DUB'S POV
Magdadalawang linggo na akong nasa bahay. Hindi naman napapansin ni nanay na umaalis ako dahil andito agad ako sa bahay. Buti naman medyo slow din naman ang mga kapatid ko.
Nandidito pa din ako sa pinagtratrabahuhan kong punerarya. Last day ko na kasi by monday uuwi na galing sa japan si sir alden. Doon pala ito pumunta nabalita lang sa chika minute nung isang araw. .
Hindi naman nakakatakot talaga ang mga patay. Andito lang sila nakapikit at walang ginagawang masama. Paniniwala mo lang talaga ang nakapangugulo ng imahinasyon ng isang tao. Mas matakot ka nga sa buhay kasi mas marami silang kayang gawin na hindi mo aakalaing magagawa nila.
"Dub! " mula sa pagliligpit ng gamit, nilapitan ako ni Mr. Smith.
"Since last day mo ngayon at malaking tulong mo sa amin, eto sweldo mo. Dinagdagan ko na yan. " sabi nito at inabot sa akin ang sobre, tinapik sa balikat at umalis na.Eto ang sweldo ko para ngayong araw. Kasi per day ang sahod dito.
Kaya hindi naman napapansin ni nanay na umaalis ako sa bahay at nagtratrabaho, dahil sinabi ko dito na may ipon ako at yun muna ang gagamitin pambili ng mga pagkain at pambaon nung dalawa. Pumayag naman ito.
Paminsan minsan ay tinetext ako ni Alden kung kamusta na daw ba ang paa ko. Sabi ko naman eh natagal na yung benda at nakakakiloskilos na ako. Tumatawag din si Mam Vince sa akin at kinakamusta din ako. Pinaalala nga din nito na malapit nang bumalik sa bansa si Alden.
"Mauna na po ako! Maraming Salamat po!" Pagpapaalam ko kay Mr. Smith.
"Magiingat ka iha!" Sabi nito at dumiretso na sa loob ng punerarya.Sumakay na ako ng jeep pauwi sa bahay namin at magaayos ulit ako ng gamit.
Sea may hindi kalayuan sa may bandang Broadway kami nadaan. Skating may parang nagshoshooting sea labas kasi ang daming tao. Hindi makadaan yung sinasakyan naming jeep. Kaya pinababa na kami. Yung iba nakiusyoso pa. Habang yung iba nilakad pa hanggang sakayan. Ako? Aba syempre sa kadahilanang kailangan ko ng umuwi. Nanuod ako ng shooting. Bihira Lang ako makakita ng artista. Madalas si Sir Alden lang. Gwapo naman sya pero wag naman araw araw dba?!
Late din naman uuwi si nanay ngayon at may gagawin namang project sea kaklase nila yung dalawa. In short ako lang magisa kung uuwi ako agad.
Paglapit ko hindi ko agad nakita kasi nga di ba madaming people. So nakipagsiksikan pa ako. Pero habang nakikipagsiksikan ako narinig ko yung paguusap nung dalawang babae sa harap ko.
'Girl. Napakasipag talaga nya noh? Kakagaling Lang sa airport shooting agad.' Sabi nung black lady. Kasi nakablack syang shirt.
'Oo nga eh. Baka pagod ang baby natin. So sipag talaga para sa future namin.' Sabi naman nung white lady. Napataas ang kilay ko don! Assumera!
'Che! Future ka dyan! Eh wala ka nga nun eh hahaha' sabi ulit nung black lady.Sinilip ko nga nacurious ako eh.
Ay tompak! Eto ata yung nawawala naming sangkalan.
'Wala namang personalan! Nakaka ano ka uyyy...' sabi nung sangkalan. At est ni ateng naka white.
'True hurts friend' sabi nung naka black.
'Boba! Truths hurts yun!' Sabi ni white lady.
'Shunga tama ako!' Balik naman nung isa.At dahil natutuwa ako kila ate sila na napagtuunan ko ng pansin. Di ko na napansin na napaharap na pala kami at dahil may kableng nagkalat sa sahig eh malamng may matitisod sa amin at jackpot na ako ang natisod.
'Ay!!! Miss!'
'Ok ka lang?! '
'Miss ilan nahuli mo? 'Ay maganda yan imbes na tulungan ako eh hano?
Pagangat ko ng tingin may kamay na nakalahad sa harap ko.
"Miss ok ka lang? " pag angat ko. Kulang ang salitang gulat.
"Si... Sir!" napalakas na sabi ko kaya tinakpan nya muna ang bibig ko. Pinagtitinginan kasi kami.
"Shhh... Maguusap tayo mamaya"
sabi nito.
"Alden! Ano ba yan! Nadedelay tayo bilisan mo! " may sumigaw na tao kay Alden.
"Yes Direk! Sorry po!" hingi ng paumanhin nito.Tapos tinawag nito ang manager nya at isinama ako nito sa isang tent. Habang bumalik naman sa set si Alden.
"Dito ka muna. Nagtratrabaho yung amo mo inaabala mo. Aba ibang klaseng katulong ka naman. " pang mamata nito sa akin. Gusto ko man magsalita eh wala naman akong magagawa. Tama ito. Dapat umuwi na talaga ako kanina.
Tahimik lang ako sa loob ng tent. Pagka magpapalit ng damit si sir Alden eh lumalabas ako pero pinababalik din ako sa loob kahit sinasabi kong uuwi na ako.
Pati si nanay nagtatanong kung asan ako.
"Pack up guys! " rinig kong sabi nung staff.
Hala 7 na mahigit!
"Thank you po! Ingat po kayo! " sigaw ni sir Alden na nasa bungad ng tent.
Pagpasok nito kasunod nito yung manager nito."Kakauwi mo pa lang galing Japan. Magpahinga ka paguwi mo at aasikasuhin ko pa yung schedule mo. Isama mo na din itong pasaway mong katulong. Maauuna na ko." sabi nito at tuluyang lunabas sa tent.
Katahimikan lang ang bumabalot sa amin. Nakaupo lang sya tapos nakapikit.
"Hindi ba dapat nagpapahinga ka? " seryosong sabi nito.
"Ah... O... Opo." nerbyosang sabi ko.
"So anong ginagawa mo doon at nakikipagsiksikan ka. But in the first place dapat asa bahay ka. " sabi nito ng nakapikit pa rin.
"So... Sorry po. " para akong bata na nahuling kumukupit ng cookies sa jar at nakita ka ng strict na magulang mo kaya pinapagalitan ka.Tumahimik lang ulit kami. Nakaupo pa din ito pero ngayon hinihilot na nito ang sentido nito.
"Dub" sabi nito.
"Po? " humarap ito sa akin at seryosong nakatingin.
"Come here. " sabi nito. Tama ba narinig ko? Tinatawag ako nito.
"Ba... Bakit po? " naguguluhang tanong ko.
"Just come here. " seryoso talaga nitong saad.Dahan dahan akong tumayo sa pagkakaupo sa isang monoblock na upuan at nilspitan ito. Mga 1 foot ang layo.
Nakatingala lang ito sa akin at titig na titig. Ako naman ay naiilang kaya hindi ako makatingin sa mata nito.
"Lumapit ka pa ng konti. " sabi nito. Hindi na ko nagsalita kasi bad mood ata ito. Pero lumapit naman ako mga 10 inches.
"Let me rest for awhile. " huling katagang sinabi nito. Bago ko mawalan ng ulirat.
Nakapulupot ang mga kamay nito sa bewang ko at nakasandig naman ang kanyang ulo sa may tsan ko.
"It's good to be home. "
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...