Chapter 39

2K 92 8
                                        

DAHLIA'S POV

Out of respect sa matanda ay wala akong sinasabi o hindi ko ito sinasagot sagot.

Six Days.

Nakayanan ko ang six days na inuutos utusan ako ng Lola ni Alden. Nakakaya ko naman ang mga pananalita nito. Kabilang na ang pagtawag sa akin ng tanga at malandi.

Nasa pagiisip nito na kaya ako ang fiance ng apo nito ay dahil nais ko ang yaman ng apo nya kabilang na din ang kasikatan. Dahil minsan nafefeature na din ako sa news pati na din yung pictures nung sapilitan ang pagmomodelo ko noon.

"Dahlia!" nakasigaw nanaman na bungad nito sa akin.

Iniwan ko muna ang pagdidilig sa bakuran at pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko itong nakaupo sa couch at nanunuod.

"Bakit po?" tanong ko dito.
"You see. May bisita ako mamaya and she's joining me for dinner later. I want you to cook my specialty. But unfortunately we don't have enough stocks. So here." nilapitan ko ito at tinanggap ang papel na binibigay nito sa akin.

"Buy all of that. I don't have my money here so use the money you get from my apo." sabi nito at ibinalik ang tngin sa TV.

Wow.

Napailing na lang ako at mamaya ko na lang ito bibilhin. Tatapusin ko muna ang paglilinis. Hindi ako nito tinuturing na fiance ng apo nya, bagkus ay katulong lang sa bahay na ito. Well technically oo nga at katulong lang ako. Pero I mean fiance ako ng apo mo. Kahit fake man lang diba?

"Do that now. Matagal kasi iyan lutuin. " habol pa nito. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan ang suot ko. Nakatokong naman ako at tshirt. Ok na siguro ito.

Naglakad lang ako palabas ng subdivision at nagjeep hanggang sa may SM. Buti may bente ako na barya.

Pumasok agad akong supermarket pagdating ng pagdating ko doon dahil gusto ko ng matapos ito at ng makapaglinis naman ako. Uuwi na bukas si Alden.

Pagiisip pa lang na uuwi na si Alden ay parang may Lepidoptera(search nyo na lang) sa tyan ko.

Inilabas ko ang liatahan at nakita kong mamahalin ang mga ito at madami din. Kaya kumuhs na ako ng push cart para magkasya lahat ng pinabibili sa akin.

Ganto ba talaga ang pagkain ng mga mayayaman. Kailangan ang mamahal? Nalula ako sa kung gaano kamahal ang mga pinabibili ng Lola nito. Kakasya kaya ang natabi kong pera?

Pumila na lang ako agad ng matapos na akong mamili. At since madami din ang naggrogrocery ngayon ay matagal ang pila.

"Rose?" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Sean na may cart din na tulak tulak at sya ang nakasunod sa akin sa pilahan.

"Sean! Hi!" sabi ko. Lumapit ito sa akin at niyakap naman ako agad.
"Kamusta ka na? Do you drink your prescribed medicines?" tanong nito sa akin. Oo nga pala. Bihira ko na lang ito mainom dahil nakakalimutan ko.

"Uh... Yes! On time pa nga eh... Hahaha." sabi ko.
"That's good. Anyway andami naman ata niyang binili mo? Is alden around here?" tanong nito sabay linga linga para hanapin si Alden.
"Hindi, ako lang. Out of town sya ngayon. Wala na ding stocks sa bahay so bumili na ako." sabi ko dito.
"Ah I see. Ikaw na susunod." sabi nito at pagharap ko ako na nga ang sumunod.

Habang hinihintay matapos ang pagbabarcode nung mga pinamili ko ay nakikipagksentuhan ako kay Sean. Kahit papaano ay nakakapagrelax ako pagandyan si sean.

"Total po nila is 10,536 pesos." sabi nung babae. What? Ganon kamamahal ang mga pinamili ko para lang sa lulutuin nung matandang iyon?!

"Are you ok?" tanong ni Sean.
"Ah... Oo. Wait babayad lang ako." sabi ko dito at kinuha na ang wallet sa bulsa ko.

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon