Chapter 28

2.5K 137 19
                                    

DAHLIA'S POV

Hala! Ano to?! Di naman ako prepared. Di ako naorient na may gantong kaganapan na mangyayari.

"Girl-friend? " nakataas na kilay ng kanyang lola habang pinapasadahan ako ng tingin.
"Yes Lola and it's a GIRLFRIEND. " pageemphasize nito sa pagkakadikit ng friend sa girl.
"Really? " tinginan ako nito at parang hinihingi ang kompirmasyon ko dito.

Napatingin ako kay Sir Alden at nakangiti na lang ito aa akin. Pero alam mo sa mga mata nito na parang sinasabi sa akin na umoo ako.

"Ah... O... Opo. " sabi ko dito ng may alangan na ngiti.
"I see. " sabi nito at naglakad na patungo sa mga nagkakasayahan at ako naman ay hinatak ni Sir Alden paalis.

Pumasok kami sa loob ng bahay at pumunta sa kusina. Medyo malayo sa mga tao.

"Sir Alden, ano pong pinagsasabi nyo doon kanina sa lola nyo? " sabi ko dito, naiinis ako. Hindi dahil sa ginawa nito ngunit hindi naman ako iniporm ng isang iyon na kami na pala.

Joke. Yung totoo nakakainis kasi parang nagmukha akong tanga kay tita Rose, ang katulong ng anak nya, girlprend na. Huwaw.

"I'm Sorry Dahlia, nadamay ka pa." sabi nito sa akin.

"Pakiexplain naman po sa akin kung ano ang nangyayari para naman po hindi ako nagmumukhang tanga." sorry for the term pero iyon ang nararamdaman ko ngayon.

"Tara maupo muna tayo sa labas habang ineentertain nila Mama si Lola." sabi nito at hinawakan na lang nito ang kamay ko at naglakad. Ako naman ay nagpatangay na lang sa kanya.

Umupo kami sa may bench sa may garden. Ang ganda din dahil may fountain sila at may nakita akong mga isda nung napadaan kami.

"So... I'm sorry pero hindi ko naman intensyon na gulatin ka or pagmukhain kang tanga. Nadamay ka pa sa kagagawan ng mommy ko." sabi nito at napabuntong hininga na lang.

"A... Ano po bang nangyayari?" tanong ko dito dahil ako ay naguguluhan pa hanggang ngayon.

"Ganito, my Lola. She wants to have control of everything. Sabi nya "Gusto ko ay may magagandang kapalaran kayo." kayo, means kami na kasama sa family. Since then lahat ng gusto nito ay nasusunod. Pati sa kapalaran ng mga apo nya." sabi nito sa akin.

"She wants me to marry someone, I dont even knew. Unbelievable right?!" paglalabas nito ng hinanakit sa akin.

"Eh sir, baka naman maganda yun at mayaman. O diba bagay kayo!" sabi ko dito pero tinignan lang din ako nito. Totoo naman eh, gwapo na at mayaman pa si Sir Alden at syempre hindi naman pipili ang lola nito na iba ang makatuluyan ng apo nya.

Pero just by thinking someone with him, parang ayaw ko ng marinig. Kasi parang may sumasakit pero hindi ko alam kung saan.

"Aanhin mo Dahlia ang yaman at kagandahan. Kung ni minsan hindi mo naman ito minahal." makahulugang sabi nito sa akin.

Sabagay tama nga naman ito.

"Kaya please Dahlia, just this one. Please pretend to be my girlfriend." sabi nito sa akin.

Syempre ako naman ay hindi ganoon kasama ang ugali at naguiguilty naman ako dahil ang dami na nitong nagawa para sa akin. Chance ko na to para makabawi.

"O... Okay po Sir Alden." sabi ko dito. Biglang nagliwanag ang aura nito at bigla akong niyakap.

"Really?! Thank you Dahlia. But first may kailangan tayong ayusin." sabi nito.
"Ano po iyon?" sabi ko.

"Stop being formal and start calling me again Alden."

TITA ROSE'S POV

Lahat kami ay nagulat ng malaman naming nakauwi na si Mama.

Kaya naghadali agad kaming makauwi galing sa aming pagbabakasyon ni Denise. Alam na namin ang ugali ni mama. Ang gusto nya ang masusunod at ang bawat sabihin nya ay batas.

Walang makakatakas maski sa mga apo nya.

Lalo na kay Alden. Bukod sa ito ang paboritong apo. Naiintindihan ko kung bakit importante si Alden dito.

Pero hindi sa punto na gusto na nyang agawin ang kaligayahan ng anak ko. Bilang isang ina masasaktan at masasaktan ako kung ipipilit mo ang isang bagay sa anak mo at nakikita mong hindi nya ito ginugusto.

Kaya kahit anong mangayri, pipigilan ko si Mama.

ALDEN'S POV

Bumalik agad kami sa loob at baka mag hinala pa si Lola.

Pagpasok namin ay nakaupo na silang lahat at natigil lang ang kanilang paguusap ng dumating kami.

"Iho, maupo na kayo ni Dahlia at ng makapagumpisa na tayo." sabi ni Mama. Hinatid ko naman si Dahlia sa uupuan nito at umupo ako sa katapat nitong upuan.

"Maraming salamat sa pagpunta sa bahay nito at ang pagcecelebrate natin ng Birthday ng aking yumaong asawa." panimula ni Lola.

Ah kaya pala ito umuwi ay Death Anniversary ni Lolo ngayon.

"Tayo na at magdasal at magpasalamat sa habda natin ngayon." lahat kami ay mataimtim na nagdadasal at pagkatapos ay nagumpisang kumain.

Lahat lang ay tuloy ang kwentuhan at sayahan ng bigla akong tinawag ni Lola.

"Iho, tutal malapit na ang iyong kaarawan, nasakto pala ang paguwi ko. May ipapakilala akong anak ng kumare ko. Maganda ito at Cumlaude at magaling din ito sa negosyo. Nakita ko na ito at alam kong bagay na bagay kayo. " sabi ni Lola. Ako naman ay parang biglang nawalan ng gana at natigil ako sa pagkain.

"La, hindi na ho pepede dahil aalis kami ng girlfriend ko sa birthday ko." sabi ko dito. Lahat ng kamag anak namin ay ang tahimik ngayon.

"Naku iho, dapat makita mo na agad ito. Napaka puti at ang tangkad. Bagay talaga kayo." hindi na ako nakapagtimpi at lubusan ng ibinaba ang mga kubyertos na hawak ko.

"Excuse ho. Busog na ho ako." sabi ko na lang at dirediretsong tumayo at umalus paakyat sa dati kong kwarto.

DAHLIA'S POV

Nagulat ako ng tumayo si Sir Alden at umalis matapos sabihin iyon ng lola nya. Ako naman ay hindi mapakali sa upuan dahil iniwan ako dito ni Sir... I mean Alden.

"Iha." tawag sa akin ni Tita Rose.
"Po?" sagot ko.
"Pakisundan mo naman ang anak ko." sabi nito, tumango na lamang ako. Kaya huminto na din ako sa pagkain at nagpaalam sa mga ito.

Hindi ko alam ang pasikot sikot sa lugar at nagtatanong na lang din ako sa mga katulong pag hindi ko alam kung saan pumunta si Alden.

Nasa tapat ako ng kwarto nito at kumatok ako. Pero walang sumasagot. Kumatok ulit ako at wala pa din.

Tinignan ko yung door knob at tinry ko kung bukas. Bukas nga.

Kaya pumasok na lang ako.

Madilim ang kwarto ni wlaang naka bukas ng ilaw. Kaya hibahanap ko kung asan ang switch.

"A... Alden?" sabi ko. Napako ako sa aking pagkapa at pagkakatayo ng maramdaman kong may nakapalupot na braso sa aking bewang at may nakadantay na ulo sa leegan ko.

"Kahit sandali lang Dahlia. Please. Kahit sandali lang."

Sorry kung ngayon lang update! Busy sa pagpreprepare ng handa para sa birthday kahapon at slash napilayan pa hahaha so happy birthday gift!

Much Love! :*

~A

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon