Chapter 47

1.9K 94 7
                                    

ALDEN'S POV

"Alden, when are you going back in here?!" that was my new manager Henry. Sya ang inassign ng agency kapalit ni Krissy, nasa kulungan na din si Krissy dahil nakipagsabwatan sya kay Lola. Right. Si Lola, hindi ko ineexpect na magagawa nya ito. Hindi pa sya nahuhuli dahil walang may alam kung nasaan sya at pati ang mga anak nya ay hinhanap na nila ito.

"Just hold all the projects na nakaline up para sa akin, I need to be here." sa ngayon wala na akong pake sa nangyayari sa career ko. I need to stay in Dahlia's side lalo na ngayon at wala pa syang naaalala. Kahit na ayokong maalala nya ang nakaraan nya. Also I want to start a new with her. No pretends and no rules or contract. Just us.

"Alden, how many more months? Don't you think it's time for you to let her go? It's time for you to think about yourself. You're ruining your bright future." matagal na sa showbiz industry si Henry kaya hindi ako magkakaila na hindi nya sinisiraan si Dahlia. Iniisip nya lang ang kapakanan ko. Sigh.

"I can't Henry. I really need to stay in here. She needs me." hindi na ako naghintay pa ng sasabihin nya at ibinaba ko na agad ito. Hindi ko naman talaga tatanggapin ang tawag nya. Kaya lang naririndi na ako sa kakatawag nya everyday.

"Alden..." napaangat ako ng tingin at nakita ko si Dahlia sa gilid ng pintuan.

"Kanina ka pa ba?" iniisip ko baka narinig nya ang pinaguusapan namin ni Henry. Baka may isipin pa syang kakaiba.

"No... Kakadating ko lang. Yayayain sana kita magmovie marathon. Ka.. Kaya lang mukhang pagod ka. Kaya next time na lang." sabi nito at tinangkang isara ang pinto ngunit napigilan ko na agad ito.

"No, it's okay sweetheart. Come on." hinila ko na sya papunta sa entertainment room at inupo ko na sya.

"So, ano gusto mong panuodin?" I ask her. Naglakad na ako sa stacks ng CD's dito sa cabinet. Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero wala kaya nilingon ko ito.

As usual. She's just sitting there and staring at me. Napangiti na lang ulit ako. Nilapitan ko sya at lumuhod sa harap nya.

"Bakit ka nakatingin nanaman sa akin? Hmmm.."some hairs fall loosely from her ponytail. Kaya nilagay ko iyon sa likod ng tenga nya.

"Hindi ka ba nahihirapan?" nagulat ako sa tanong nito. Akala ko ay nagbibiro sya pero habang matagal kong tinititigan ang mga mata nito ay alam kong totoo ang sinasabi nya.

"Bak... Bakit mo naman natanong yan sweetheart?"

"Gusto ko lang malaman. Nasabi sa akin ni nanay na artista ka daw sa pilipinas. Hindi ka ba busy doon at matagal ka ng andito." alam kong nadinig nya ako na kausap ko si Henry. Hinawakan ko na lang ang kamay nito ay tinabihan sya.

"No, naka bakasyon ako and also mas kailangan mo ako dito sweetheart. Gusto kong ako una mong maaalala pag bumalik na ang memories mo." sabi ko na lang dito.

"Pe... Pero paano? I mean sabi ng doctor eh hindi natin masasabi kung kelan nito babalik? What if next month? next year? 2 years from now?" sabi nito.

Napahinto ako at tinitigan lang sya. Bakit sya nakakapagsabi ng ganto.

"Gusto mo na ba akong umalis?" diretsang tanong ko sa kanya. Bumakat ang gulat sa kanyang mga mata pero iniiwas agad nito ang tingin sa akin.

"Hi... Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Na... Nagaalala lang ako at baka paguwi mo sa Pilipinas wala ka nang trabaho ng dahil nandidito ka." sabi nito. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana na ngayon ay may mga snow na nahuhulog.

Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at nilapitan sya at niyakap patalikod.

"Naiintindihan ko, pero seriously bakasyon ko nga kaya kahit ilang buwan pa pede akong asa tabi mo. Basta wag mong pipiliting bumalik ang memories mo ha baka mahirapan ka lang." sabi ko sa kanya at hinalikan ang ulo nya. Then hindi na nya ako sinagot at nanunod na lang kami ng mga snow na nahuhulog sa labas.

DAHLIA'S POV

May mali. Umpisa pa lang alam kong may mali na sa sinasabi nito.

Hindi ko kasi sinasadyang mapadaan sa kwarto nya kanina. Gusto ko kasi maghanap ng makaksamang manunuod ng movies sa entertainment room sa taas.

  "Just hold all the projects na nakaline up para sa akin, I need to be here."  Huh? sino namna kaya ang kausap ni Alden?

  "I can't Henry. I really need to stay in here. She needs me."  Henry? Sino naman iyon. Nga pala nasabi sa akin ni Nanay na artista nga pala ang isang to. Halata sa mukha nya ang pagod at puyat. Dahila kahit tulog ako, alam kong nakatabi sya sa akin at binabantayan ako hanggang umaga.

Buong duration ng panunuod namin ng movie. Nakatingin lang ako sa kanya. HIndi naman nya malalaman dahil tulog na tulog sya. Kahit hindi ko sya naaalala. Alam ko. Alam kong umpisa pa lang mahal ko sya talaga. Pero hanggang kelan ko sya hahayaang makulong sa tabi ko lang? May sarili din syang buhay bago pa man din nya ako nakilala. Ayoko namang kunin na lang iyon sa kanya ng basta basta. Ayokong maging dahilan na mawala sa kanya ang mga pinaghihirapan nya.

Pero iniisip ko pa lang na iiwan nya ako, masakit na.

Ring... Ring... Ring...

Tumayo ako para sagutin ang tawag ng telepono sa labas ng kwartong to. Mukhang hindi naman sya nagising kaya lumabas muna ako sandali.

"Hello?" sagot ko.

"Can I speak with Dahlia Maxwell?" babae ang naghahanap sa akin.

"Yes speaking. Can I ask your name?" sabi ko dito.

"Hindi ko na sasabihin ang pangalan ko dahil matagal mo nanaman akong kilala." sabi nya. Pero hindi ko maalala kung sino ito.

"Alam mo miss, hindi kita nabobosesan. At kung wala kang gagawing matino ibaba ko nato." akmang ibaba ko na ito ng magsalita ulit sya.

"Masaya ka ba?" napahinto ako sa tanong nya. Bakit naman nya tinatanong kung masaya ako?

"Anong pinagsasabi mo?" hindi ko gets ang sinasabi nang babaeng ito.

"Masaya ka na ba na unti unting nawawala ang pinaghirapan ni Alden ng dahil sayo?" biglang lumakas ang tibok nang puso ko dahil sa sinabi nito.

"Masaya ka ba na sa bawat oras na nasa tabi mo sya. Nawawala ang future na dapat ay meron sya." sabi nito.

"Hi... Hindi ko alam yang sinasabi mo!" sabi ko dito at narinig kong napatawa pa ito ng bahgya.

"Ayun na nga Dahlia. Wala kang alam." sabi nito at tuluyan ng pinatay ang tawag.


Napasandal na lang ako sa pader para kumuha ng suporta. May alam ang babaeng iyon sa kung ano ang nangyayari sa buhay ni Alden. 

Ting...

Kinuha ko ang phone ko at may nagmessage sa akin.


"Kung gusto mong malaman ang tinutukoy ko. Buksan mo ang link na to nang magising ka sa katotohanan. www.**********.com.ph"


Kahit ayokong malaman ang totoo ay kailangan kong gawin ito.


At sa dami nang nakikita ko.


Napaiyak na lang ako.

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon