Chapter 26

2.5K 128 12
                                    

DAHLIA'S POV

Nasa mga huling araw na kami ng bakasyon... Ay este ng shooting ni Sir Alden. Marami na din kaming napuntahan dito. Pagka free time na kasi nito ay inililibot nya kami dito. Feeling ko nga din ay tumaba na kami ni Baste dahil lagi kaming kumakain.

Minsan sumasama si Louise dito. Kaya ang epek silang dalawa ang nagsasama at inililibang ko na lang si Baste dahil ang mismong sabi nito ' Inaagaw' daw ni Louise ang tito nya. Pero mapapansin mo naman na hindi komportable sa kanya si Sir Alden at paalagi nitong iniiwasan.

Nakabili na din ako ng souvenir pala kila nanay at sa mga kapatid ko. Pagkain na lang ang binili ko dahil mas mapapakinabangan pa namin iyon at pera ko na ang ginamit pambayad kahit nagiinsist pa si Sir Alden na sya ang magbayad.

Mamayang gabi na daw kami uuwi, papaunahin lang yung iba pang staffs at crews na nakasama dito.

Since last shooting na nila dito. Puspusan ang practice kaya baka mamaya pa si Sir Alden.

"Sige na please! Baba tayo at swim. Uwi na tayo mamaya eh. " sabi ni Baste na nagtatantrums. Pinagbawalan kasi kami ni Sir Alden na lumabas na kasi wala daw kaming kasama at baka kung ano pa daw ang mangyari sa amin.

Nakahiligan kasi ni Baste na mag swim sa beach pagka andyan si Sir Alden dahil doon nya kami madalas isama. Kaya ngayong wala ito ay ako naman ang kinukulit.

"Hindi pwepwede, magagalit si Tito Alden mo. " pagpapaliwanag ko dito.
"Eh... Kahit andali lang! " sabi naman nito. Pero umiling na lang ako.

Nagulat ako ng pumalahaw na ito ng iyak. Pero wala akong magagawa, boss ko si Sir Alden at siya pa din ang masusunod sa aming dalawa.

Napailing na lang ako at nagtungo sa kusina, magtatanghali na at kailangan na naming maglunch, puno lagi ang stock ng kwarto na to. Kaya kung hindi mo feel mag lunch sa restaurants, pede ka magluto.

Nung naihanda ko na yung mga gamit ko sa lulutuin, pinuntahan ko na si Baste na ngayon ay hindi na umiiyak pero ay humihikbi naman.

Lumuhod ako para maging magkapantay kami.

"Sorry na. Hindi kasi talaga pede, wag ka na magcry. Iiyak din si tita oh. " nagkunwari akong paiyak na pero bigla na lang nito hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Sniff... Hindi na cry, pero gutom na ako tita. " sabi ni Baste, napasmile na din ako at tumayo.

"Tara, samahan mo si Tita magluto ok ba? " sabi ko dito.
"Ok po, tapos gawa din tayo cake! " sabi ni Baste. Napatawa na lang ako dahil ang cute talaga nito.
"Ok ba, pero mamayang gabi na ha? Para naman may dessert tayo mamaya, ice cream na lang ngayong lunch. " sabi ko dito at nagsmile naman ito sa akin.

Iniupo ko ito sa isang upuan at tumayo sya dito at inalalayan ko naman.

"Dahan dahan lang ha? " sabi ko at inilapit ko dito yung gulay.
"Nakikita mo tong sanga na ito? Puputulin mo lang ito nfmg parang ganto. " sabi ko at inihiwalay ko yung isang sanga ng sa kangkong at inilagay ko sa isang mangkok.

"Yan, tapos mamaya iwawash natin ito. Ok? " tumango naman ito. Nagumpisa na agad ako ng pagpapakulo ng karne at naghiwa ng mga gagamitin. Habang paulit ulit na tinitignan si Baste na seryoso sa pagpuputol.

Hanggang makatapos ito ay tila nagwork out dahil butil butil ang pawis. Kumuha muna ako ng bimpo at pinunasan ang pawis nito.

"Kapagod. Whoo! " sabi nito.
"Napagod ka na non? " sabi ko at ibinaba na ito sa upuan.
"Luto na tayo! " sabi ni Baste at magkahawak kamay kaming lumapit sa kalan. Iniayos ko yung upuan na pede nya pagtungtungan at pinatayo na sya doon.

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon