Chapter 16

2.6K 133 10
                                    

ALDEN'S POV

"Hindi ko alam sayo, dati ayaw mo ng may ibang tao sa bahay mo. Even me, pero ngayon ang tagal na sayo nung katulong mo. " sabi ng manager ko.

Kangina pa nito binabatikos ang katulong ko.

"I can't see any problem with that? People change and so do I. " sabi ko habang inereretouch ang makeup ko.
"Kung naghahanap ka na lang din ng katulong dapat sa akin ka na nagpahanap. Yung mapagkakatiwalaan ko man lang. " sabi nito.

"And she looks like those who will just rob your house. Tignan mo ang dami ng nangyayari sa iyo. Dumating lang yung babaeng yun!" dagdag naman nito.

And that's it I snap.

Kanina pa masakit ang ulo ko and dumadagdag pa ito sa kaka bunganga nito sa akin.

"Alam mo, my mother chose her and find her for me to help me and she's capable with it. Kung may problema ka sa choice of my mom then she also has a problem with you. Matagal ka ng pinapapalitan ng mom ko sa akin. But then I defended you. Wag mong hayaang pagsisihan ko ang ginawa ko. " sabi ko dito. That did the work. Nanahimik ito pero halatang may gusto pang sabihin.

Matagal ko na din naiisip na palitan ito, since matatapos na ang contract ko dito. Siguro pag nagrenew na lang ako ng contract tsaka ako magpapalit ng manager.

After a few hours.

Natapos na din kami at nakapagpalit na kami ng damit.

Habang pabalik na kami sa dressing room kung nasaan si Dub. Napadaan pa kami sa isa pang photoshoot sa kabilamg room kung san ako kinukuhaan.

Napansin kong andaming tao sa loob at mukhang may pinagkakaguluhan.

"Alden tara na! Kailangan na nating umalis." sabi ng manager ko pero hindi ko ito sinunod. Dahil parang may kung anong humihila sa akin papunta doon. Sinundan na lang ako nung manager ko.

'Wow, magaling naman ung bagong yan? talbog pa yung ibang kasamahan nya.' sabi nung isang staff na nanunuod sa shoot.

'Oo nga eh, siguro maganda ang school na pinasukan nyan, para maging ganyan sya kagaling' sabi nung isa.

'Baka nga, pinasok din sya ni Asst. Director. Baka magaling talaga.' dagdag pa nung isa.

May bagong model? Usually pag may ganyan napaguusapan thru meeting at iniintroduce sa amin pero parang wala namang naipakilala noon? At dahil mas nacurious ako nilapitan ko pa ito lalo.

'Good! That's right! A little bit to the left! Perfect! ' rinig kong sabi nung photographer.
'Change! Matatapos na ang shoot! ' sabi ulit nung photographer. Hindi ko na nakita yung model kasi umalis agad para magpalit ng damit.

"Oh Alden?! Nabisita ka? " ah si Mama Fritz pala yung photographer. Nialpitan ko ito at niyakap.
"Napadaan lang po. May bagong model? Parang hindi naman nasabi nung meeting? " sabi ko dito.
"Yes, she just came today. Nung day naman na ipapakilala sya sa inyo, well she got sick at ikaw nasa ibang bansa ka nung inorient ko yung ibang models. " sabi nito.
"I see. Anyway kamusta yung model na nakuha mo? Pasado ba? " pihikan kasi ang model na kinukuhaan ni Mama Fritz and to top all of that madaming sikat na brands ang sa kanya lang nagpapakuha ng litrato cause she 's good.
"Uhmm... Yeah, sa umpisa nangangapa ngapa sya. Muntik ko pa ngang paalisin but then nakakapagadjust sya sa mga iniuutos ko and actually she's quite natural into this." sabi nito at naglingalinga.
May lumapit sa aming isang staff.

"Sir, nawawala po yung partner nung model natin. " sabi nito.
"What?! Kanina andyan lang yun ah? Hanapin nyo! Susko matatapos na nga tayo kung saan pa pumunta! Hanapin! " sigaw ni Mama Fritz at taranta namang umalis yung staff at patuloy ang paghahanap sa nawawalang modelo.

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon