DAHLIA/DUB'S POV
Katatapos lang naming kumain kaya sumakay na kami sa sasakyan ulit nito. Di ako makapaniwalang andami pala naming kaparehas na gawin at kainin. Hindi naman pala maselan ito, pero nakakapagtaka kung bakit ayaw ng tao maliban lang sa kanya sa bahay nya. Hindi ko naman pedeng tanungin lang basta basta sa kanya iyon. Baka mawalan agad ako ng trabaho, chismosa pa naman ako.
Sya na ang nagbaba ng mga pinimili at ako naman ang nagligpit habang nagbibihis ito. Parang magasawa kami diba? Hahahaha joke libre mangarap!
Nakita ko itong pababa ng hagdanan at papunta sa kinaroroonan ko. Pero nagpalit lang ito ng damit.
"Dub, lalabas ako na bahay ha? Late na ako makakauwi kaya ilock mo ang bahay at isarado mo ang mga bintana. Ok? may susi naman ako kaya ako na lang ang magbubukas mamaya." sabi nito at tuluyan ng makalabas. Di naman ako pinagintay na makapagreply naman grabe.
Kinagabihan nanonood lang ako dito sa sala at kumakain ng popcorn aba wala ang amo kaya go lang. Nakakain na din akong napakasarap na dinuguan kaya solved na ako.
Ng makita kong mag te-10 na ng gabi. Pinatay ko na yung tv at chineck ko na ulit yung mga nakalock na, na pinto at bintana. Clear.
Kaya pumunta na ako sa kwarto ko sa may kusina at naligo muna. Nakahanda na ako para matulog ng may narinig akong parang maingay sa labas ng bahay kaya hindi ko na pinansin kasi baka si alden lang din yun at hello nasa subdivision po kami. Mahigpit ang bantay dito.
Nakaramdam naman ako ng uhaw kaya lumabas ako sa may kusina. Automatic ang ilaw dito kaya nakakapagtaka kung bakit bukas ang ilaw sa sala, sa kusina at sa taas? Kusa itong mamatay pagka gabi ah? Hindi kaya may dalang bisita si Alden?
Tahimik lang akong naglakad papunta sa kusina ng may narinig akong mga naguusap.
'Pare kunin mo lahat ng mukang mamahalin dito.' sabi ng isang lalaki.
'Oo pare mukha nga artista ang nakatira dito, maraming awards dito oh?'sabi nito. Sumilip ako at nakita kong nandoon sila sa bandang dulo ng kusina malayo sa kinaroroonan ko.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya hindi rin ako makakilos sa kinakatayuan ko.Ano tatawag na ba ko sa pulis? Sa fire station? Sa DOH? O sa Deped? Hindi ko talaga alam ang gagawin.
'Pare tignan mo yung likod ng kusina baka mamaya may tao pa dyan mabulilyso pa tayo' sabi nung Magnanakaw #1
'Cge bilian nyo na dyan!' sabi naman nito at naririnig ko na ang yabag ng paa nito.
Dali dali aking bumalik sa kwarto ko at inilock ito, iniharang ko pa yung higaan ko para hindi nila mabuksan yung pinto. Tapos tinawagan ko si Alden.Ring... Ring... Ring...
"Hello Yaya? Bakit ka napatawag? Pauwi nako." sabi ni Alen sa kabilang linya.
"A... Alden, may... May mga..."
"Ano? Ayusin mo nga yung sinasabi mo hindi kita maintindihan." sabi nito.
"May mga nakapasok sa ba... Bahay mo!" sabi ko at nanginginig na ang mga kamay ko.
"What?! Bat di ka pa tumawag ng pulis?! Parating na ko dyan, wag kang lalabas kung nasaan ka man!" sabi nito at binabaan na ako. Huhuhu. Nakakatakot naman ganto pala yung feeling na may mga masasamang tao sa loob ng bahay mo. Pero di ko to bahay ah.Napatingin ako sa pinto kasi narinig kong may nagiikot ng doorknob.
'Lord, please iligtas nyo po ako. Wag nyo po syang hayaang makapasok dito. Please. Sir Alden asan ka na ba?' bulong ko.'Bat ayaw bumukas? Sirain ko na lang baka may mamahaling gamit dito. Sayang din yun.' sabi nito at narinig kong kinakalikot nito ang pinto.
Mas lalo akong kinabahan kasi konti na lang konting konti na lang bubukas na yung pinto.
Click...
'Ayos' rinig kong sabi nito at dahan dahang inikot nito ang door knob.
'Please... Please... Please...' bulong ko.'Mga pulis ito at napapaligiran na namin kayo! Lumabasa na kayo diyan ng nakataas ang mga kamay kung hindi papasukin namin kayo dyan!'sabi.nung mamang pulus doon sa labas! Biglang tumigil yung magnanakaw sa bas pero maya maya lang mas binilisan nito ang pagbukas, pero may nakaharang nahigaan sa pinto kaya hindi nya ito mabuksan ng lubos.
'Bwisit naman oh kailangan kong makatakas!' tinigilan nito ang pagbukas at umalis.
Hindi pa din nawawala ang kaba ko at nagkakagulo pa rin sa labas. Niyakap ko ang mga tuhod ko sa kaba at takot na nananatili sa aking sistema.
"Dub! Asan ka?!" napaangat ako ng tingin sa pagkakadukdok. Si Alden! Dali dali akong tumayo at inialis ang nakaharang kong higaan sa pintuan at binuksan ko ito.Nakatayo lang ito sa kusina at halata ang pagaalala sa mukha.
Lumakad ito palapit sa akin pero nakatanga lang ako dito, parang ayaw gumakaw ng mga paa ko.
"Ayos ka lang ba? May nangyari bang masama sayo? Sinaktan ka ba nila? Magsalita ka!" sabi nito pero parang nabibingi ako. Di ko na lang namalayan na tumulo na pala ang mga luha na kinikimkim ko para lang hindi ako marinig nung mga magnanakaw sa labas kanina.
Napaluhod na rin ako kasi hindi ko na maramdaman ang mga binti ko pero patuloy pa din ako sa pagiyak.
Naramdaman ko na lang ang mga bisig ni Alden na niyayakap ako at pinapakalma, pero mas lalo akong napaiyak. Siguro ngayon na lang ako umiyak ng ganito simula pa nung bata ako. Dahil sanay akong magkimkim ng damdamin dahil na din ayokong nakikita ni Nanay na nahihirapan din ako.
Sa kanya ko na naibuhos lahat ng hinanakit at nararamdaman ko sa mundo, sa mga tao na nakapaligid sa akin at sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...