THIRD PERSON'S POV
"Naiintindihan mo ba ang ipinaguutos ko sayo?"
"Opo, naiintindihan ko po, pero bakit ganon katagal at kalayo?" sabi ko dito.
"Wag ka ng magtanong, may kailangan lang ako idispatsya." sabi nito, natatawa naman ako at sa lahat ng tao eh ito pa ang nakakausap ko ngayon.
"OK, Fine. Wag mong kakalimutan ang pabor na hinihingi ko sayo." pagpapaalala ko dito.
"Oo naman hindi ka naman nagbabago kaya alam na alam ko ang gusto mo. Mauuna na ako." sabi ntio at nawala na ito sa kabilang linya.
Napailing na lang ako, Kahit kelan talaga, hindi nagbabago ang matandang hukluban na ito.
Ano nanaman ang pinaplano nito?
DAHLIA'S POV
"Kahit anong paraan gagawin ko. Kahit ano. Malayo lang ang apo ko sayo."
Iyan ang mga katagang sinabi nito sa akin, ako naman ay kinilabutan. Dahil hindi naman normal na pagbantaan ka. Lalo na at kakilala mo pa ang taong nananakot sa iyo.
"At kung inaakala mong matutuloy ang kasal-kasalan nyo. Mabuti pang itigil nyo na ito. Kesa may masaktan pa. Diba iha?" nakangiti nitong tugon sa akin, napakalamig ng titig nito pero nakangiti ito. Nakakatakot.
"Sorry for that interruption." nagulat akong bahagya ng dumating na si Alden, tinignan ko naman ang lola nito at bumalik na ito sa pagkain ngunit nakagiti lang ito at parang kampante lang.
"Are... Are you ok Dahlia?" nilapit nito ang kanyang upuan sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Your hands are cold. You ok?" tanong ulit sa akin nito. Tinignan ko ito at alangan na ngumiti.
"O... Oo, ok lang ako. Sino yung tumawag?" pagiiba ko ng usapan.
"Ah... That's Krissy. Sabi nito may bago akong project sa Davao. Agad- agad kaya magiimpake na ako mamaya. Bukas agad ang flight ko." sabi nito. Napahinto ako sa pagkain. Aalis nanaman ito?
"So La, since aalis ako, wala ako dito para sa inyo. Baka po gusto nyong bumalik sa hacienda?Baka kinakailangan kayo ni Vicente?" sabi nito pero ako nakayuko lang at iniisip ang pinagsasabi ng lola nito nito.
"Hmmm... Ok lang ako dito iho, kaya ni Vicente ang pagpapatakbo sa hacienda kahit mawala ako ng isang linggo. Nagawa nga niya iyon ng 10 taon. Hayaan mo na lang ako dito. Andidito naman si Dahlia. May makakasama naman ako." napaangat ako ng tingin dahil sa sinagot nito.
"I see... Is that ok with you sweetheart?" baling na tanong ni Alden sa akin. Syempre hindi naman ako pede tumanggi. This is his house and this is his grandmother.
"Su... Sure." ngiti ko pero alam kong pilit. Napatingin ulit ako sa lola nito at nakatingin din sa akin.
"So it's settled." and then sumubo ulit ito ng makakain.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Madaling araw nung nagising ako at nakita kong nakabihis na si Alden.
(Komportable naman ako matulog sa kwarto nito. Sanay na siguro akong may katabing lalake. Madalas kasi magkakatabi kami matulog ng mga kapatid ko noon.)
"Hi sweetheart. Aalis na ako." sabi nito sa akin. Tinignan ko yung relo. 4 am na pala mahigit.
Nasanay na din siguro ako sa kakasweetheart nito. I mean kailangan nga naming magpretend sa lola nya. Diba?
Tinignan ko ito.
"Kailangan mo pa bang umalis?" nagulat ako sa binaggit ko. Inaantok pa ata ako.
Binaba muna nito yung gamit nya at nilapitan ako sa kama nito.
"Oo eh. Trabaho. Anyway babalik naman kami agad pagnatapos agad. Don't worry mabait naman si lola. Sana magkasundo kayo." sabi nito. Yeah right. As if naman.
"Si... Sige." ngumiti na lang ako dito. Tinignan nito ang relo nya.
"I have to go. Bumalik ka na sa pagtulog mo. Wag mo ng isara ang gate at kailangan mo pang magpahinga." sabi nito sa akin. Paulit ulit naman akong tumango. Umayos ulit ako ng higa.
"Bye na sweetheart." yumuko ito. At hinalikan ang noo ko. So sweet sweetheart ❤
Then bago ko ipikit ulit ang mga mata ko. Tuluyan ng sumara ang pinto.
Nagising ulit ako ng before 6 at tininignan ang paligid. Ah nasa kwarto nga pala ako ni Alden.
Naginat muna ako at bumangon na. Nagligpit agad ng higaan at bumaba para magprepare ng breakfast.
Tulog pa ang lola ni Alden kaya payapa akong nakapagluto ng breakfast. Hindi ko alam ang gusto nito kaya light breakfast lang ang prinepare ko. Gumawa na din ako ng tea. Baka gusto nito ng tea compared ng coffee.
Nagtoast ako ng bread and cook some bacons and fish fillet also an egg.
Naghiwa na din ako ng prutas at ilang gulay.
Nang nakahain na ako ay sakto namang narinig ko ang pababang hakbang ng lola nito. Alangan namang ibang tao diba?
"Good Morning po." bati ko dito ng makita ko ito.
"Hmmm... Umalis na ang apo ko?" tanong nito habang tinitignan ang niluto ko.
"Ahmm... Opo kanina pa pong 4 ng umaga." sabi ko.
"Syempre. Alangan namang 4 ng hapon diba?" sabi nito.
"Hehe... Sabagay po." sabi ko na lang.
Calm down Dahlia."Anyway, nagugutom na ako. Where's my chocolate drink?" sabi nito. Huh? Chocolate?
"Ahmm... Wala po kasing ganon dito sa bahay." sabi ko. Tumingin ito sa akin at nakataas na ang kilay."What do you mean wala? Mygosh, hindi kayo umiinom ng chocolate drink?!" malamang wala nga po. Gusto kong sabihin pero sa isip lang yan.
"Fine. Anyway ano ba tong breakfast na to? Wala ba kayong burgers or hotdogs? Hindi ka naman ata mabubusog sa pagkain nato. More importantly I prefer rice over this bread. Ugh..." sabi nito at itinulak bahagya ang palto palayo sa knya.
Nakatingin lang ako dito habang tinitignan nito lahat ng ginawa ko.
"Oh? Ano pang tinatanga tanga mo dyan?! Palitan mo lahat to! Goodness!" sabi nito. Kumilos agad ako at ginawa lahat ng pinaguutos nito.
Wala pang isang oras yan ha na nakakasama ko ang lola nito.
Tatagal pa kaya ako ng isang linggo?
Help Me!
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanficIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...