THIRD PERSON'S POV
Pagkalapag pa lang ng eroplano kanginang umaga ay may isang tao na kanina pa pinagtitinginan ng lahat. Paano ba naman ay mahahalata mong napakayaman nito dahil sa mga dyamante na suot suot nito at sa gara ng kanyang pananamit.
As a VIP madali na syang nakalabas ng eroplano at sunod sunod dito ay isang staff na may tulak tulak ng kanyang mga gamit.
"I'm finally back. " tinanggal nito ang shades sa kanyang mata at isinunod ang sumbrero nito. Sabay tinignan ang taong matagal na niyang kakilala.
"Welcome Back madam. " sabi ng personal driver nito.
"Vicente, ang laki na nang pinagbago nitong syudad. Maiingay at magugulo. Pero sana walang nagbago sa probinsya. Kamusta ang bahay?" sabi nito kay Vicente. Kinuha ng matanda ang bagahe na iniabot sa kanya at isinakay sa likod ng sasakyan. Dali dali itong umikot at pinagbuksan ang Senyora. Ngunit bago ito isara nagsalita si Vicente."Katulad pa din senyora, katulad pa din ng dati. " at tuluyan na itong isinara.
Mabilis umikot si Vicente at sumakay sa loob ng sasakyan.
"Saan po muna tayo Senyora?" pagtatanong nito.
Napalingon ang Senyora sa labas ng bintana at nakita ang isang billboard na may pagmumukha ng kanyang pinakamamahal na apo.
"Sa lumang bahay Vicente. "
DAHLIA'S POV
Kahit nagtataka kung saan kami papunta ay hindi na ako nagtanong. Ba katulong lang ako, hindi girlfriend para magusisa dito.
"Dahlia. " napaangat ako ng tingin at tinignan si Sir Alden.
"Ba... Bakit ho? " why so gwapo papa Alden?
"Madedelay muna ang day off mo, dahil madedelay din ang uwi natin." sabi nito.
"Bakit po? Saan po tayo pupunta?" tanong ko dito.
"We need to go somewhere near here. It's urgent that's why. " sabi na lang nito. Kahit hindi nya sinagot ang tanong ko ay hindi na ako nagtanong pa.Nakabihis kami ni Baste ng maayos. Sya ay nakapolo shirt at pants ako naman ay nag sunday dress na regalo sa akin ni nanay last year. Si sir Alden naman ay nagpalit ng damit at naka sleeves pa na itinupi sa elbow na kulay white at pants din. Why so formal? Ano ba meron???
Makailang minuto ang lumipas. Pumasok sila sa isang parang farm. Hindi nya masyadong makita dahil papadilim na at wala masyadong ilaw sa lugar, sa may dadaanan lang.
Sa dulo ng kalsada ay may isang bahay, hindi nya alam kung dalawa o taylong palapag ang bahay. Nang makalapit sila nakita nyang medyo luma ang bahay ngunit maganda at maayos pa anman ito kung titignan.Pagtapat sa may pintuan ng bahay, huminto na sila. May lumapit na tao sa magkabilang side nila at pinagbuksan sila ng pinto.
"Andyan na ba? " tanong ni Sir Alden sa lalaking nagbikas sa side nya.
"Opo sir, kanina pa pong umaga. " tumango na lang si Sir Alden. Lumabas na din kami ni Baste at nakita naming yung mga gamit namin ay may nagpapasok na sa loob ng bahay."Dahlia, tara na. " sabi nito at nagumpisang maglakad papasok.
Sumunod agad kami at ng makalapit sa pinto ay bigla itong bumukas.
"Good Evening Sir Alden. " bati ng mga tao na sumalubong sa may pinto. Base sa pagkakabihis ng mga ito ay may mga maid at iaang lalaking nakatailored suit pa ata.
"Good Evening Sir Alden, mam. " bati din nito sa akin. Nginitian ko na lang ito.
"Good Evening Vicente. Asan na sila?" tanong nito sa matanda.
"Nas amay balconahe na po silang lahat, pero si madam ay hinihintay kayo sa library nya. " sabi nito.Tumango naman si Sir Alden at naglakad na ulit papasok. Si Baste naman ay biglang nagtatakbo, di ko alam kung saan.
"Hayaan nyo na po sya mam. Madalas dito si Sir Baste." sabi ni Vicente. Tumango na lang ako.
"Dahlia, susmunod ka na lang kay Vicente, may pupuntahan lang ako saglit. " sabi ni Sir Alden at patuloy na umakyat sa hagdanan.
"This way mam. " sabi ni Vicente at parang pinapauna ako.
"Naku po, kahit Dahlia na lang din po, katulong lang po ako. " sabi ko dito. Parang hindi naman ito naniwala sa akin at itinuloy pa din ang pagpapauna nito sa akin.Wala na akong nagawa at nauna na kahit hindi ko alam kung san kami pupunta.
Pagpasok ay ang laki ng loob ng bahay, hindi sya masyadong moderno pero maganda, makalumang bahay ba. Ang mga gamit ay napanatili ang tunay na ganda nito at ang mga paintings halatang gawa ng magagaling na mga pintor.
"Kumanan po tayo dyan. " sabi ni Vicente. Ginawa ko naman iyon.
Ang bumungad sa akin ay ang mga taong nagkakasayahan. May magagandang ilaw, may mga tumutugtog sa gilid, maraming pagkain. Doon ay nakita ko din si Baste na nangunguha na ng makakin nya, may kasama itong isang maid.
"Dahlia iha! " napahinto ako s apaglalakad dahil may yumakap sa akin.
Kahit naguguluhan ay yinakap ko na din ito. Pamilyar ang pabangong gamit nito.
Mrs. Richards.
"Magandang gabi ho Mam. " sabi ko dito. Tinggal nito ang pagkakayakap sa akin at nakangiti akong hinarap.
"Ano ka ba naman, wag mo na akong Mamin. Wala ka sa bahay ng anak ko. Tita Rose na lang. " sabi nito sa akin.
Naiilang ako kung bakit Tita Rose ang itatawag ko dito kahit na employer ko ito.Ngumiti na lang din ako dito. Bigla nitong hinawakan ang kamay ko at hinatak papalapit sa mga taong nagkakasayahan.
"Magsitigil muna kayo dyan at nay ipakikilala lamang ako. " sabi nito at tumigil nga sila sa pagkwekwentuhan at hinarap kami.
"This is Dahlia, ang taong tumagal sa mood ng anak ko. And dahlia, iha. Sila ang mga tito, tita at mga pinsan ni Alden. " sabi ni Tita Rose. Hala meet the family ang peg.
Di ako naorient na ipakikilala ako sa mga kamag anak nya. Pero bakit hindi ako pinakilala as a maid ni Tita Rose. Eh yun ang trabaho ko kay Sir Alden.
"Hi Iha! Apaka gandang bata mo naman Dahlia. " sabi ng isang di gaano kaedadang babae pero mahahalata mong maganda ito. Lumapit ito sa akin at nakipagbeso. Nagsisunudan naman ang iba at parang welcome naman ako sa kanila.
"Tita!!!" lumingon ako panandali at nakita ko si Baste na papunta sa amin, ay este sa akin at kasunod neto si Denise. Lumuhod ako at yumakap kay Baste na mukhang nakakain na ng pagkain sa dungis.
"Buti naman at napasama ka ni alden? " sabi ni Denise, tumayo ako sa pagkakaluhod.
"Ah opo, sinabi nya po sa amin kanina. " sabi ko dito. Tumango tango naman ito at may kinuha sa isang upuan.
"Here. " sabi nito at iniabot sa akin ang isang paper bag.
"A... Ano po ito? " tanong ko. Ambigat nung bag.
"Pasalubong and a thank you gift sa pagaalaga mo kay Baste kahit ilang linggo pa lang. Buti nga at kinaya mo mag alaga ng dalawang bata. " sabi nito at napangiti na lang ako sa turan nya.
"Thank you po. " sabi ko dito."Ma." narinig king tawag ni Tita Rose at nakatingin silang lahat sa likodan ko. Dahan dahan akong tumingin din doon.
"Who is this lady here Alden? " sabi nung babae na nakagown pa at may magandang ayos ng buhok.
"Lola, meet Dahlia. " sabi ni Sir Alden lalapit na sana ako para magmano eh."My girlfriend. "
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...