DAHLIA'S POV
Hindi ko alam pero kanina pa kami nagtititigan ni baby baste.
Buong buwan nandidito ang kyut na batang to? Baka di na ako makapagtrabaho at puro si Baste na ang alagaan ko. Malaki nanaman yung isa kong alaga.
"Ba... Baste? " tawag pansin ki dito. Dahil hindi pa din ito tapos uminom ng gatas sa bote nito.
Tungin lang ito sa akin at tuloy pa rin ito sa paginom.
"Ok ka lang dito kay Sir Alden for a month? " tanong ko dito. Tumango lang ito pero umiinom pa din.
Nginitian ko na ito. Napatingin ako sa orasan at napansing kailangan ko ng gisingin si Sir Alden. Pero hindi ko pepedeng iwan si Baby Baste.
"Baste? Sama ka sa akin? Punta tayo kay Ti... Tito Alden mo" sabi ko dito at inilahad ko ang aking kamay para yayain ito.
"Tito Alden! " sabi nito at binitiwan na ang bote ng gatas nito at inabot ang kamay ko at sabay kaming nagtungo paakyat sa kwarto ng isa pang ALAGA ko.Sa pintuan pa lang excited na si Baste dahil matagal na daw nyang di nakikita ang Tito nya at miss na miss na nya ito.
Knock... Knock...
Dahan-Dahan kong binukas ang door knob at pumasok sa loob ng kwarto nito. Pagkapasok agad kong isinara ang pintuan at si Baste naman ay dumiretso sa higaan ni Sir Alden na ngayon ay tulog pa.
Kahit nahihirapang makaakyat, nilapitan ko ito at tinulungan. Matapos ay binuksan ko ang mga kurtina.
"Giting! Giting na! Play na tayo Tito Aden! " sabi ng cute na si baste habang ako ay nagpupulot ng mga damit na nagkalat sa kwarto nito.
"Ma... Mamaya na. " inaantok pa na sabi ni Sir Alden. Natawa naman ako kasi napasimangot si baste at lalong yinugyog si Sir Alden.
"Ayaw! Giting na! Laro na tayo! " sabi ni Baste at tumatalon talon na si higaan.Yun ang huli ko narinig boong pumasok ako sa banyo para magligpit at maglinis.
"Anu ba! " napahinto ako sa pagliligpit ng narinig kong sumigaw si Sir Alden at pumalahaw ng iyak si Baste. Kaya napalabas ako ng banyo.
"Uwaaaaahhhh! " napatigil ako sa paglalakad dahil nakaakap sa binti ko ang isang umiiyak at namumulang si Baste. Pinantayan ko ito at nagsumiksik ito sa leeg ko at patuloy ang pagiyak.
"Naku! Baste! Baste sorry na baby! Baby baste, wag ka ng umiyak. " sabi ni Sir Alden ng lumapit sa amin at lumuhod sa harapan ko habang sinusuyo ang pinaiyak na bata.
"Uwaaaaahhhh! " patuloy pa din ang pagiyak nito at hindi pinapakinggan si Sir Alden.
Halata kay Sir Alden na hindi nya alam kung papaano patatahanin si Baste na umiiyak padin sa leeg ko.Hinihimas himas ko lang ang likod nito at pinipilit kong tumayo para patahanin ito. Pero hindi ako makatayo.
"Baste, shhh... Wag ka ng umiyak. Namumula ka na oh. Tahan ka na. " sabi ko dito pero wala pa din.
Dahil to kay Sir Alden eh, alam kong may ganto syang habit pero pinspalagpas ko lang noon pero ngayon bata na ang pinaiyak nya sa ugali nya. Kaya ansama ng tingin ko dito.
"Sir naman, hindi niyo po ba nakilala ang cute na batang to. Kung ako gumising sa inyo ok lang pero yung bata ang sogawan nyo. Magugulat at iiyal po talaga iyan. " sabi ko dito.
"So... Sorry na. " sabi nito habsng nagkakamot ng ulo.Hindi ko na ito pinansin at pinipilit tumayo mula sa pagkakaluhod dahil namamanhid na ang paa at binti ko. Pero hindi talaga ako makatayo dahil kay Baste.
"Tu... Tulungan na kita. " sabi nito. Hindi na ako tumanggi dahil nangangalay na talaga ako.
Inilahad nito ang kamay nya na tinanggap at inabot ko naman. Pero nahihirapan talaga ako kaya muntik na akong mabuwal ulit. Pero naalalayan ako ulit nito ng iniligay nito ang mga kamay sa bewang ko at naka pwesto ito sa likodan ko para magalalay. Back hug ba.
Kung di lang ako katulong, iisipin kong isa kaming typical na pamilya. Ako ang nanay, si Sir Alden ang tatay at si baste ang anak namin. Gosh ano ba itong iniisip ko.
"Sa... Salamat ho. " sabi ko dito. Nabibigatan talaga ako kay baby. Ang lusog eh. Pero humina na ng bahagya ang iyak nito.
"Akin na. " napalingon ako kay Sir Alden at nakalahad ang mga braso nito para kunin si Baste.
"Wag mong paiiyakin yan" sabi ko dito. Tumango naman ito at dahan dahang kinuha si Baste sa mga bisig ko.Nagpupumiglas pa si Baste kaya lang ay inakap na ito ng tito nya at pinatahan. Ako naman ay tinitignan lang sila.
Bagay na nga maging tatay si Sir Alden, pedeng pede na kami. Hahaha joke, nakakahiya naman ang pinagiisip ko.
"Dub? " nawala ako sa pahiimagine ko ng bagay bagay ng tinawag ako ni Sir Alden.
"Bakit po? " sagot ko dito.
"Pahain na yung breakfast at patimpla ng gatas ni Baste. Kakain na. " sabi nito at tumango na lang ako at iniwan sila. Bahala silang mag tito doon.Pagkababa ay bumalik ako sa sala, kung saan nandoon ang bote at gatas ni Baste. Then nagpunta ako sa kusina para maglagay ng tubig sa bote nito. Naglagay ng gatas at inalog ko na ang bote. Body Temperature lang dapat ang init ng bote para mainom ng isang baby.
Mamaya lang ay may narinig na akong nagbubungisngisan at napatingin ako sa haggdan at nakita kong buhat buhat nito si Baste at kinikiliti.
"Tama na yan! " sabi ni baste pero hindi malinaw ang pagkakasabi dahil sa pagtawa nito.
"O cge, cge. " sabi ni Sir Alden pero babalik ito at kikilitiin padin si baste.Napaiking na lang ako sa ginagawa nila. Ngayon ko lang nakita na ganyan si Sir Alden sa bata, pero sabagay pamangkin nya iyan.
"Kain na po. " tawag pansin ko dito.
"Ah, papunta na. Si la mama at ate denise? " tanong nito sa akin.Paano ko ba sasabihing dito muna si Baste ng isang buwan?
"Ah... Kasi ho sir. Sabi ni mama nyo po, dito muna si Baste. " sabi ko dito at kinakabahan, iniupo naman nito ang bata sa katabing upuan na uupuan nya.
"Talaga? Ilang linggo ba si Baste dito? " tanong nito.
"Isang Buwan ho. " sabi ko. Tumango tango naman ito. Hindi ito nagalit or anything?
"Ah, isang buwan lang pala....... What?! Ganon katagal?! " napasigaw nanaman ito.
"Bad ta! Sumisigaw ka nanaman! " sabi ni Baste na parang iiyak nanaman.
"So... Sorry baby. " paghingi ng paumanhin ni Sir Alden.
May dinabi pa ito pero hindi ko na narinig at maya maya lang lumapit ito sa akin at hinatak ako.
"Si... Sir. " sabi ko dito. Hala papagalitan nanaman ako nito.Sa hindi medyo kalayuan nya ako dinali para kita pa din si Baste na umiinom nanaman ng gatas nito.
"Bakit isang buwan daw?! " tanaong nito sa akin.
"Wala pong sinabi sila mam. Dali dali din po silang umalis pagkabilin sa akin na iiwan muna daw nila dito si Baby Baste. " sabi ko dito.
"Nasabi ko na kay mama na may shooting ako this week sa laguna. Paano na si Baste. Hindi ko naman pedeng iwan ito at lagot ako kay Ate Denise." sabi nito. Hindo ako kumikibo kasi baka mamaya kausap pala nito ang sarili nya. Mahirap na."Tama, alam ko na. " sabi nito at napatitig naman ako sa dimples nya... Ay este sa mga mata nya.
"Sasama kayo sa akin sa Laguna. "
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanficIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...