DAHLIA'S POV
"Alden. "
Napalingon kami sa tumawag kay Sir Alden.
Louise.
Naka suot ito ng cover up pero makikita mo ang two piece na kulay puti sa loob.
"Good Evening Louise. " sabi ni Sir Alden at tumayo naman ito at nakipagbeso kay Louise.
"Kanina pa kita hinahanap, pinuntahan pa nga kita sa room mo para ayain ka mag night swimming. Andidito ka lang pala. " sabi nito habang hawak ang braso ni Sir Alden. Pahaplos haplos pa.
"Ah, hindi pa kasi inaantok si Baste, you met him earlier right? kaya nagswimming muna kami. Hindi pa din kasi kami nakakapagbonding sa sobrang busy." sabi nito sa babae.
Panandalian nitong tinignan si Baste at makikita mo sa mukha nya ang pagkainis sa bata. Marahil dun sa paghampas nito kaninang umaga.
Pero hindi iyon makikita ni Sir Alden, ako lang ang nakakita noon.
"Yes, I do remember." sabi nito at ako naman ang tinignan nya.
"And who is she? " turo nito sa akin.
"She's Dahlia... Dahlia, this is louise, my partner. In the film. " pakilala ni Sir Alden. Nagpumilit na lang akong ngumiti pero ang babae hindi man lang nakipagplastikan sa akin.Diba minsan makakakita ka ng mga tao na sa palagay mo hindi tao? I mean parang unang pagkikita nyo pa lang, alam mo na na hindi kayo magcliclick. Ganon ang nararamdaman ko sa kanya.
"Likewise. " maikling sabi nito at humarap na ulit kay Sir Alden.
"Do you mind if I join you? May kailangan din kasi akong sabaihin sayo. " sabi nito. Mukhang nagaalangan pa si Sir Alden kaya tumingin muna ito sa amin. Ako naman ay umiwas lang ng tingin.
"Uh, sure. " sabi nito.
"Great! Waiter! " tawag ni Louise sa waiter at pinakuha dito ang gamit nya at itinabi sa table namin.Nang mailapag nung waiter yung gamit ni Louise eh hinatak na nito si Sir Alden sa lounger na inuukupahan ni Sir Alden kanina.
"You know, this place reminds me of the place I went to, when I was in Paris. It's beautiful in here right? " sabi nito habang patuloy ang pagkapit sa braso ni Sir Alden.
"Ah, sure. " sabi nito na mahahalata mong hindi nya ito pinakikinggan.Kami naman ay patuloy lang na kumakain, bahala sila dyan. Masarap kumain.
"Tapos na ako, swim na ulit tayo!" sabi ni Baste at niyaya na ulit ako pabalik sa pool.
"Baste, kakakain lang natin. Pahinga muna tayo ng mga ilang minuto ha? Baka magsuka tayo sa pool. " sabi ko dito.Mukha namang naintindihan nito ang sinabi ko at tumango. Habang ako inubos ko na yung kinakain ko at niligpit ito.
Mukha namang atat na atat si Baste kaya kahit hindi pa ako nakakapagpababa ng kinain ay naglakad na kami sa pool.
"Sandali lang Dahlia, kakatapos nyo pa lang kumain, wag muna kayong lumangoy. " Habol ni Sir Alden habang hawak hawak nito ang braso ko. Nang lingunin ko si Louise ay nakasambakol ang mukha nito.
"Swim na kami!" sabi ni Baste ulit at hinatak na ako. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan ko na itong maiwan kasama si Louise.
Pagbalik sa pool, isinuot ko na kay Baste yung vest nya para makapagswim pa din ito kahit malalim. Habang ako sinusundan ito. Kahit medyo malalim, kaya ko naman, I mean laking dagat ako. Dagat ng basura.
Langot-langoy lang kami, hindi ko na din natitignan ang oras, ngunit nakikita kong namumungay na ang mga mata ni Baste. Kaya nilapitan ko na ito.
"Baste, ahon ka na. Antok ka na oh?" paghihikayat ko dito para umahon.
"No! Swim pa ko!" sabi nito pero naghihikab na.
"Cge na, bukas swiswim ulit tayo magdamag! " pamimilit ko dito.Mukha namang nakumbinsi ko ito at tumango na lang.
"Sige, ganto ha? Unahan tayo dun sa table natin ok? Kung sino mananalo may cake bukas!" sabi ko.
"Talaga?! Ok byebye! " sabi nito at lumangoy na papuntang hagdanan.
Pinauna ko na talaga ito para naman ganahan na itong umahon.Pero nang naisipan ko ng sumunod dito dahil nakita kong nasa lamesa na ito at binalutan at pinunasan na ni Sir Alden. Nilalamig na din ako kaya lumangoy na ako papuntang hagdanan ng napahinto ako at namilipit ako sa sakit.
ALDEN'S POV
"Tito Alden!" napatigil kami sa paguusap ni Louise nang nakita ko si Baste na kakaahon lang at palapit na sa akin.
"And then there was this model... Ugh! Alden! " hindi ko na pinatapos ang sinasabi nito ng kinuha ko ang twalya ni Baste at nialpitan ito.
Sa di kalayuan naman nakikita kong lumalangoy pa bahagya si Dahlia.
"Tito! Tito sabi Tita, bili nya ako cake tomorrow pag naunahan ko sya! " sabi ni Baste habang pinupunasan ko ito.
"Wow! Ibig sabihin ang bilis mo na magswim kaya may cake ka kay...ti... Tita tomorrow. " nakakailang tawagin itong tita. Pero dahil na din sa sabi ni Baste na hindi naman daw kasi mukhang yaya si Dahlia kaya tita na lang ang itawag dito."Kyaaa!!! Yung babae! Tulong! " napaangat ako ng tingin at nakita kong may isang guest na sumisigaw sa gilid ng pool at may itinuturo.
Napalingon kami sa may pool at nakita naming may nalulunod.
Napatayo agad ako at hinanap si Dahlia. Ngunit hindi ko ito makita sa paligid.
Hinarap ko si Louise.
"Pakibantayan muna si Baste. " sabi ko dito.
Dalidali akong tumakbo palapit sa pool at mabilis kong sinisid ito.
Dahil sa may kadiliman ang paligid kaya medyo nahirapan akong hanapin ito ngunit sandali lang ay nakita ko ito sa kailaliman na walang malay.
Dali dali ko itong nilapitan at binuhat, then lumangoy na ako paangat. Pagahon ko, nakita kong may mga lifeguard na din na dumating at tinulungan akong iahon si Dahlia.
"Sir, excuse ho, kailangan na natin syang iCPR. " sabi nung lifeguard.
"No, ako na! Walang ahhawak sa kanya. " inalala ko ang training namin noon sa isnag seminar noong college ako.Nilagay ko ang heel nang akong kamay sa may chest nito at I put pressure on it.
"Dahlia! Dahlia gumising ka!" sabi ko habang patuloy ang pag pump.
Ngunit nananatili lang itong nakapikit, nangingitim na din ang labi nito.
"Dahlia, come on sweetheart. " sabi ko. Itinigil ko pansamantala ang pag pump at tinignan kung kamusta na ang paghinga nito. Mabagal. Kinakapos na ito ng hangin dahil din sa nainom na tubig.
Ibinuka ko ang bibig nito, kasabay ng paghawak sa kanyang ilong ay inilapat ko ang aking labi sa kanya at binigyam ito ng hangin.
Cough... Cough...
Dahan dahan aty inilabas nito ang tubig na nainom at iminulat ang kanyang mga mata.
"Alden. "
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanficIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...