Chapter 11

2.8K 111 1
                                    

DAHLIA'S POV

Nakila nanay na ako. Dinischarge ako nung gabi na dahil ok na daw yung kalagayan ko. Bed rest at yung mga gamot na lang daw na inireseta sa akin.

Hindi ko nadin nakita si Sir Alden kaninang kumuha ko ng gamit sa bahay nya. Umalis agad iyon? Sabagay busy nga pala syang tao.

Knock... Knock...

Nakita kong pumasok si nanay na may bitbit na pagkain.

"Nak kain ka na para makainom ka na ng gamot at makapagpahinga ka na." sabi nito at nilapg yung pagkain sa may higaan ko.
"Cge po nay. Kayo po nila Jim kumain na?" tanong ko dito.
"Oo, kumakain na sila doon sa labas." sabi nito. Napansin ko naman na kinakamot nito ang palad nya.
"Nay?" tawag ko dito.
"A... Ano?"
"Ano po yung sasabihin nyo?" sabi ko dito. Para naman itong nagulat.
" Ah... Kase anak tutal naman maghapon sa paaralan nila si Pao at Jim at andito ka naman sa bahay. Matagal ko na din itong naisip eh. Kaya naghanap na din ako at buti may nakita ko. Magtratrabaho ako para sa pamilya natin." sabi ni nanay sa akin.
"Nay, hindi pa po ba kasya ang kinikita ko? I mean malaki naman ang sahod ko, di na nyo siguro kailangang magtrabaho pa. Dito na lang kayo sa bahay." sabi ko dito. Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Hindi naman kasi sa ganon, doon sa dati nating bahay tumatanggap ako ng labada para may pera si Jose. Kaya ngayong wala akong magawa para kong magkakasakit." sabi nito.
"Nay ok na ako lang ang magtrabaho, matanda na po kayo." sabi ko. Bigla namang nangunot ang noo nito.
"Aba, aba. Etong batang to sino matanda? Nakakasakit ka ng feelings ha? Walang matanda sa bahay nito!" sabi nito. Indenial pa ang lola mo.

Napatawa naman ako doon. Lahat ng bagay para kay nanay ay ginagawa nyang masaya kasi sabi sa akin nya noon. Walang mapapala pagka dinibdib mo ang problema, may likod naman daw. Hahaha hindi joke lang, basta ganoon ang thought.

Wala na akong choice mukhang gusto talaga ni nanay mag trabaho.

"Cge po nay" sabi ko lumiwanag naman ang mukha nito at niyakap ako.
"Salamat anak! Sakto naman sa sched ako ni Pao at Jim kaya kung masusundo ko sila, susunduin ko pero alam na naman kung paano umuwi kaya wala namang problema kung gagabihin ako." sabi nito.
"Cge po. Basta po text nyo po ako kung kamusta yung pinapasukan nyo? Ano po ba yung nakuha nyong trabaho?" tanaong ko dito.
"Naalala mo yung nakita nating bagong tayong market dun sa may bungad? Doon ako kahera." sabi nito. Tumango tango na lang ako. Tumayo na ito at nagpaalam sa akin.
"Babalikan ko muna yung mga kapatid mo doon ha? Salamat talaga anak. Atkeast may pagkukuhaan na tayo ng pera kung saka sakali. Itatabi ko lahat ng pera ko as savings ng pamilya natin." sabi nito. Hinalikan ako ni nanay sa ulo at nagpaalam at umalis sa aking kwarto.

May punto naman si nanay, para sakali may gagamitin sila pag wala akong sweldo muna.

Nga pala hano ngayong sususnod na dalawang linggo eh wala si sir, so hindi ako makakapagtrabaho? Ibig sabihin wala naman akong sasahurin? Hala! Kahit may trabaho si nanay. Kakaumpisa nya lang kaya wala pa ang magiging sweldo nito.

Kakasya lang din ang ibinigay ni sir na pera para ngayong linggo. Nagbayad kasi sila nanay ng upa para sa tatlong buwan at namili ng ilang gamit na kulang sa bahay at school supplies nung dalawa.

In short, kukulangin ang pera.

Solution? Kailangan kong mag trabaho, part time ba. Tumayo ako at naghalungkat sa bag ko. Alam ko nadala ko yung notebook na yon kung saan naglalaman ng lahat ng pinasukan kong trabaho, hinihingi ko kasi number ng bawat pagtratrabahuhan ko para kung sakaling may bakante maipapasok nila ako agad.

Wala sa bag... Baka asa box... Hayun!

Kinuha ko ito at iika ikang bumalik sa higaan ko. Nakita ko din yung dating sim na ginagamit ko. Wala akong cellphone noon ha? Nakikiinsert na lang ako ng sim sa mga kasamahan ko noon sa kahit ano kong trabaho kaya hindi ko na kailangan pa nang phone noon. Pero iba na ngayon. Eto na lang ang gagamitin kong sim kesa dati para andito na lahat ng contacts ko.

Hmmm... Hindi pede sa palengke, di pa peak season ngayon. Ganun din sa divisoria. Hindi ako pede sa factory, hindi ako pedeng magbuhat ng mabibigat...

Aha!

Eto baka pede to ngayon. Kinuha ko yung phone kong 3210 at dinial yung number?

Ring... Ring... Ring...

"Hello? Quando's Funeral Service?" sabi nung sa kabilang linya. " Sir Smith. Si Dub po ito!" sabi ko.
"Oh iha napatawag ka? Pakibilian ha? Marami kasing trabaho ngayon" sabi nito.
"Naku pasencya na po kayo. Pero may itatanong lang ho sana ako." sabi ko dito.
"Oh ano yun?"
"May bakante po ba kayo? Pang dalawang lingguhan lang po?" tanong ko dito... San meron... Sana meron...
"Ay tamang tama iha! Meron!" natuwa naman ako sa sinaad nito.
"Talaga po? Ano pong trabaho?" tanong ko dito.
"Kasi aalis yung taga ayos ng patay dito. Babalik sa probinsya nila. Baka ikaw pepede, mukhang maayos ka naman mag ayos ng itsura." sabi nito.

Magmakeup sa patay? Di ko pa nasususbukan iyon ah? Tagawalis at reception lang ako dito dati.

"Naku ok na po! Katulad po ba ng dati yung sched ko?" tanong ko dito.
"Oo naman pang umaga ka hanggang 3 ng hapon" sabi nito. Tamang tama wala pa siguro noon si nanay, 5 ang uwian nila Pao at Jim.
"Cge po! Bukas na po ako maguumpisa ha?" sabi ko.
"Mabuti! Madaming pupubta ata dito bukas, maraming bumili ng kabaong eh." sabi nito.
"Naku ayos lang po iyon! Pupunta po ako ng maaga dyan bukas! Maraming Salamat po!" sabi ko. Nagpaalam din ito at ibinababa ang telepono.

Ayos! Habang wala pa yung isa kong amo, magtratrabaho muna ko. Sayang yung kikitain ko.

Kinain ko na yung hapunan ko, inayos ang gamit ko galing sa bag at natulog din.

Kinabukasan nagkunyari pa akong tulog ng umalis si nanay, dali dali akong naligo at nagbihis, kahit paika ika. Pinilit ko ding ipasok sa pants yung bendang nakabalot sa binti ko.

Paglabas ko sa kwarto, may almusal na sa mesa. Magbabaon na lang ako ng pagkain para tipid.

"Ate saan ka pupunta?" nagulat ako at nahulog ko yung pandesal sa ilalalim ng mesa. Paglingon ko ay yung mga kapatid ko. Di ba may pasok sila kasabay ni nanay.

Pinulot ko yung nahulog na pabdesal at hinarap silang dalawa.

"Di ba may klase kayo?" tanong ko sa mga ito.
"Meron po, kaya lang mayamaya pa pong makapananghali." sabi ni Pao.
"Eh ikaw ate saan ka pupunta? Di ba dapat nagpapahinga ka? Yun bilin ni nanay sa amin." sabi naman ni Jim

Naku loyal itong dalawang ito kay nanay. Isusumbong ako ng dalawang to pag nalamn nilang magtratrabaho ako.

"Ah... Ako? Mag mamakeup sa parlor?"

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon