Chapter 9

2.6K 137 3
                                    

DUB'S POV

Kahit mahirap maghanap ng mura pero ligtas na matitirhan pero buti meronin . May mga gamit na din. May maliit din na paaralan na pedeng lakadin din nila Pao at Jim.

Medyo mag gagabi na din kaya kailangan ko ng bumalik.

"Nay, kailangan ko na pong bumalik sa amo ko." sabi ko dito.
"Naiintindihan ko. Pag dating mo doon linisin mo agad yang sugat mo. Parang dumudugo ulit eh." sabi nito at niyakap ako.
Naalala kong may pera ko galing sa sweldo ko. Inabot ko ang back pack ko at kinuha ang isang sobre.

"Nay eto ho oh." abot ko sa kamay ni nanay.
"Ano to? Ay bata ka, unang sweldo mo ito ah! Kunin mo ito may naitabi pa ako na pera gamitin mo ito sa pangangailangan mo." sabi ni nanay habang iniaabot ang pera sa akin.
"Hindi na nay, nasa bahay lang naman at ako naglilinis doon. Wala na akong pagkakagastusan pa. Kayo. Kayo ang may kailangan nuto ngayon, gamitin nyo sa araw araw at ipangenroll nyo sa bagong school nila Pao at Jim." wala na itong naggawa at tinanggap na ang pera.
"Nay alam kong mahirap magumpisa pero atleast diba segurado na tayong wala ng mananakit sainyo at sa mga kapatid ko." sabi ko.

Nagpaalam nako kila Jim at Pao na busy sa panunuood ng tv. Wala kasi kami noon. Tapos ay lumabas na ako ng bahay. Di gaano kalayo ay may sakayan ng jeep. Sakto isa na lang aalis na.

Habang nasa byahe pinagtitinginan nila ako. Paano ba naman yung pasa at mga sugat ko sa mukha sino nga naman ang hindi pagtitinginan. Iniisip ko tuloy kung paano kaya at makita ako ni Al... Sir Richard nito... Teka katulong nga lang pala niya ako. Ano bang iniisip ko hahahhaha.

"Oh Dahlia! Anong nangyari sa iyo." tawag sa akin ng manong guard sa main gate ng subdivision. Nakaclose ko ito sa ilang beses na lumalabas ako para maggrocery kaya ayun.
"Nako manong! Wala ho ito. Mauuna na po ako gabi na din ho!" paalam ko dito.
"Magiingat ka!" kinawayan ko ito at naglakad ulit.

Tumingin ako sa relo ko, maaga pa. Ibig sabihin nasa sala ito at nanunuod. Para makapunta ko sa kwarto kailangan ko munang dumaan sa sala. Aja!

Dahan dahan kong isinara ang pinto sa harap ng bahay.

"Dub? Ikaw ba yan?" tawag sa akin ni Sir Richards.
"O... Opo sir! May paguutos po kayo?" sabi ko habang nakasandal sa pader sa may pinto ayoko pang maglakad. Baka makita nya ko.
"Yes, magluto ka na ng dinner, dadating si mama kaya ayusin mo yung luto." sigaw nito.
"Opo sir." sabi ko. Tinalukbong ko yung buhok ko sa mukha ko at nagmadaling naglakad papunta sa kusina.

Ding... Dong...

"Hello mama!" narinig ko si Sir Richards. Adyan na ang mama nya. Hindi ko tuloy alam kung paano itatago ang mukha at mga pasa ko sa braso.

ALDEN'S POV

"Kamusta ka na iho? Isang buwan din kitang hindi na kita ah?" tanong ni mama sa akin.
"Yeah, ok naman magaling naman mag ayos ng bahay si Du.... Dahlia at sya na din ang nagluluto ng mga pagkain ko sa bahay." sabi ko dito.
"Mabuti naman at natagalan ka ng yaya mo. Masungit ka pa naman." sabi nito at binaba ang bag sa living room.
Hindi ko naman talaga sya sinusungitan noong mga unang paguusap namin, ngayon ngayon lang dagil may dahilan naman. Kailangan ko na itong panatiliin.

"Kumain na tayo ng dinner mama. nagpaluo ako kay Dahlia." sabi ko.
"Mabuti pa nga. May dala akong cake kainin na din natin." sabi nito at iginaya ko na ito sa lamesa. Nadtnan namin si Dub na nakatayo sa may gilid ng mesa. Nakayuko.

"Magandang gabi Dahlia, iha" sabi ni mama.
"Ma... Magandang gabi din po mam" sabi nito pero nakayuko pa rin.
"Dahlia! Kinakausap ka! Bat di mo man lang itaas ang ulo mo! Nakakabastos ka!" nasigawan ko na ito. Hindi naman talaga ako naninigaw pero nakakahiya naman kay mama.
"Alden! Batka naninigaw ng iba? Hindi kita tinuruan ng ganyan!" napagalitan tuloy ako ni mama.
"Sorry mama." sabi ko.
"It's ok. Ikaw naman iha, pagmay kumakausap sayo. Titignan mo dahil minsan ang iba nababastos pag ka may kausap pero ayaw syang tignan ng kausap nya. But I dont mind." sabi ni mama kay Dahlia.
"Come on Dahlia, huling kita ko sayo ay noong nakaraang buwan pa. Common lift up your head and greet me properly." sabi ni mama. Mukhang nagaalangan pa ito pero iniangat na ang ulo nito.

"Oh mygad iha! Anong nangyari sayo?" nagulat ako ng sumigaw si mama. nang tumingin ako kay Dub, nakita ko ang pasa nya sa pisngi, ang mga sugat nya at kung titignan mo sa malapitan ay ang mga pasa sa braso na nangingitim pa lang. Lumapit agad ako kay Dub.

"Dub? Anong nagyari dyan? Umuwi ka lang nagkaganto na? May nagyari bang masama? Naaksidente ka ba? Ano? Magsalita ka!" OA ba? Pati nga din ako nagugulat sa sarili ko. Worried lang ako wala ng iba. Pano sya makakagawa ng gawaing bahay kung may ganyan sya dba?
"Wa... Wala po ito mam, sir. Kumain na po kayo. Pa... PAkitawag na lang po ako kung may ipaguutos kayo. Excuse po." sabi nito at umalis patungong kwarto nya.

" Ano kaya nangyari kay Dahlia?" tanong ni mama.

Ako mismo gusto syang tanungin, pero wag na lang.

Maagang umalis si mama dahil tumawag si papa kaya umuwi ito agad. Nasa sala ako at nanunuod ng mapansin kong naglalampaso ng sahig si Dahlia sa kusina.

Pumunta kong Cr at kinuha ang first aid kit doon at bumalik sa sala.

"Dahlia, halika lang dito." tawag ko dito. Itinigil naman nito ang paglalampaso at lumapit sa kinauupuan ko.
"Maupo ka dito." pinat ko yung space sa tabi ko.
"Po?"
"Sabi ko maupo kamuna dito." pinat ko ulit ang sofa, kahit nagaalangan ay umupo ito pero nakayuko na ang mukha at nakasaklob ang buhok.

Binuksan ko ang first aid kit at kumuha ng bulak at alcohol. Tapos hinawi ko ang buhok sa mukha nito. Inilalayo naman nito ang mukha kaya hinawakan ko na ito sa baba. Dahan dahang idinampi ko naman sa sugot nya sa noo ang bulak.

"A... Aray." sabi nito ng nakangiwi.
"Sorry, anyway pano mo ba nakuha itong mga ito?" tanong ko habang padampi dampi na lang ang bulak.
"Na aksidente lang po." sabi nya. Pero hindi ako sigurado doon kasi ang iba nyang sugat mukhang hindi naman sa aksidente lang. Pero hinayaan ko na ito. Matapos alcoholan ay betadine naman.

"May iba ka pa bang sugat?" tanong ko dito, puro sa mukha at braso lang ang nakita ko eh.
"Wala na po. Sa... Salamat po. Babalik na po ako sa trabaho ko." sabi nito at tumayo. Nililigpit ko na yung first aid ng may mapansin ako.

Napansin ko namang paikaika ito kung maglakad, bakit di ko to napansin kanina?

Ano ba talaga ang nagyari sayo?

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon