DAHLIA'S POV
Dalawang linggo na ako dito sa bahay ni Alden. Nakasanayan ko na rin ang pagtawag sa kanya nito sa kanyang unang pangalan.
At ang nakakahiyang paggamit ng mga bagay bagay na iba sa lugar namin at pagpapaturo sa kanya. Buti nga ay maikli ang pasencya nito.Tulad ng kalan, na pipindotin lang din sa screen ng kalan mismo. Washing Machine, na ilalagay mo lang sa loob nito tapos maglalagay ka lang nang tubig at sabon tapos tsanan ayuna itatatimeman mo lang. May dryer pa. Yung plantsa yung isa pang iyon, aba may pipindutin ka lang na button tapos naka hang yung damit at may lalabas na init doon hanggang kabilang damit. Ayun maayos na.
Napaka techy nung bahay na ito at kahit sanay ako sa basics na itinuro sa amin. Iba pa rin yung sa bahay nya. May mas hihigh tech pa pala sa mga gamit sa facility. Galing pala ang mga ito sa ibang bansa pa. Sanay naman ako sa vacuum at sa ibang common na kagamitan dahil yun ang madalas naming gamitin habang nagtratraining.
Sabado ngayon kaya hindi ko na gigisingin si Alden, late na din ito umuwi kagabi.
Nagluto na ako ng agahan nya para mamaya iinit ko na lang. Naglinis na din ako ng buong bahay lalong lalo na sa sala at hagdanan, kasi kagabi inihagis na lang ni Alden ang mga gamit nya sa living room at yung mga damit nya naman sa hagdanan. Pano pa kayo ang kwarto nito mamaya?
Namimiss ko na din si Nanay. Tuwing wala akong ginagawa eh tinetext ko sya, kinakamusta ko sya lalong lalo na yung mga kapatid ko. Wala pa man din akong napapadalang pera baka mamaya sinasaktan nanaman sila ni Mang Jose.
"DUB!" mahabi kasi ang Dahlia tsaka di ako sanay, si nanay lang pede tumawag sa akin nyan.
Dali- dali akong umakyat at tumingin sa relo ng hallway. Mag nanine pa lang ah? Gising agad ito?Tok... Tok... Tok...
Pagpasok na pagpasok ko pa lang, nakahandusay sa sahig ang pantalon, boxer at tshirt nito, yung sapatos naman nya nasa isang sulok, nawawala ang kapareha. Hahanapin ko na lang mamaya.
Dumiretso ako sa may dressing room nito.
Nakakapagtaka lang. Bakit ito nakatungtong sa cabinet?
"A... Ano pong ginagawa nyo dyan?" hindi mo mapaliwanag ang mukha nito, parang takot na ewan.
"Ma... May... I... Ipis!" ano?! Hahahaha.
Hindi ko na napigilang tumawa, pero syempre tinigil ko agad, sama na ng tingin sa akin eh hahaha.
"Ehem... Asan ba? Ipis lang eh" sabi ko at tinuro naman nya ang isang damit malapit sa basurahan. May kung anong nakaumbok doon at gumagawalaw.
Kinuha ko ang isa kong tsinelas at dahan dahang lumapit dito.
"O... Oi wag mong papakawalan yan! Pagka yan nagbeastmode lilipad yan!" sabi nito. Ipis?! Beastmode?! Sa loob lpob ko kanina pa ko dapat tatawa pero seryoso ang mukha ni Alden, tignan mo kalalaking tao, ipis lang pala katapat.
Nang iangat ko yung damit ay mabilis na naglakad paalis ang ipis, pero syempre mas mabilis ang lola nyo aba ayun! Nakahandusap na!
"Ok na Alden, pede ka ng bumaba dyan." sabi ko at pinulot ang ipis.
"Ba... Bakit mo hawak hawak yan?!" pandidiring sabi nito.
"Aba syempre itatapon. Ano ba sa tingin mo?" sabi ko at lumaput sa basurahan at itinapon ang wala ng buhay na ipis.Mukhang nahimasmasan naman si Alden.
"Ok na? Pede na po ba akong maglinis ng kwarto nyo? Baka mamaya pina mamahayan na pala itong kwarto mo ng mga ipis." sabi ko, mukha naman itong natigilan.
"Maglinis ka na! Siguraduhin mong walang ipis sa buong bahay ha!" sabi nito bago tuluyang pumasok sa banyo.
Kaya habang naliligo si amo eh nilinis ko na ang kwarto nito, pinulot lahat na nakaharang na damit sa sahig, nagligpit ng pinaghigaan, nagpunas ng mga ibabaw at nagwalis. Sakto namang pagkatapos ko ay narinig kong lumabas ng banyo. Kaya lumabas na din ako ng kwarto nya since tapos na ako sa paglilinis.
"Dub, may mga groceries pa ba tayo?" sabi nito pagkababa sa hagdanan at tumungo sa kusina.
"Meron pa naman po, kaya lang kulang kulang na." sabi ko.
"Ok, magbihis ka at mag grogrocery tayo." sabi nito. Tumango naman ako at naghadali papunta sa kwarto ko. Aba ngayon na lang ulit ako makakalabas ng bahay.Nasa Robinson's Supermarket kami ngayon malapit lang to sa subdivision nila Alden.
"Get a cart." utos nito at tinuro ang isang part sa may entrance na may mga cart.Pagpasok pa lang sumalubong agad sa akin ang lamig at ang amoy na sariwang mga pagkain. Hindi naman sa ngayon lang ako nakapasok sa isang supermarket ha. Kasi hanggang palengke lang kami, mura na ang mga bilihin, makakatawad ka pa.
Ako lang si taga tulak at si Allden na ang mga kumukuha ng mga pagkain sa bahay. Taga suhestyon lang ako.
"Alin sa tingin mo mas masarap?" tanong nito sa akin habang hawak hawak ang dalawang lata ng sardinas.
"Yung pula, mas malasa yan." sagot ko. Hindi talaga ako magaling pumili, yung mga nakakain ko lang na masasarap dati ang ibinibigay kong suhestyon sa kanya tapos pag may hindi pa ako nakakain sa dalawa kung saan ako nagagandahang package.Tuloy pa rin ito sa pamimili kaya't halos mapuno na ang cart na tinutulak ko. Pero go pa rin ito.
"Sa tingin mo okay na to?" tanong nya.
Ano sa tingin mo? Pero syempre di ko sinasabi iyan.
"Ok na po siguro ito. Dalawa lang naman po tayo sa bahay nyo." sabi ko.
"Sabagay." sabi naman nito at sya na ang nagtulak papuntang cashier. Hindi na din ito nagdisguise, strict ang mga guards dito kaya may ilang nakasunod sa amin at pinagbabawalan kung lalapit man kay Alden."Good Morning Sir Alden." bati sa kanya ng cashier nginitian lang ito. Habang hinihintay ang pagtapos sa cashier nagaabang lang ako sa gilid dahil bibitbitin ko pa yung iba sa pinamili ni Alden.
"Wag mo ng dalhin yan." sabi nito at pinigilan ako sa pagbubuhat ng mga bags.
"Po?" sabi ko.
Tapos ay may tatlong lalaking nagbuhat ng pinamili nito. Kaya't sinundan ko.na lang sila hanggang makarating sa sasakyan at sila na din ang naglagay. Nagpasalamat ako sa mga ito at sumakay na sa sasakyan."Dub?" tanong nito. Habang bumabyahe kami.
"Po?"
"Nagugutom ka an ba?" tanong nito.
"Hindi pa naman po bakit po?"
"Samahan mo muna ako sa mcdonalds ha?" sabi nito. Tumango na lang ako at ng may makita kaming mcdonalds ay nagpark ito sa labas.Katulad ng sa supermarket strict din ang mga bantay kaya walang nakakalapit sa amin. Sya na din ang umorder at inintay ko an lang din ito dahil sasamahan ko na lang naman ito kumain, sa totoo lang gutom na ako kaya sa bahay na lang ako kakain ng cup noodles.
Pagbalik nito ay may kasama pa itong isang crew na may bitbit na tray din.
"Thanks." sabi nito dun sa crew at nagpaalam na ito sa amin. Tinititigan ko lang ang mga binili nya. Seryoso? Mauubos nya ba lahat ito? Andami nyang binili.
"Here." sabi nito at ibinigay sa akin ang isang buong tray na naglalaman ng mga pagkain na katulad ng sa kanya. Burger, Large Fries, Chocolate Sundae, One piece chicken at Large Coke.
"Thank you po." sabi ko. Bihira lang din ako makakain dito, hindi ko kasi afford, pang karinderya lang ang beauty ko.Kinuha ko muna yung fries at dahan dahang sinawsaw ito sa chocolate sundae, inilapit sa aking bibig at lasang lasa ang naghahalong alat at tamis. Pagdilat ko nakatingin na sa akin si Alden.
"Ikaw din pala?"
![](https://img.wattpad.com/cover/47201423-288-k791532.jpg)
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanficIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...