Chapter 40

2K 108 15
                                    

DAHLIA'S POV

Kulang ang pagkakakilay nya sa pagtaas ng kilay sa akin. Siguro dapat hanggang sa noo nya may kilay din. Parang mas bagay don.

Nakangisi din ito sa akin.

"Pero wag mo na syang intindihin. She's nothing." sabi nung lola nito tapos ay naglakad na papunta sa mesa.

Hindi pa nakuntento at binangga pa ako nito.

Hinayaan ko na lang at ipinaghanda sila sa mesa at nakaabang sa mga ipinaguutos nila.

"So how's your stay in Us Lola?" narinig kong tanong ni Sophia.
"It's great. Wala na akong pinopoblema back there. Recently lang. But anyway mabuti ang pakiramdam ko ngayon ng makita na ulit kita. It's been years! Mga bata pa kayo ni Alden nung huli tayong magkita."
"Yes Lola. Namiss ko na nga ang buchi ko! Kulang pa ang catching up namin last time." sabi nito at nagtawanan naman sila.

Catching up, catching up. My face.

"Uuwi nanaman ang apo ko tomorrow. Why dont you stay in here for the night." nabigla ako sa sinasabi nito kaya naibaba ko nang di sinasadya ang mga basong pinupunusan ko.

Napalingon ako sa kanila at nakatingin sila sa akin.

"Will keep it down? My gash walang manners ang katulong ni Alden ha?" sabi ni Sophia sabay flip nung hair nyang blondie.

"Sorry iha." sabi ni Lola at binalingan ako.

"Dahan dahan naman. Baka mas mahal pa yang gamit na yan sa pambili mo ng damit mo. " sabi nito at bumalik na ang tingin kay Sophia at nagkatuwaan nanaman sila.

Umalis na lang ako doon at pumunta sa dati kong kwarto sa maid's quarter at nahiga. Sumasakit nanaman ang ulo ko. Kulang na nga ako sa tulog, hindi pa ako nakakainom ng mga gamot at vitamins ko.

Papikit na sana ako dahil sa antok at pagod pero tinawag nanaman ako ng Lola ni Alden.

Tumayo ako agad at lumabas at nakita kong nasa sahig ang iba kong niluto.

"What the heck is this!" tili ni Sophia habang itininuturo ang hipon sa niluto ko.
"Uhmm... Hipon po iyon?" sabi ko.

PAK!

Napahawak ako sa kanang pisngi ko at ang hapdi nito.

"Hindi mo ba alam na allergic ako sa hipon? And you dare to serve it?!" sabi nito at sinabunutan ako.

"Wa... Wait ta...tama na po!" sabi ko at iniaalis ang kamay nito sa aking ulo.

"Phia. Stop that. Don't touch that woman with your hands." sabi ni lola at bago ito bumitaw ay sinampal ako ulit nito.

"She's so irritating lola!" sabi nito at umayos na ang upo at inayos ang itsura nito.

"Linisin mo yan." sabi ni Lola at iniwan na nila ako dahil nagpunta na sila sa living room at tinuloy ang kwentuhan.

Lininis ko agad ang natapon na pagkain at yung mga nabasag na pinggan.

Pagkatapos ko magligpit ay umakyat na ako sa kwarto ni Alden. Nagpalit at hilamos lang ako at nahiga na sa kama.
Ayokong umiyak dahil lang sa ginagawa nila sa akin. Mas malala pa ang nangyayari sa akin kaya wala lang to.

Sa sobrang pagod na din siguro ay nakatulog na ako.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto ay isang sabunot ang bumungad agad sa akin.

Pagangat ko ng tingin ay ang lola pala ni Alden.

"Te... Teka po lola! Ano... Ano pong ginawa ko?" sabi ko. Hindi ito sumaglt bagkus ay hinila lang ako pababa sa hagdan hanggang living room. Nakita ko din na nakaupo doon si Sophia.

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon