DUB'S POV
Dalawang araw na ang nakakaraan ganun pa din ang kinikilis nito. Utos ito ng utos at napakametikuloso bigla ito sa uri ng paglilinis ko. PAgka may nakitang mali paguwi nito ay ipapaulit sa akin ang lahat ng nilinis ko.Naglalampaso ako sa sahig ng salas ng tawagin ako nito.
"Bakit po si... Sir Richards?" sabi ko habang nakayuko at nakatingin sa sahig.
"Tutal bukas ay nasa bahay naman ako. Pede ka nang mag day off bukas. Makukuha mo din ang sweldo mo ng buo bukas."sabi nito at bago pa man ako makapag salita at makapagpasalamat ay tumalikod na ito at pumasok sa library room nito.Makikita ko na ulit si nanay. Kamusta na kaya ito? Pagka kinakausap ko kasi ito minsan alam ko sa tunog pa lang ng boses nito na umiiyak ito pero pinipilit nyang maging masaya para sa akin. Sana naman hindi din ito at ang mga kapatid ko ay sinasaktan ni Mang Jose.
Kinaumagahan naghanda lang ako ng almusal at iniligay ko sa loob ng microwave para iinit na lang nito pagkagising nya. Kagabi pa ko nakapagayos kaya 5 pa lang ng umaga umalis na ko sa bahay nito. Mga 2 oras din kasi byahe kasama na ang traffic.
Pagkababa ko sa terminal ay naisipan kong bumili ng pasalubong para nadin sa mga kapatid ko. Dati naalala ko pa nung bagong sweldo ko noon at binilhan sila ng donut ay nagustuhan nila iyon. Kaya yun na lang ang bibilhin ko. Madami pa naman ang sobrang pera para sa isang linggo nila. Pambayad ng utang tubig, kuryente at pang bili ng pagkain nila.
Pagkababa ko pa lang sa tricycle na sinkayan ko mula terminal hanggang dito sa bahay namin. Sobra ko ata talaga sila namiss.
"Nay? Andito na po ako." sabi ko. Pagpasok ko pa lang sa bahay namin nadatnan ko ang mga kapatid ko na nasa lamesa at nagsusulat.
"Pao, Jim may pasalubong si ate." sabi ko sa mga ito.
"Ate!" bigla itong mga nagsitayuan at nagtakbuhan palapit sa akin. Sabay silang yumakap sa magkabilang binti ko.
"Kamusta na kayo? Eto oh kainin nyo muna matagal na kayong hindi nakakain nito eh." sabi ko at para naman silang mga bata na nakakita ng laruan.
"Yehey! Thank you ate!" sabi nila at dinala sa mesa ang mga donuts.
"Asan si Nanay?" para naman silang natigilan sa sinabi ko at nagkakatinginan. Nagbubulong bulungan pa sila kung sino ang magsasabi sa akin.
"Asa... Asa kusina po." sagot ni Pao. Kahit naweweirduhan sa kanilang dalawa ay iniwan ko muna sila at nagpunta sa kusina.Pagkapasok ko doon dahil nahaharangan lang naman ng kurtina ay naamoy kong nagluluto na si nanay. Naiiyak ako kasi namiss ko si nanay pero pinigilan ko.
"Nay?" sabi ko. Natigilan ito sa paghihiwa at dahan dahang humarap sa akin.
Ang mga pinipigilan kong luha ay nagunahan sa pagbaba dahil kay nanay. Ang maaliwalas nyang mukha na nakita ko bago ko umalis ay nangingitim na sa pasa. Ang mga braso nyang yumakap sa akin bago ko sumakay ng tricycle noon ay puro na pasa at sugat. Mahahalata mo din na nangayayat ito.
"Na... Nay... Anong... Anong nangyari sayo?" dahan dahan akong lumapit kay nanay.
"D... Dahlia. Andyan ka na! Namiss kita anak! Teka gutom ka ba? Magluluto na ako at magsasaing. Magpahinga ka muansa kwarto mo." pagiba sa usapan ni nanay.
"Nay!" sabi ko dito. Natahimik ito at tumulo na din ang luha nito at dahan dahang napaupo sa sahig habang patuloy na umiiyak.
"Pasencya ka na anak. Kung ga... ganto ang itsura ko. Nagaway lang kami nang Tatay mo." sabi nito.
"Nay naman! Bakit po ba kayo nagtyatyaga dito. Pag nagaaway kayo lagi na lang bugbog ang abot nyo." sabi ko dito.
"Patawarin mo na iyon anak. Alam mo ba may trabaho na iyon kaya pagka uwi pagod na ito at napapagsabihan ko kaya humahantong kami sa ganoon." sabi nito.
"Nay naman! HIndi ka man lang ba naaawa sa sarili mo. Nakikita din nila Pao at Jim yung nangyayari sa inyo! Ano ba nangyari at ganyan ka lala ang nangyari sa inyo?" sabi ko dito. Tumayo ito at inilalayan ko na para makaupo kami sa mesa."Kahapon kasi, pagod na pagod si Jose tapos pag uwi nya yung dalawa nagiingay wala ako noon kasi bumili ako ng ulam para makakain na kami pag uwi nya. Tapos buti naabutan ko sila na sinisigawan pa lang yung dalawa kaya bago pa nya mapalo eh ako na humarang duon sa dalawa kaya sa akin na napagbuntunan nya ng galit." sabi nito. Naaawa na ako sa nanay at mga kapatid ko. Ako kahit kailan ay hindi napagbuhatan ng kamay ni Mang Jose kasi laging andyan si nanay para sya ang tumanggap ng para sa akin.
Matagal akong nagisip isip. Kahit ngayon pa lang ako kumita eh gusto kong nakailis na sila nanay dito. Kahit malapit lang sa pinagtratrabahuhan ko at may malapit na paaralan para mailipat sila.
"Nay. Magimpake na kayo" banggit ko dito.
"Bakit? San tayo pupunta?" sabi nito.
Tumayo na ako at dumungaw sa labas ng kusina.
"Pao, Jim!" pumunta kayo sa kwarto nyo at ilagay nyo sa bag nyo lahat ng gamit nyo sa mga bag o plastic ha?" sigaw ko.
"Pero ate! Kumakain pa kami!" sabi nila. sinamaan ko naman sila ng tingin para sumunod agad."Nay iwan nyo na yang niluluto nyo!" pumunta ko sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko sa maleta at sa iba ko pang bag.
"Ano kaba Dahlia! Ano bang pinagsasabi mo? Hindi tayo pedeng umalis sa bahay na to. Magagalit si Jose!" sabi ni nanay na mahahalata mo ang takot sa kanyang mga mata.
"Nay kung hindi pa tayo aalis sa bahay na ito. Baka sa sususnod na pagdalaw ko. Naka burol na kayo! Hindi naman tayo iniintindi maski anak nya. Nay naman intindihin nyo naman ako na gusto ko lang na ligtas kayo eh sa lagay nyo ngayon kailangang ipakulong na iyong lalakeng yun!" sabi ko dito. Mukhang naintindihan ni nanay ang nais kong sabihin at pumunta na sa kwarto nito.Ang sabi sa akin ni nanay mga 3 pa ang uwi ni Mang Jose kaya marami kamaing time para magimpake ng mga gamit namin. Pagkatapos na pagkatapos naming mag imake ay lumabas nakami ng bahay para maghanap ng tricycle sa may kanto. Medyo kalayuan sa bahay namin.
"Nay! Naiwan ko yung bag ko ng laruan sa kama!" sigaw ni Jim.
"Ano ka ba naman! Iwan na natin iyon." sabi ni nanay.
"Hindi pede!" sigaw ni jim at umiiyak na.
"Nay ako na po ang babalik. Pumara napo kayo ng tricycle para aalis na lang po tayo." sabi ko. Ibinaba ko na din ang gamit ko para maisabay na at tumakbo ako pabalik sa bahay."Asan na ba yun?" sabi ko. Hindi ko kasi mahanap sa kama ni Jim yung bag nya. Kaya naghahanap ako sa iba pang kwarto. Tumingin ako sa orasan maaga pa.
"CLARENG!" napahinto ako sa paghahanap ng narinig ko ang boses ni Mang jose! Kinakabahan ko pero tinuloy kagad ang paghahanap.
Nang nakita ko na ito ay dali dali akong tumungo sa pinto. Para umalis na.
Pero nakita ko si Mang Jose na nakatayo sa may kusina. Mahahalatang lasing ito at naamoy ko na din ang alak na nainom nito.
Dahan dahan dapat akong lamakad paalis pero may naapakan akong supot ng chichirya. Kaya napaharap ito sa gawi ko.
PAK
Habang hawak hawak ko ang pisngi ko at napaupo ako sa sahig.
"Hoy babae! Aba... Hik... Ngayon ka lang dito... Hik... Sa pagwala mo wala man lang akong pera panginom... Hik... Natagal pa ko sa trabaho!... Hik!" sigaw nito sabay tadyak sa sikmura ko.
"Tama na po!" sigaw ko. Dahil si nanay nga ang tumatanggap para sa akin kaya kahit kailan hindi ako nasaktan nito.
Hindi ito nakuntento at itinayo pa ako at sinuntok sa mukha at sa sikmura ulit. Nang tumigil ito."Nasan na ang nanay mo! Wala aman lang makain... Hik... Bwisit!" huling ginawa nito at tinadyakan ang binti ko. At dirediretso ito sa kwarto nya.
Habang may pagkakataon ay tumayo ako. Kinapa ko ang panga at ulo ko. Parehas na may dugo. Piling ko din ay nabali ang buto ko sa paa. Pero ininda ko ito at tumakbo palabas ng bahay.
Kahit paikaika ay nakalayo ako sa bahay at hanggang natanaw ko yung tricycle nila nanay.
"Jusko! Iha anong nangyari sayo?" sabi ni nanay.
"Manong tara na po sa terminal!" pinaandar agad ni manong ang tricycle."Wala po nay. Naabutan ho ako ni Mang Jose eh nakainom po ito kaya ganoon. Buti nakatakas nga ho ako." biro ko.
"Jusko eh may pasa ka sa pisngi at may sugat ka pa sa labi at ulo. Hala tara sa ospital." sabi ni nanay.
"Nay wag na po. Tignan nyo nga oh terno na tayo haha... Aw..." tatawa dapat ako pero sumakit yung sa gilid ng labi ko.
"Ikaw talagang bata ka. Pero salamat at nagkaroon ako ng anak na tulad mo" sabi ni nanay at niyakap ako.
"Walang anuman nay." sabi ko.Ang sarap sa piling na sa wakas malaya nakami at makakapagsimula na sila nanay. Yung pang gagastos naman ay pipilitin kong maghanap ng iba pang trabaho para makapag ipon.
Kahit paunti unti. Kakayanin.
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
Fiksi PenggemarIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...