ALDEN'S POV
Napailing na lang ako ng paglabas namin kagabi sa restaurant ay napaka daming paparazzi ang nagkukumpulan at kung ano ano ang tinatanong.
'Sir Alden, siya ba ang bagong girlfriend mo ngayon?'
'Ano ang pangalan niyang kasama mo?'
'Gaano na kayo katagal!''May nagsasabing iyan ang fiance mo totoo ba?'
'Ano masasabi mo sa mga bashers mo ngayon?!'
Kung ano ano pa. Buti na lang ay yung mga guards sa restaurant ay tinulungan kaming makadaan.
Sumasakit lang ang ulo ko ngayon dahil dito.
Hindi ko na din na tanong kay Sophia yung tinutukoy ni Krissy na sinasabi nitong fiance ko ito.
Nagcatch up kami ni Phia kaya nakalimutan ko na lang.
"Alden!" nawala ako sa aking pagiisip at bumalik ang attention ko kay Krissy. Oo nga pala pinagsasabihan ako nito.
"Sorry." sabi ko tanging pagbuntong hininga na lang ang nagawa nito.
"As I was saying. Nakapagformulate na ako ng plano just incase mas lumala pa ang issues. Lalo na at nakita kayo kagabi. Sabi sa kain ng isa kong kaibigan sa showbiz, may nag tip sa kanila na nandodoon nga kayo at kumakain. Idinagdag pa nga daw nung nagsabi na yun na fiance slash girlfriend mo yung kasama mo kagabi." pagpapalam nito sa akin.
"But seriously, walang namamagitan sa amin ni Phia. Si Dahlia ang fiance ko at iyan ang sinabi ko sayo." sabi ko na lang dito.
"Linawin mo yan Alden dahil mas malala kuing dalawa pala ang fiance mo ngayon. Pero mas papabor naman ako kay Sophia kung sakali." napakunot naman ako sa sinabi nito.
"Right. Maglalabas ako ng statement about dyan kaya siguraduhin mo ha kung ano ang totoo. Ayokong mawalan ng trabaho." sabi nito at saka umalis.
Mukhang yun lang naman ang gagawin ko dito ngayong araw kaya naisipan kong umuwi muna.
Sa labas pa lang ng subdivision may nakita na akong mga paparazzi na mukhang nagaabang. Kaya naman ng mamataan nila ang sasakyan ko ay nagkumpulan siula sa gilid at ganoon pa din ang mga katanungan sa akin. Buti na lang pinaalis sila nung guard dito sa subdivision.
Pagpasok sa bahay ay binuksan ko agad ang TV at nilagay sa news.
'Sino itong hot papa ngayon na nababalita daw na may kasintahan na at handa ng makaisang
dibdib? Paano kaya nila natago ang relasyon nila sa madla?'
At pinatay ko na lang ang TV, wala na talagang privacy ang mga artista. Teka... kung kagabi pa ito, ibig sabihin nakita na kayo to ni Dahlia? Patay.
DAHLIA'S POV
"Anak?" napatingin ako sa tawag ni Nanay.
"Bakit po nay?" sbai ko dito.
"Ah kasi, kanina ka pa tulala dyan eh, may problema ba?" sabi nito at tinabihan ako sa upuan.
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...