ALDEN'S POV
Kakauwi ko lang galing studio nagshoot kami hanggang madaling araw. Nakita ko si Dahlia na nagwawalis sa labas ng bahay. Mahahalata ang pagiika ika ng paa nito.
Bumisina ako at nakita ko itong dali daling lumapit sa gate at halatang paika ika.
"Good Morning ho sir Richards." bati nito pagkapark ko. Nakakailang tawagin na sir Ruchards pero kailangan eh.
"Yeah." simpleng sabi ko. Nahalata ko naman na namumutla sya at parang balot na balot ang katawan. Hindi naman malamig dito ah?Hindi ko na lang pinansin, baka trip nya lang di ba? Pero tinitignan tignan ko pa din sya ng hindi nya alam.
DUB'S POV
Anlamig.
Kahit nakabalot na ako ng kumot at makakapal na damit ay nilalamig pa din ako. Wala pa naman akong nabiling gamot para sa mga sugat ko, nagkasakit pa ako.
Itutulog ko na lang to. Ganyan naman madalas naming gawin ni nanay pag may sakit kami.
'Kamusta na sya doc?' sabi ng isang malalim na boses.
'She's ok now, naiinject na ang mga gamot na pampawala ng fever nya then about sa fracture sa binti nya maliit lang ito pero bebendahan natin para hindi nya masyadong igalaw. I also notice some bruises on her arms and face. What happen with that?"' sabi nung isa namang boses? Ako ba yung pinaguusapan nila?
'We dont actually know, umuwi na syang ganyan, late na din namin napansin.' sabi ulit nung isang boses, si Sir Alden ba yun? Pamilyar eh.
'I see, anyway pag nagising na sya paki painom ito tapos babalik ako mamayang hapon kung pede na syang idischarge.'
'Thank you doc.' pagkarinig nyang sumara ang pinto, cue na nya iyon para magmulat ng mata.Nasa isang kulay beige sya na kwarto, may tv, may ref at may sofa sa gilid na kinahihigaan nya.
Napatingin sya sa gawi ng pinto, tama ang hinala nya si Alden nga. Napansin naman sya nito.
"Gising ka na." sabi nito at lumapit s akinahihigaan nya, nakita nyang may nakakakabit na dextrose sa braso nya.
"Opo, ano... Ano pong ginagawa ko dito?" tanong nya.
"Hinahanap kita nung pagkagising ko makapananghali pero wala ka kaya pinuntahan kita sa kwarto mo at nakita kitang nanginginig doon, kaya dinala na kita sa hospital kasi baka hindi lang simpleng lagnat yan." sabi nito.
"Talaga po? Thank you po Sir Alden. Naabala ko pa po kayo." sabi ko.
"No problem any way eto oh." sabi nito habang may iniaabot sa akin na kulay dilaw na gamot. Kinuha ko ito kasabay inom.
"Alam mo lagi na lang tayong nagkikita sa hospital" huh? Parang hindi naman.
"Ta... Talaga po? Kelan?" naguguluhang tanong ko. Umupo ito sa silya katabi ng higaan ko.
"Hindi mo na maalala? Sabagay may sakit ka din noon. Do you remember nung huling nasa hospital ka?" tanong nito. Huling beses? Ah... Yung nagising na lang ako sa hospital din, tas sa nurse.
Tumango ako. Pinagpatuloy nito ang sinasabi sa akin.
"Good, at that time ako ang nagdala sayo sa hospital, with the help of my manager. You look tired and at that time you look different. Kaya hindi kita nakilala agad." sabi nito. Wow so sya pala nagdala sa akin sa hospital noon. Dapat pala ako magpasalamattsa kanya.
"Ah, thank you sa pagligtas sa akin noon. Gusto ko sanang magpasalamat sa nagligtas sa akin noon kaya lang hindi naman kita kilala noon." paliwanag ko. Ngumiti na lang ito at nakita ko naman ang mga dimples nito. Ang gwapo.Knock... Knock...
"Their here." sabi nito at tumayo papuntang pintuan.
Nakita kong pumasok sila nanay, pao at jim.
"Nay!" tawag ko dito. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Nagulat naman ako ng nararamdaman kong umiiyak si Nanay.
"Bat kayo umiiyak nay? Nakikita kayo ni Pao at Jim oh." tumawa ito ng bahagya at kinalas na ang pagkakayakap sa akin.
"Pinagaalala mo kong bata ka. Kung hindi pa ako tumawag at hindi nasagot ng boss mo eh hindi ko pa malalaman ang kalagayan mo." sabi nito.
"Nay, ayaw ko lang pong makaistorbo, tsaka kaya ko naman po eh." sabi ko.
"Ate! Ate! Anlamig dito grabe! Pede bang dito na lang tayo tumira?" sabi sa akin ng kapatid kong si Jim.
"Hindi pede anu ka ba! Hospital to kaya hinaan nyo mga boses nyo." paalala ko sa kanila. Tumahimik naman sila kasi nanunuod ng cartoons sa tv.
"Ano ok ka na ba? Wala bang masakit sayo?" tanong ulit sa akin ni nanay.
""Nay ok na po ako dapat nga eh sa bahay na lang, nakakahiya kay sir Alden at sya pa ang gagastos para sa akin." sabi ko. Napansin kong wala dito sa kwarto si Sir Alden.
"Magpasalamat na lang tayo sa diyos at di lumalala ang mga pasa at sugat mo, yang bali mo naman sa paa eh ipahinga mo na lang."Bilin sa akin ni nanay.
"Oo nga po eh." sabi ki na lang.Knock... Knock...
"Excuse me, dahlia mabuti siguro kung umuwi ka na muna sa inyo atleast doon may magaalaga sa iyo. Tsaka may out of the town kaming shoot so hindi muna ako makakauwi. Mga 2 weeks din iyon. So bale magpahinga ka muna sa dalawang linggong iyon." sabi nito. Tumango naman ako at nakita ko itong may nilabas na envelope.
"Eto ang pambayad dito sa ospital tapos yung iba pang gastos nyo muna. Mauuna na ako." sabay abot ng sobre sa akin.
"Thank you po sir." sabi ni nanay kay Sir Alden.
"Walang anuman ho. Magiingat po kayo dito." bilin nito at nagmano kay nanay bago umalis.
"Napakabait na bata, parang hindi naman artista iyon nak, masyadong mabait na bata." sabi ni nanay."Alam ko po nay, alam ko."
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...