula sa bag nya.
"Oh look kailangan ko nang umalis. You know your tita Julie so I gotta go. Bye guys!" sabi nito at dirediretsong lumabas ng bahay.

Awkward. Iyan ang nangyayari ngayon. Naka upo ako sa sofa at yung maid ay nakatayo pa rin malapit sa isang sofa.
"Ehem. Pede kang maupo." sabi ko dito. Nagulat naman ata ito pero umupo din.
"So nasabi na ni Mama sayo ang lahat pati ang sweldo Mo at kailan ang dayoff mo?" tanong ko dito.
"Opo sir."
"Ilang taon ka na ba?" maka sir kasi eh. Hindi ako sanay.
"22 po sir." sagot nito.
"Ganon ba? Drop the sir. I'm just 23 hnd pa ako ganoon katanda. Call me Alden." sabi ko.
"Okay po si... A... Alden." sbai nito ng may kahinaan.
"Okay hahatid kita sa magiging kwarto mo at since 5pm na. Magluto ka na ng dinner. Kahit ano." tumango naman ito at tumayo nako papunta sa isang kwarto sa may kusina.

"May banyo dyan sa kaliwa at may damitan sa kanan. Kahit mga 6 kana magluto sa umaga. Lahat ay lilinisin mula taas at baba. Yung kwarto ko ay lilinisin mo lang sa umaga pagkagising mo sa akin. Everyday may taping ako so by 6:45 dapat ay gising na ako. Pagka sunday, that's my day off kaya mga 10 ako gumigising naturally kaya di mo na ako kailangan pangisingin. Higit sa lahat kailangan ko ng privacy kaya walang makakaalma ng buhay ko dito sa bahay at kahit ano pang ginagawa ko. Nagkakaintindihan ba tayo?" mahabang sabi ko. Nakatingin lang ito sa akin. Sana naman naintindihan nito ang sinasabi ko.
"Okay magluto ka na. Kung may tanong ka nasa sala lang ako." sabi ko at iniwan na ito ng nakatulala. Anong problema nun?

"Sir Alden?" narinig kong tawag nito sa akin. Nakadungaw ito sa may pinto ng kusina.
"Bakit? Nakapagluto ka na?" tanong ko. Wow ambilis naman pala nito kumilos.
"Ah... Hindi pa po eh" nagaalangan na sabi nito.
"Ha? Eh anong tanong mo?" pagtataka ko.

"Pa... Paano po buksan yung kalan?"

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon