Chapter 45

2.3K 107 8
                                    

DAHLIA'S POV

Alam mo yung parang nanunuod ka ng mga old movies? Meron pang countdown bago magumpisa yung flashback ng kwento at parang sequences ang nakikita mong pangyayari sa buhay mo. May masasaya, may malulungkot, may nakakatakot, merong nagagalit, may nagaaway at may nagtatawanan. Pero alam nyo ba ang pagkakaiba iba nila sa marahil nakikita ng iba sa totoong buhay?

Yung akin... blangko... blangko ang mga mukha nila...

Kahit pilit ko silang inaaninag, wala ding epekto... tapos biglang nagdilim ang paligid. Tumagal din siguro iyon ng mga ilang minuto... then nagliwanag ulit.

But this time may mga boses na akong nadidinig.

"When will she wake up?" Hindi pamilyar ang boses na iyon... pero parang kilala ko iyon...

"Right now. We don't know for sure. The medicines are working and her body is already in a stable condition. " sabi nung isa pa.

"Sniff... Dahlia... anak." wait... pamilyar ang isang iyon...

This time pinilit ko ng gumising...

And it works...

Pit... pit... pit... pit...

Napabaling ako sa tumutunog na iyon... at may kung anong mga gumagalaw na linya doon.

At yung mga boses na naririnig ko ay mga naguusap sila doon sa may labas...

Pilit kong ginagalaw ang kamay ko pero mahirap.

Then may pumasok na babae na nakaputi.

"Dr. James. The patient is awake!" Naghadali itong lumabas at nagsipasukan naman silang lahat.

"Dahlia anak!" Lumapit ito saakin at hinaplos ang kamay ko... napakapamilyar ng hawak nito.

Yung lalaki sa likod nya ay pamilyar din. Pero hnd ko ito kilala.

Patuloy lang ang pagiyak nito sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Kasi may mask pa sa bibig ko. Aabutin ko sana ito kaya lang pinigilan ako nung doctor.

"Don't move yet. Even if your stitches healed. Due to your state you can't move your body really well. " sabi nito sa akin.

Tapos tinaas nito ang pagkakatingin.

" After a week she needs to undergo therapy session. And as of now. It seems that there are no problem. I have to excuse myself." Sabi lang nito at kinamayan yung lalaki.

Pagkalabas na pagkalabas naman nito ay may mga pumasok ulit sa kwarto.

"Dahlia!" Sabi nung is a.

Lumapit ito sa akin at yumukod. Napapikit na lang ako dahil sa paghalik nito sa noo ko.

"I miss you rose." Hnd ko alam pero parang naiiyak na ito base sa boses nya.

Ngumiti na lang ako at tinitigan pa yung iba nya pang kasama.

Pagkabitaw nung lalaki sa akin. Hinarap ako nito.

"Are you ok rose? Nagalala ako sayo. Ang tagal mong natutulog. Dapat nga hahalikan na kita. Malay natin baka mas maaga ka pang nagising. Kundi lang ako pinigilan ni Alden." Halata dito ang inis nya pero nagtawanan na lang sila.

"Ate!!!" Magkasabay nilang sabi at parehas nilang hinawakan ang kamay ko. At ang nakakatuwa ay ang mukha nila.

"Ate ok ka ba? Wala na yung si tatay. Kaya wala ng mananakit sa atin!" Sabi nila.

"Paolo, Jim wag nyo muna yan ikwento sa ate nyo. Sa ibang araw na lang." Ngumiti ito at lumapit sa kanya yung dalawa.

Binalingan ko ulit yung lalaki. May pamilyar talaga sa kanya pero hindi ko maalala.

"Dahlia!" Biglang kumalampag ang pinto at humahangos itong pumasok.

Dahan dahan itong naglakad papalapit sa kama ko. Lahat ay nakatingin lang dito pero nakangiti sila.

"Sweetheart?" It feels right. Na tawagin ako nitong sweetheart.

Hinawakan nito ang aking kamay at hinalikan nito at saka dahan dahan nyang inilapit sa kanya at niyakap.

"I'm sorry sweetheart. Naging pabaya ako at dahil doon ay nasaktan ka. Sorry at hindi kita pinaniwalaan. Sorry." Sabi nito na may halong sinseridad. Gusto kong magsalita. Pero hindi ko magawa. Kaya hinigpitan ko na lang ang kapit sa kamay ko at saka ko ito nginitian.

Naririnig kong may humihikbi sa gilid. At pagtingin ko ay may umiiyak nga.

"We should be thankful. That she's already awake. We should celebrate this." Sabi nung lalaki na hindi ko kilala.

Sumangayon ang lahat at magpapadala na lang daw ng pagkain dito at tutal ay private room ito kaya pepede.

Dumating na ang lahat ng binili nila at medyo inaangat ang higaan ko.

Hindi pa daw ako pede kumain ng totoong pagkain kaya pinagmamasdan ko na lang silang lahat.

Ansaya nilang nagising na ako. Kung kanina ay may nagiiyakan ngayon ay masaya silang nagkwekwentuhan.

Pero hindi ako iniiwan ng isang to.

"Ba... bat... dika... sum..ama sa kanila?" Pinipilit kong sabihin kahit na garalgal pa ang boses ko.

Hindi nito inaalis ang pagkakahawak sa kamay ko at nakangiti lang ito sa akin.

"Alam mo ba na unang nakita kita. Cheesy it may sound pero nagandahan ako sayo. Hahaha. Kahit may uling ka pa noon sa noo at ang payat payat mo. Nagulat din ako nung nakita kita ulit but that time as a maid na. Kahit hindi ko alam ang background mo. Napabilib mo ako sweetheart. Maybe ayoko lang tanggapin na nagkakagusto na talaga ako sayo and in denial lang talaga ako. Pero... I really like you sweetheart. " yung nakangiting mukha nito ay napalitan na ng halohalong emosyon.

"Iho, tara muna dito! Kumuha ka munang pagkain sandali. Pagpahingahin muna natin si Dahlia..." sabi nila.

Bago tuluyang umalis ay hinalikan ulit nito ang aking ulo at tumayo na. Tanaw ko sila kung saan ako nakahiga.

Napapikit na Lang ako... para akong inaantok...

May nakalimutan akong itanong sa kanila.

Sino si dahlia?

Sino nga ba sila?

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon