DAHLIA'S POV
Namamaga na nga ang mata ko pero hindi pa din ako matigil sa kakaiyak.
Tok... Tok... Tok...
"Dahlia, nak?" napaangat ako nang tingin at nakita ko si Nanay Samara na nakaduwang sa pinto.
Agad kong kinuha ang tissue at pinunasana ang mukha ko.
"N... Nay." pahikbi kong sabi dito.
Isinara nito ang pinto at tinabihan ako dito sa kama.
"Okay ka lang ba anak? Magang maga na yang mata mo ha." sabi nito sa akin. Kahit pinipigilan ko lang maiyak ay naiyak na talaga at napayakap na lang ako kay Nanay.
"Shhh... Iiyak mo lang. Shhh..." sabi nito habang hinihimas ang buhok ko.
"Na...y di-diba tama na... naman yung ginawa ko. Ni... ni let go ko sya kasi ako naghihila sa kanya pababa. Ako... ako dahilan kung bakit malapit nang mawala career nya. Ayoko... ayoko non nay." sabi ko dito. Tahimik lang itong nakikinig sa akin at tahimik lang din ito habang patuloy ako sa pagiyak.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi na ako masyado umiiyak. Pero tahimik pa din si nanay habang hikbi na lang ako.
"Alam mo nung maliit ka pa at tayo pa lang dalawa. Ni hindi kita marinig umiyak noon. Iniisip ko pa ngang baka may sakit ka kaya ka hindi maiyak. Ni madapa, magasgasan at ni may sakit ka hindi ka maiyak. Kaya tinanong kita dati kung bakit hindi ka umiiyak kahit alam kong nasasaktan ka." kwento nito sa akin.
"Sabi mo. Ayaw mo umiyak kasi pagkaumiiyak ka nalulungkot ako at ayaw mo non kasi mas lalo ka naiiyak. Sabi mo pa. Kahit wala kang tatay. Ok lang kahit tayo lang dalawa. Basta sabi mo wag kita iiwan. " sabi ni nanay. Alam kong naluluha din ito sa pagkwento nya sa akin.
"Kaya nagsisi ako nang dumating sa buhay natin si Jose at nakita ko kung paano ka nya pasakitan kahit bata ka pa lang. Nadudurog ang puso ko dahil wala akong magawa para damayan ka." sabi nito at pinunasan nya ang luha nya. Nakwento din sa akin ni Nanay si Mang Jose. Sya din daw ang dahilan kung bakit ako ganto ngayon.
"Kaya nang nakaalis tayo sa kanya laking tuwa ko kasi malaya na tayo nang mga kapatid mo. Pero akala ko lang din pala." tumayo ako mula sa pagkakayakap kay Nanay at ako naman ang umakap dito.
"Alam mo ba mas nasasaktan ako ngayon. Dahil wala nanaman akong matulong sayo. Wala akong masabi na ikakagaan nang loob mo. Ngayon kung kelan kailangan mo ako wala akong magawa para makatulong sayo." napaiyak na din si nanay.
"Nay..." sabi ko dito. Pero agad din nito pinahid ang luha nya at nakangiting hinarap ako.
"Alam mo, gusto mo lang naman ang nakakabuti kay Alden. Gusto mo lang na ayusin muna nya ang sarili nya dahil sa nakaraan nyong dalawa kahit hindi mo pa masyado na aalala. Tama lang ang ginawa anak. Hindi man maganda ang paghihiwalay nyo. Ginawa mo lang ang nais nang puso mo dahil tama iyon at dahil nagmamahal ka lang." sabi ni nanay at mas ikinaiyak ko ito dahil tama si nanay, mahal ko sya... Mahal na mahal.
"Shhh... iiyak mo lang yan. Andito lang ang nanay. " sabi nito sa akin kaya umiyak lang nga ako.
"A... ate." pagangat ko nang tingin ay si Pao at Jim na nagsisituluan din ang uhog. Iniabot ko ang kamay ko dito para sabihing lumapit sila at tumakbo naman sila sa amin ni Nanay na yumakap at nakiiyak pa. Kaya imbes na maiyak pa ako ay unti unti na akong natawa.
"Can I join in?" lahat kami ay sabay sabay na napatingin kay John. Ang tatay ko.
Parang hinahantay ni Nanay ang magiging sagot ko kaya tumango na lang ako at napangiti ito at naglakad papalapit sa higaan ko.
Umalis sa pagkakayakap sa akin nila Pao at Jim at tumabi kay Nanay kaya nakaupo sa tabi ko si John.
"Are you ok?" sabi nito at kinuha ang kamay ko at pinisil. Kahit konti ay akward parin kasi ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano to pakikitunguan.
"Hmmm.." sabi ko at tumango. Pinilit ko din ngumiti dito. Pero hindi ko ineexpect ang ginawa nito.
Hinatak ako nito at naramdaman kong inilapat nito ang labi nya sa noo ko.
"Let me be a father just this once." sabi nito. Wala na. Hindi ko nanaman napigilan ang pagiyak, hindi pa ako nakuntento at niyakap ko to nang mahigpit. Tatay ko. Ang tatay ko. Ramdam ko na mahal nya ako kahit sa gantong pagkakataon kami nagkakilala.
Ngayon ko lang to naramdaman. Magkaroon nang isang kumpletong pamilya. Pamilyang wala ako dati.
Kahit masakit ang paghihiwalay namin. Maybe this is for the better. For me and for himself.
Babalikan kita Alden, hintayin mo lang ako. Babalik din ako mahal ko.
THIRD PERSON'S POV
Hindi nila alam na sa labas nang silid ni Dahlia ay may isang matang nagmamasid. May bahid nang galit ito at pagkainggit.
Dahil sa huli ay iba pa din ang pinili nang taong mahal nya. Kahit naging sa kanya nga ito dati. Ngayon ay etsapwera nanaman ito.
"You'll never have the family that you want John. It will be me. Always be me at the finish line."
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...