DAHLIA'S POV
Nangangalay na ang mga kamay ko. Pinilit kong igalawa ito pero hindi ko magalaw. Parang may nakatali dito.
"Ah!" napadaing ako sa sakit at nagkasugat na pala ito dahil sa higpit ng tali.
Tinitignan ko ang paligid. Ba... Bakit wala akong makita? Madilim lang ang lugar.
Oo nga pala! Si Jose! Ang walanghiyang iyon! Natunton nanaman nya kami.
"Nay!!! Nay asan... Asan na po kayo?!" sigaw ka at kung san san ko na ibinaling ang paningin ko dahil nakakapagadjust nanaman ang mata ko.
Pero walang sumasagot sa akin.
"Nay! Pao! Jim!" sigaw ko pa din at patuloy ang pagpumiglas sa taling nakakabit sa akin.
"A... Anak." may mahina akong narinig na bises at alam kong si nanay iyon.
"Nay! Asan po kayo? Ok lang po ba kayo!" sabi ko para marinig ako nito.
"O... Oo pero nakagapos kami. Kasama ko ang mga kapatid mo. Pero hindi pa sila gumigising." sabi nito sa akin.
"Nay... Nay, kailangan nating makaalis na dito. Hindi tayo ligtas dito." sabi ko dito habaang mas pinipilit kong makaalis dito sa higpit ng tali na ito.
"Papaano tayo nakita ulit ni Jose? Napaka layo na natin sa kanya. Imposible namang basta basta nya lang tayo makita." sabi ni nanay.
"Hind... Hindi ko alam nay. Teka... Sh..." sabi ko ng narinig kong may taong papalapit sa lugar na kinaroroonan namin.
"Nay, bumalik kayo sa pagkakatulog nyo bili!" sabi ko at umoo na sya ako naman ay hindi na kumilos at masama ang tingin doon sa mga pumasok sa loob ng pinto.
At napapikit ako sa liwanag nung ilaw. Matagal bago nagadjust ang mata ko sa liwanag.
Nakita ko agad sila nanay sa may dulo sa kanang bahagi ng kwarto at nakagapos ito. Habang ang mga kapatid ko ay nakahig asa lapag at wala pang malay.
"Mabuti naman at gising ka na?" tumalim agad ang pagkakatingin ko kay Mang Jose na ngayon ay may mga kasama pang tatlong lalaki na mukhang mga tambay lang sa dati naming lugar nakatira.
"Walanghiya ka! Nananahimik na kami hindi ba? Bakit mo pa kami hinanap?!" sigaw ko dito pero ngumisi lang ito at tumingin pa sa mga kasamahan nya.
Pagkatapos ay lumapit ito sa akin at hinawakan ang baba ko at ipinaharap sa kanya.
"Simple lang. Dahil sa inyong pagalis nagkanda baon baon ako sa utang at nagkanda letche letche ang buhay ko!" gusto kong matawa at sabihin sa kanya na matagal nang walang kwenta ang buhay nya.
"Hindi ba ay nagkatrabaho ka? Bakit hindi mo inayos ang pagtratrabaho mo nang hindi ka nagiging batugan lang?!" sabi ko dito kahit alam kong hindi nito magugustuhan ang sinabi ko.
Tama nga ako at hindi nga nito nagustuhan ang sinabi ko at nakatikim ako ng isang malakas na sampal.
"Hiss..." ang tanging nabanggit ko ng sinampal ako nito. Nararamdaman ko ding namamanhid na ang aking pisngi.
"Hahaha... Yan ang nararapat sayo. Pasalamat ka at wala pang nangyayari dyan sa nanay mo! Ikaw pa lang ang nakakatikim sa galit kong matagal tagal ding naipon!" tumawa muli ito pero ako ay tinignan si nanay. Nakita kong nakadilat na ito at umiiyak habang nakatingin sa akin. Pero ayokong mapansin nyang gising na ito kaya ibinalik ko ang tingin ko dito.
"Wag mong sabihin na pati mga anak mo ay sasaktan mo Jose! Wala kang awa!" sabi ko dito.
"Ha! Malay ko ba kung mga anak ko ba talaga iyan! Hindi ko alam na pagwala ako eh kumikirengkeng iyang nanay mo!" sabi nito habang tinitignan si nanay na gising na pala at nakita ito ni Jose."Mabuti naman at gising ka na. At tamang tama. May ipapakita ako sayo minamahal kong Samara!" tumawa muna ito at binitawan ako.
"Wala kang puso Jose! Lumayo kayo kay Dahlia! Lumayo kayo!" sigaw ni Nanay.
Lumapit sa akin ang tatlo at pawang mga nakangisi pa ang mga ito at pinapatunog ang kanilang mga kamay.
Yun ang huli kong nadinig mula dito at wala na akong iba pang narinig tanging ang nararamdaman ko lang ay ang mga tamang tumatama sa akin habang binubugbog ako nung tatlo. Kabila ang suntok, sipa, sampal at sabunot ang naramaman ko.
Dati kinakaya ko kung si Mang Jose lang ang mananakit sa akin. Pero tatlo?
Kakayanin ko pa kaya ito?
ALDEN'S POV
Mababaliw na ako.
Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
"sir?" napaangat ako ng tingin at nakita yung Chief of Police nakatutok sa kaso ni Dahlia.
"Me... Meron na po ba tayong lead?" tanong ko dito pero sa mukha palang nito at pagiling ay nabigo nanaman kami. Pangapat na araw na nung mawala si Dahlia.
"Pero patuloy pa din kami sa paghahanap sir. Bawat exits ay may nakabantay na na checkpoint para lamang mahanap sila ng pamilya nya. Pero pasencya na po wlaa pa din tayong lead hanggang ngayon." sabi nito. Tumayo naman ako at kinamayan na lamang ito.
Pagkatapos ay umalis na sila ng bahay ko at bago ko isara ang pinto ay may mga sasakyan na huminto sa tapat ng bahay ko.
Pamilyar ang unang bumaba doon sa isang sasakyan. Sean.
"Alden!" sabi nito sa akin. Bumaba ako at binuksan ulit ang pinto at lumabas para salubungin ito.
Nagulat ako ng kwelyuhan ako nito.
"Nasaan! Nasan na si Rose! Ilabas mo sya Alden! Kung nalaman ko lang agad na nawawlaa sya ay de sana matagal na anmin syang nahanap! At hindi pa mangagaling ang balita sa press! " sabi nito sa akin pero hindi ko tinanggal ang pagkakakwelyo nito sa akin dahil wala akong magawa.
"If I find her! I swear Alden! Ilalayo ko sya sayo! Hindi mo na sya makikita!" sabi nito. Iyon ang nakapagpabalik ng tingin ko dito at hinawakan ko ang kamay nitong nakakwelyo sa akin.
"Hindi mo yan magagawa Sean! Hindi kita papayagan!" sabi ko dito at nang matanggal ko na ang kamay nito sa kwelyo ko at sinuntok ko ito.
Hindi pa ako nakuntento at sinugod ko ito at nagpagulong gulong kami sa kalsada sa aming pagsusuntukan.
"Stop." napahinto kami sa boses na narinig namin at napatayo kami dahil doon. Isang lalakeng nakasuit ang kaharap ko ngayon at halatang hindi ito nakatira dito sa pilipinas. Mayroon ding mga nakabantay na bodyguards ito sa likod nya.
"I didn't expect you to behave like that Sean." malalim na sabi nito.
"I'm sorry uncle. It's just that I'm worried about Rose." sabi ni Sean sa lalaki. Lumingon ito sa akin at lumapit. Tinitignan ko si Sean pero hindi ito nakatingin sa akin.
"I see you Alden Richards. I've heard many things about you." sabi nito.
Hindi ako sinagot nito pero lumapit ito sa akin at yumukod.
"Please... Please Alden. Bring my daughter back."

BINABASA MO ANG
Yaya for Mr. Richards
FanfictionIsang sikat na artista si Alden Richards. Kabilaan ang mga projects at sa iba't ibang artista nalilink. Sa sobrang busy nito ay napapabayaan na nito ang sarili nya at dahil dyan umaksyon na ang mommy nito. Meet Dahlia Usana Bayrose Maxwell. sosyali...