Chapter 2

3.7K 127 2
                                    

DAHLIA'S POV
Dahan - dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nararamdaman ko na din ang pagkulo ng tiyan ko. Pagkamulat ko ng mata, puro puti ang nakikita at pumapadok din ang sinag ng araw sa kurtina. Nagaadjust pa ang mga mata ko ng may pumasok.

"Hi Ma'am, buti po ay nagising na po kayo." sabi ng Nurse?!
"Ah ano... Ano pong ginagawa ko dito? Na... Nasan ako?" nakita ko ding may nakakabit na dextrose sa braso ko.
"Nasa ospital po kayo maam, kahapon pa ho kayo nandito." paliwanag nito habang inaayos ang dextrose ko.
"Ano?! Ganoon na ako katagal dito?!" dali-dali kong inalis ang dextrose na nakakabit sa akin kahit pinipigilan ako ng nurse.
"Ma'am di pa po pwede! Wala pa pong sabi ng doktor! Ma'am!" hindi ko na sya pinakinggan at dali-daling lumabas, syempre kinuha ko muna ang mga gamit ko sa sofa. Wala din akong pambayad sa kwarto na iyon hano. Mukha pa na mang private room iyon. Pero sino naman kaya ang nagdala sa akin dito. Salamat na man sa kanya at hindi nya ako iniwan sa gitna ng kalsada.

Nakita ko ang orasan sa lobby ng hospital. Shit 10:42 na ng umaga?! Sila nanay?!

Kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo para lang makauwi.

Labas pa lang ng bahay namin na barong barong, rinig na rinig mo na ang mga sigawan sa loob ng bahay namin.

"Ano ba naman yan! Wala pa talaga ang anak mo ha? Wala man lang tayong pambili ng pagkain?!" sigaw ng tatay tatayan kong si Mang Jose.
"Jose naman! Eh kung titigilan mo na kaya ang pagiinom inom baka may makain pa ang mga anak mo! Tsaka si Dahlia lang ang nagtratrabaho sa atin hindi ka man lang ba nagaalala na bakit wala pa sya?!" sigaw ni nanay.

Pak!

"Wag mo kong sinasagot na babae ka ha! Iyang anak mo ang pagsabihan mo! Bwisit! " isa pa ulit na malakas na sampal ang narinig ko at lumabas na ito sa bahay. Nagtago ako sa isang halamanan sa gilid ng bahay namin. Tsak makikipaginuman nanaman ito.

Dali dali akong pumasok sa bahay at nakita ko si nanay na nakasalampak sa sahig at umiiyak.

"N... Nay?" tawag ko dito. Bigla naman itong natigilan at pinahid ang luha nito at nakangiting humarap sa akin. At namumula ang mga pisngi.
"Na... Nakauwi ka na pala. Mabuti naman at kagabi pa ako nagaalala sa iyo." sabi nito at tumayo na sa sahig.
"Ok naman po ako. Na... Nagtagal po ako sa pagtitinda ka... Kaya ngayon lang ako nakauwi. Pasencya na nay." sabi ko.
"Ok lang ano ka ba. Pagod ka ba? Gusto.mong magpahinga muna o kumain? May naitabi pa ko sa noodkes na kinain namin kanina." sabi.nito at pumunta sa maliit na kusina namin.
"O... Ok na ako nay. Magpapalit lang akong damit at aalis na din ho ako agad." sabi ko.
"Ah ganun ba? O cge ha. Pero anak wag kang magpapakapagod at baka magkasakit ka ha?" sabi nito.
"Salamat nay. Teka." sabi ko at may hinalungkat sa bag ko.
"Eto po." sabay abot ng sobre kung saan nandoon ang sweldo ko.
"Panggastos nyo po ngayon. Pambili nyo ho agad ng pagkain at magtabi na lang po kayo para sa baon ni Pao at Jim." sabi ko. Niyakap naman ako ni nanay.
"Napakabait mo talaga. Salamat ha?" sabi nito. Tumango namna ako at nagpunta na sa kwarto ko at nagbihis.

Pupuntahan ko yung agency para sa mga katulong titignan ko kung meron nang bakante.

Sa taas ng building na ito hindi mo aakalaing agency ito para sa mga katulong. Pero sikat naman kasi talaga ito pati sa mga artista.

Binati ko ang guard na kakilala ko naman at tumungo sa elevator.

Bawat floor dito ay may functions, may floor para sa orientation, sa paglilinis, sa paglalaba ng ibat-ibang uri ng damit, pagpapkantsa, pagluluto, pagaalaga ng bata, pagpapalit ng mga punda sa higaan at kurtina. Basta marami pa kaya magaganda ang train sa mga katulong dito.

Ting...
Andito ako sa 10th floor. Dito yung may mga offices. Pinuntahan ko si Mam Vince.

"Hi mam vince!" bungad ko dito.
"Oh andyan ka na pala dahlia! Come here!" umupo agad ako sa upuan tapat ng table nya.
"Kamusta ka na dahlia?" tanong nito.
"Mabuti naman po, kaya lang kailangan ko na po ng steady job. Baka po may available na po?" tanong ko.
"Saktong-sakto naman ang dating. May katatawag lang kanina at naghahanap ng katulong para sa bahay ng anak nya. Sya muna ang makakausap mo mamaya tapos by the next day start ka na. But this one is a high profile person." sabi nito. Nagpapasalamat naman ako at may trabaho na ako agad. High Profile, yan ang tawag namin sa mga artista or politicians na kumukuha ng service namin.
"Ok lang po maam. Hihintayin ko na lang po, magtratraining muna po ako sa baba." sabi ko.
"Ok, anyway here's the file of your next boss. Read it in advance so you know what your next boss will be." sabay abot nito sa akin.

Tumango namna ako at lumabas na sa office nito.
Umupo muna ako sandali sa lobby sa gilid ng floor na ito at nagbasa ng onti.

"Wow, artista pala ito sa gma at nasa eat bulaga. Bata pa at ang yaman na hmmm... Alden Richards."

Sino naman ito? Bago lang ba to?

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon