DAHLIA'S POV
Will You Marry Me?
Will You Marry Me?
Will You Marry Me?
Hanu daw?
Wait Buffering ng mga 10 seconds.
"What?!" hindi sa akin nanggaling iyan. Kay Lola ni Alden at sa iba pang asa dining table.
Maski ako hindi makapaniwala, akala ko girlfriend lang kagabi ngayon nag propropose na.
"Iho! Alden! Ano bang ginagawa mo?" sabi ng kanyang lola na napatayo sa upuan.
Ako naman ay parang napako sa aking kinauupuan, tinitignan ko lang ito at tumitingin din ako kay Tita Rose pero wala akong makuha na tulong dito.
"Matagal ko na ding pinagiisipan ito La, Ma at Dahlia. Kahit panandaliaan pa lang kaming , magkasama I know na sasaya ako sa kanya. So Sweetheart, please Marry me?" tanong nito sa akin sabay na dinidiinan ang hawak nitong kamay sa akin.
Sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko ang Lola nito na mukhang hihimatayin na at tinignan ko si Tita Rose, na ngayon ay mukhang alam na ang nangyayari. Tumango lang ito sa aking direksyon na para bang sinasabi na tanggapin ko ang ginagawa ng kanyang anak at ibinaling ko na ulit ang aking tingin kay Alden.
"Oo... Oo naman!" sabi ko, bigla itong tumayo at hinila din ako patayo at ako ay inilagay sa mga bisig na ito. Nakatinig naman ako ng mga palakpakan.
Nanguna si Tita Rose sa paglapit sa amin at pagcongrats sa amin at sumunod na din ang mga tito at mga tita nito. Pati si Denise at si Baste.
Natigil kami ng biglang napaupo ang Lola ni Alden.
"Vicente! Yung gamot ko!" nanahimik kami at tinitignan ang eksenang nangyayari sa aming harapan. Parang nagpupuyos sa galit ang matanda dahil namumula na ang kanyang mukha.
Dumating si Mr. Vicente na may dalang baso ng tubig at ang gamot ng Senyora at ibinigay ito. Agad namang ininom ito ng Senyora at pagkaraan ay nahimasmasan. Panandali lang ay tumayo na ito at hinarap kami.
" I see, I have to go upstairs, hindi na maganda ang pakiramdam ko. Excuse me." nakatingin lang kami hanggang sa makaakyat ito at biglang nagrelax naman ang mga tao sa paligid.
"Pag andito palagi sa paligid si Mama parang laging may recitation ang strict mong prof." sabi ng kapatid ni Tita Rose, si Tita Bell.
Nagtawanan naman sila pero ako hanggang nagyon ay naguguluhan pa din sa nangyayari. Ano to ako lang ang walang kaalam alam sa mga bagay bagay na nagaganap?
"Sorry Dahlia, alam kong hindi mo din ito ineexpect. But this is the simplest explanation I could give to you. Diba I asked you kung pede ba kitang maging girlfriend? By being a girlfriend, my lola will still keep on pestering me to still meet another girl dahil mapaghihiwalay pa naman daw tayo. So naisip ko kagabi na gawin ito. But wala naman talagang mangyayaring kasal. We'll just pretend. Unti maaccept na ni Lola na hindi na nya kailangan pang pagpilitan sa iba ang pagdedesisyon nya." ah ganun pala.
"Naiintindihan ko na. Ok sige." sabi ko na lang dahil sa totoo lang wala na din akong tamang maisip na maisasagot dito.
Kinagabihan, tulog na ang lahat kasama na si Sir Alden pero ako hindi pa din makatulog. Na guguilty ako sa ginagawa naming lahat laban sa lola nito. Baka gusto lang naman nya ang ikabubuti ng apo nya diba?
I mean tama bang lokohin ang sarili nitong Lola? Tama din bang pumayag ako? Pero kailangan ko din naman kasi ng pera at babayaran naman ako sa duration ng pagpapanggap ko.
Bakit ba ang gulo ng mundo... Sigh...
Ring...
Kinuha ko sa aking buls aang aking telepono.
Si NAnay.
"Hi Nay!" bati ko dito,
"Dahlia iha. Bat di ka pa umuuwi?" halata sa boses nito ang pagaalala.
"Naku Nay, hindi ko po pala naipaalam sa inyo na umuwi po biglaan ang lola ni Sir Alden kaya andito kami sa bahay nila. Pero sandali lang naman din kami." sabi ko dito.
"Ganun ba? Nagaalala lang kasi ako at ang mga kapatid mo." napatawa ako dahil bihira lang sabihin ni Nanay na nagaalala sya sa akin.
"Ok lang po ako Nay, wala naman pong problema dyan hano?" tanong ko dito.
"OK naman kami, kaya lang may balita ako kay Jose. Hinahanap nya daw tayo. MAy mga ginamit pa tong mga kasamahan nya para lang matunton kung asan tayo. Kinakatakot ko ay makita nya kami at kung ano ang gawin sa amin." binalot ako ng kaba sa sinabi ni nanay, sabagay huli naming pagkikita ni Mang Jose ay yung tumatakas kami.
"Nay, kahit anong mangyayari lagi nyong isasara ang bahay, kung lalaabs naman kayo magiingat po kayo at baka may makakita pa sa inyo mabuti nang magingat." sabi ko dito dahil kinakabahan ako sa kung ano pedeng mangyari.
"Cge magiingat kami pagsasabihan ko na din ang mga kapatid mo. Eh ikaw kamusta ka na dyan?"
Napahinto ako dahil biglang sumagi sa aking isipan ang nangyari sa dalawang araw palang namin dito.
"Nay... Kung may taong kailangan ng tulong mo, pero ang hinihingi nya sa iyo ay kailangan mong lokohin ang isang tao o ang iba pa. Dapat nga ba syang tulungan?" sabi ko ng diretsa kay Nanay.
"Alam mo, walang masamang tumulong sa ibang tao, pero sisiguraduhing tama iyang ginagawa mo o sa tingin mo ay makakabuti sa ibang tao. Pero sa huli nasa iyo padin ang decision, alam kong alam mo ang tama at mali." sabi ni Nanay, may punto si Nanay, kahit hingin ko ang opinyon nito nasa akin padin ang decision.
"NAy, salamat po. SIge po Nay. MAgpahinga na po kayo at gabi na din." pagpapaalam ko dito.
"Ay sige, basta magiingat ka ha?" sabi nito.
"Opo, lalaong lalo na po kayo nay ha? Bye nay."
"Cge, Bye."at ibinaba na nito ang kabilang linya.
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa langit.
Wala akong makita na mga bituin kundi tanging mga ulap lamang.
Mukhang masama ang panahon sa mga susunod na araw.
SENYORA'S POV
No, hindi pepedeng mapunta ang paborito kong apo sa babaeng yun. Akala mo kung sinong mabait pero ang habol lamang ay ang kasikatan ng aking apo.
Dapat ay hindi na matuloy ang binabaklak nilang pagpapakasal.
Dial... Dial... Dial...
"Hello? Oo ako to."
"May ipapakuha ako sayo ng impormasyon. Lahat lahat tungkol sa taong ito."
"Wala kang imimintis, lahat ng baho nito hanapin mo."
"Walang problema sa bayad. Basta ba maganda ang resulta."
Binaba ko na ang telepono at kinuha ulit to para may tawagan muli.
"Hello? Ah It's good to hear from you again, Sophia!" masayang bati ko sa aking kausap.
"Yes, yes! Kelan mo ba ako dadalawin?" tanong ko dito. Bigla naman akong natuwa sa sinabi nito sa akin.
"I see, I see. Sige iha. Hihintayin na lang kita. I really can't wait na makita ka!" then ibinaba ko na ang telepono at humigop ng aking tsaa.
Sa wakas dadating na ang nakatakdang makaisang dibdib ng aking apo na si Alden.
BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...