Chapter 14

2.7K 138 9
                                    

DAHLIA'S POV

Kinaumagahan eh bumaba ako para magluto ng almusal. Tulog pa sina nanay at mga kapatid ko, baka pati si Sir Alden kasi pagod yun kagabi.

Nagtungo ako sa kusina namin para maghanap ng makakain. Naghalungkat ako sa mga kabinet at nakakita ako ng sardinas. Well, no choice ito na lang.

Iginisa ko na ito at kasabay noon ay nagpriprito din ako ng hotdog at itlog. Saan ba masarap ang hotdog at itlog? Sa pandesal o sa sinangag?

"Good Morning! "
"Ay hotdog, itlog! Sir! " sabi ko habang sapo sapo ko ang dibdib ko sa kaba.
"Sorry naabala ba kita? " tanong nito. Eto pala itsura nito pag bagong gising, ang gwapo pa din. Samantalang ako eh naghilamos at suklay na, wala pa din.
"Hindi naman po. Gusto nyo po bang kape? Tubig? Juice o Gatas? " tanong ko habang hinahanap ang mga inaalok ko dito.
"Ako na, nagluluto ka pa dyan eh. Magkakape na lang ako. Saan ba ang mga lalagyan nyo? " tanong nito at lumapit sa akin.
"Ummm... Dyan sa may kabinet sa kaliwa sa baba. " turo ko dito at nakakuha naman ito. Inabot ko dito ang kapeng 3 in 1. Tinanggap naman nito at nagtimpla na ng kape nya. Syempre kailangan ng mainit na tubig hano?

"Sorry sa abala ha? Pagod na pagod lang kasi talaga ako. " sabi nito ng nakaupo na sa mesa.

Kumuha na ako ng mga plato at isinalin ko na yung mga ulam. Para sure magsasangag pa ako ako at bibili ng pandesal sa labas.

"Sir ano po gusto nyo? Sinangag or Pandesal?" tanong ko dito.
"Kahit ano na lang, hindi naman ako mapili. " sabi nito. Tumango na lang ako at hinanda ang pangsangag.

Nilagyan ko ng konting mantika yung kawali at naggisa ng bawang. Habang naghahalo ako nito, napatingin ako sa relo namin sa dingding. Alas sais na. Kailangan kong bumili ng pandesal dahil bagong labas lang yun ngayon.

"Sir? Pedeng paki bantayan po muna ito? " nag aalangang tanong ko dito. Boss ko sya pero inuutusan ko di ba?

"Bakit? " tanong nito sa akin.
"Kasi sir kailangan kong pumunta sa bakery sa labas. Masarap pag bagong labas ang pandesal nila kaya kailangan ko ng bumili. Mabilis pa naman maubos yun. " sabi ko dito habang kumuha ko ng pera sa wallet ko.

"Fine, sige na at baka maubusan ka pa. " sabi nito sabay tawa ng bahagya kaya iniwan ko na yung kalan at lumabas na ng bahay namin.

Paglabas ng bahay nakita kong may nagtitinginan sa sasakyan ni Sir Alden. Syempre bihira lang ang may magagarang sasakyan dio sa lugar namin.

Pero kailangan ko na talagang bumili ng tinapay.

ALDEN'S POV

Nang maiwan ako sa kusina, nilapitan ko agad yung niluluto ni Dub. Baka masunog pa sayang naman.

Hinalo ko lang ng hinalo ito. Bihira lang ako kumain ng kanin kasi kailangang imaintain ang figure. Arte no? Pero di pende naman kung macocontrol mo yung sarili mo.

Dinagdagan ko na din ng konting salt and pepper para may lasa ng konti. Then inilagay ko na sa isang mangkok.

"Oh iho, bat ikaw ang guamagawa nyan? Asan si Dub? " nakita kong bumababa ang nanay ni Dahlia.
"Ah, bumili po ng pandesal sa may Bakery. " sabi ko dito.
"Ah ganon ba? Nako pasencya na sa abala, ikaw ang bisita dapat hindi ka gumagawa ng kahit ano." sabi nito.
"Wala po iyon, sila Jim at Pao po? " tanong ko.
"Hayun tulog pa, mamaya pa yung mga iyon kaya mauna na tayo. " tumango naman ako at saktong pumasok si Dahlia na may bitbit na supot.

"Ikaw bata ka bakit pinagluluto mo si Alden ha? " nakita kong kinurot naman ng nanay nya sa tagiliran si Dahlia. Pero halatang hindi naman ito galit, parang niloloko lang ang anak.
"Nay! Mauubusan ako! Alam mo namang masarap ang tinapay nila eh! " sabi nito sa nanay.
"Ku, joke lang oo na. Hala magsikain na tayo.

Hindi ko mapigilang mapangiti, ngayon ko lang nakikilala ang isang side ni Dahlia. Lagi na lang kasi ito nakayuko pagkinakausap ko. Pero sabagay marahil ito sa inugali ko sa kanya noong napagsabihan ko sya.

What a cute side.

DAHLIA'S POV

Nang makakain ay tsaka pa lang nagising ang mga kapatid ko.

"Kuya! Laro tayo! " sabi ni Pao kay Alden.
"Oo nga kuya! " sabi naman ni Jim.
"Psstt... Mag si tigil kayo ha? Aalis na si Sir Alden kailangan na nyang umuwi. " sabi ko sa mga ito. Nalungkot naman ang mga kapatid ko pero wala akong magagawa, kailangang makauwi na ito.

"No it's ok. Day off ko ngayon, so pede pa akong magstay. Kung syempre okay lang sa inyo. " sabi naman ni Alden sa amin ni nanay.

"Ay hin... " Pinutol ako sa pagsasalita ng nanay ko.
"Aba'y syempre naman! Bihira lang ang gwapo sa lugar na to. Susulitin ko na nakikita ang face mo. " ako na mismo ang nahihiya sa sinasabi ng nanay ko.
"Thank you po. " naka smile at labas pang dimples na sabi nito.
"Cge iho. Nga pala Dahlia, mamalengke muna ako ha? Baka kulangin tayo ng pagkain hanggang mamayang gabi. " sabi ni nanay.
"Meron pa po ba kayong pera? May tabi pa po ako sa akin. " sabi ko dito. Pero umiling lang ito.
"Hindi na, tsaka konti lang naman din ang bibilhin ko. " sabi ni nanay.

Kinuha ko sa gilid ng pintuan ang bayong na madalas gamitin ni nanay papuntang palengke.

"Gusto nyo po hatid ko na kayo sa palengke? " alok ni Alden kay nanay.
"Nako wag na, mapuputikan pa yung sasakyan mo. Malapit lang din naman yung palengke. Kayang kaya ng lakadin. " sabi nito.
"Sigurado po kayo ha? Magiingat po kayo. " sabi nito.
"Salamat iho, cge at mauuna na ako at baka wala na ng sariwa akong madatnan doon. " sabi ni Nanay at tuluyan ng lumabas ng bahay.

Habang nagwawalis ako sa may sala eh naglalaro naman sila Sir Alden ng mga nilalabas na laruan nung dalawa. Nakakatawang isipin ang isang biantang tulad ni Alden, eh mapaglalaro mo ng mga toy soldier at mga tanke. Imagine with sound effects pa yung paglalaban nila.

Pero napansin kong kamot ito ng kamot sa braso at binti. Tumutulo na din ang pawis nito. Wala naman kasing aircon. Electric Fan lang na maliit.

Umakyat ako sa kwarto at kumuha ng mga bimpo nilang tatlo, kumuha na din akong alcohol.

Pagbaba ko, iniabot ko ang dalawang bimpo sa mga kapatid ko at yung isa naman kay Sir Alden.

"Eto po, magpunas po kayo. Eto naman para sa mga kagat ng lamok." tinanggap naman nito ang bimpo at ang alcohol.

Napansin kong hindi naman nag pupunas ng pawis yung dalawa kaya ako na ang nagpunas nito para sa kanila. Isinapin ko din ang mga bimpo sa likodan nila.

Nakita ko namang tinititigan lang kami ni Sir Alden habang ginagawa ko ito.

Pagkatapos ko ay babalik na dapat ako sa paglilinis ng bahay.

"Pedeng ako naman? "

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon