Chapter 19

2.6K 123 6
                                    

DAHLIA'S POV

"Naka ayos naba iyong mga gamit nyo? " tanong sa akin ni Sir Alden. Ngayong linggo ay pupunta na kami sa Laguna. First time ko doon. Malayo ba yun? Excited na ako.

"Dahlia? Ok na ba kako yung mga gamit. Kailangan na nating umalis. Nauna na yung manager at staffs doon. " sabi nito. Nawala naman ako sa pagiimagine ko at tumango. Naka sakay na sa car seat nya si Baby Baste at tatabihan ko na sana ito, baka pag nagising eh umiyak.

Nakita at ni Sir Alden na pasakay ako sa likudan kung kaya naman ay hinila ako nito papuntang passenger seat.
"Si... Sir bakit ho?" tanong ko dito.
"San ka pupunta? " tanong nito sa akin.
"Sa tabi ho. Ni Baste, baka po magising mamaya at umiyak eh. " sabi ko dito. Pero nakakunot pa din ang noo nito.
"Hindi, dito ka. Magmumukha pa akong driver. Pag nagising si Baste itabi mo na lang dito sayo yung bag nya. " sabi nito at iniwan ako at sumakay na sa sasakyan nito.

Hindi ko na alam kung ano ang tinatahak naming lugar pero mukhnag highway pa din ito.

Tahimik lang ang loob ng kotse, tulog pa din si Baste. Kami namang dalawa hindi nagkikibuan at drive lang ito ng drive. Then lumiko ito at nakita kong may mga restaurant at gasolinahan.

Then nagpark ito.

"Magstop over muna tayo. Kailangan na nating magbreakfast at magccr lang muna ako. Hanap ka na ng makakainan natin at itext mo ko ng kakainan natin. Pakigising na din si Baste. " sabi nito. Lumabas namana ko at naginatinat dahil nanhangalay na ang pwet ko sa kakaupo.

Pumunta ako sa back seat at inalis ang pagkakaseatbelt ni Baste at unti unti ko itong ginising.

"Baste? Gising na. " sabi ko dito pero parang tito nya at kumunot lang ang noo pero wala pa din.

Ah alam ko na. Ma try nga.

"Baste? Gising ka na. Kakain tayo. " sabi ko at di ko napigilang matawa ng gumising ito.
"Hmmm... Ha? Asan na? " tanong nito sa akin na namumungaymungay pa ang mata.

Napatawa ako ng bahagya at inialis ko na ito sa car seat nya at bumaba sa sasakyan.

"San mo gusto kumain? " tanong ko kay Baste habang inaayos ang damit nito.
"Sa masarap! " sabi nito. Natawa na lang talaga ako at napailing. Kinuha ko na lang ang isang bag nya na may laman ng kaunting gamit nya at isibara na ang pinto. Sosyal kotse ni Sir. Automatic lock daw.

Naglakad lakad kami habang naghahanap ng restaurant na kakainan.

Pero habang naglalakad kami hindi maiiwasang may lumapit sa amin at kurutin ang pisngi ni Baste. Pano ba naman madaming nakyukyutan sa batang ito.

Buti nga di umiiyak eh.

"Chicken! " napahinto kami sa Mcdonalds at nakaturo si Baste sa chicken na naka display sa labas ng Mcdo.
"Gusto mo dito? " tanong ko.
"Yes, tita. " tapos ay hinahatak na nya ako papasok sa loob ng mcdo.

Pumwesto kami sa kalooblooban para konti lang ang pumapasok kasi kasama namin si Sir Alden at baka pagkaguluhan pa iyon. Di ko naman alam na nageendorse sya ng Mcdo. Pero dito gusto kumain ni Baste eh.

To: Sir Alden

Sir, asa may McDonald's po kami sa bandang loob.

Sent

Mayamaya lang ay dumating na si Sir Alden ng naka cap at shades.

Nagpalingalinga ito, baka hinahanap kami.

"Baby? " tawag pansin ko kay Baste.
"Po? " tinuro ko yung tito nya.
"Pasundo tito Alden mo. " sabi ko at dali dali itong bumaba sa pagkakakandong sa akin.

Nakita ko namang, napansin sya ni Sir Alden at walang kahirap hirap na binuhat ito.

Then naglakad na sila palapit sa mesa na inuukupahan namin.

"Sorry, madaming tao. " sabi nito at umupo at sya na ang kumandong kay Baste.
"Ok lang po. Ako na ho oorder. Ano po bang gusto nyo? " tanong ko dito at tumayo para pumunta sa counter.
"Ah... Ok. Kahit ano na lang ang sa akin, hindi naman ako mapili. Tapos kayo nang bahala ni Baste kung ano ang gusto nyo. Magikntay na lang ako dito." sabi nito. Tumango naman ako at inaya si Baste, pero bago kami makalayo, nahawakan naman nito ang kamay ko. Na ikinapula ko naman.

"Ah... Sorry. E... Eto ang pambayad." pagkabitaw sa kamay ko ay nagabot ito ng pera para pambayad sa bibilin naming pagkain.
"Si... Sige po. Mauna na po kami. " sabi ko at dali daling hinawakan ang kamay ni Baste at naglakad kami papuntang counter.

Nararamdaman ko pa din ang kamay nya sa kamay ko. Ang init at ang lambot ng mga palad nito kesa sa kamay kong magaspang na.

"Tita. Your red, may sakit ka po? " tanong sa akin ni Baste. Hinawakan ko ang kamay ko at naramdaman kong nagiinit ang aking pisngi.
"Wa... Wala baste. Tara tayo na oorder. " sabi ko dito at lumapit na kami sa counter.

"Good Morning po mam, welcome to Mcdonalds. " sabi nung crew.
"Ah good morning din, meron na ba kayo ng mga meals? " tanong ko dito, baka mamaya wala pa since umaga pa.
"Yes maam. Ano po order nila?" tanong nito sa akin.
"Ah... isang 1pc. Chicken, isang Mccafe, then isang 2 pc. Chicken and one chicken ala king" sabi ko dito.
"Ano po drinks nila? "
"Ah juice na lang. " sabi ko dito. Masama ang madaming softdrinks sa katawan.
"Would that be all mam? " tanong nito pero bago ako makasagot hinihila ni Baste ang kamay ko. Lumingon ako dito at may itinuturo ito.
"Ice cream. " sabi nito at tumango na lang ako.
"Isang chocolate sundae" sabi ko sa crew at nakangiting tumango ito.
"Ang cute naman ho ng anak nyo mam. " sabi nito bago tuluyang umalis at ayusin ang order namin.

Nagkatinginan kami doon ni Baste. At hindi namin napigilang tumawa ng bahagya.

"Narinig mo yon baste? Mukha daw kitang baby. Matanda na ba ako? " tanong ko dito.
"Hala?! Hindi po ah, ganda po kayo tita! Promise. " sabi nito. Nakurot ko na lang ang cute na pisngi nito.
"Kung ganyan ka? Iuuwi kita sa amin at ng may patunay ako kay nanay na may nagsasabing maganda sa akin. " sabi ko dito. Mukhang di naman nito nagets ang sinabi ko kaya tumayo na ako.
"Here's your order mam. " sabi nung crew at may nakita akong dalawang tray sa harap.
"Pwede pa assist? " tanong ko dito. Tumango namna ito at nag ring sa bell at may lumapit sa amin na isa pang crew.

"Baste, mauna ka na sa upuan natin at susunod kami. " sabi ko dito at tumango naman ito at nauna ng maglakad habang sinusundan namin ito.

Nang makarating sa mesa pinasalamatan ko yung crew then umalis na ito.

"Sir, eto na po yung sukli. " sabi ko at inabot ang pera. Kinuha naman nito ang pera at kinandong si Baste.

"Kain na tayo. " sabi ni Sir Alden at tumango lang ako. Nang napatingin naman ako kay baste nagbelatan pa kami at tumawa ng bahagya ng tumikhim si sir Alden kaya kami napatigul at tuluyan ng kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mapansin kong nahihirapan si Sir Alden na maghimay at subuan si Baste tapos kakain pa ito.

"Sir, gusto nyo po ako na magsubo kay Baste since patapos na po ako. " sabi ko dito.
"Cge, pakihimay na lang yung chicken nya. " sabi nito at dumukwang ako para himayan si Baste ng pagkain nito.

Nang nakapaghimay na ako, akma kong sinusubuan si Baste ng may lumapat na tissue sa gilid ng labi ko at kasabay ng pagpapakain ko kay Baste ay ang pagpupunas ng gilid ng labi ko ni Sir Alden.

"May sauce. "

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon